Chapter 64

631 50 11
                                    

Xyra's POV

Nakarating na kami dito sa malaki ding mansion ng tito ni Kyle. No doubt na ang  yayaman ng angkan nila. Nagbihis na rin kami dahil nga reunion tong pinuntahan namin.

Humarang samin ang tatlong guard. Rinig namin ang maingay na tugtog sa loob ng bahay.

"Sino kayo?" Tanong nung isa.

"Kaibigan po kami ng apo ni Señorita--"

Napatigil sa pagsasalita si Lawrence ng may lumapit samin na isang lalaki na nakapormal na suot.

"Anong problema dito?" Tanong nya gamit ang malalim na boses.

"Eto po kasing tatlo wala namang invitation card tas wala---"

"Wait, Lawrence?" Kunot noong tanong nung lalaki. Napangiti si Lawrence, magkakilala sila? Oo nga pala, matagal na silang magkaibigan ni Kyle.

"Ako nga po Tito." Tumawa ng malakas yung lalaki at hinawakan sa ulo si Lawrence.

"Mas lalo kang pumogi ah!" Lawrence chuckled.

"Salamat po." Nagtawanan sila sa harapan namin kaya napapahiyang umalis yung dalawang guard. Kinalabit naman ako ni Hannah.

"Lagi nalang tayong out of place bes." Tumawa ako ng mahina, hindi naman rin namin sila kilala.

"Sino tong dalawang magagandang babae na kasama mo?" Nakangiting tanong nung lalaki kay Lawrence.

"Si Xyra at Hannah po, mga kaibigan ko." Sabi nya kaya naglahad kami ng kamay. Tinanggap naman yun ng Tito ni Kyle.

"Nice to meet you beautiful ladies. Imposible ata na walang gusto si Lawrence sa inyong dalawa?" Humalakhak sya.

"Nako Tito."

"O sya, pasok kayo sa loob dahil nagkakasiyahan. Minsan lang tong reunion na to kaya ienjoy na. Besides, pwede naman kahit di kayo relatives basta may kakilala kayo don." Sabi nya samin.

"Sure po Tito." Saad ni Lawrence.

"Let's go, wag kayong ma out of place, mababait naman yung mga pamangkin ko sa loob." Ngumiti nalang kami at hinawakan ako ni Lawrence sa kamay dahil nagsimula na akong kabahan.

"Don't worry, nandito lang kami ng bestfriend mo." Sabi nya at kinindatan ako, ngumiti ako sa kanya. 

Kitang kita namin ang lights na tumatama sa mga balat namin. Ang saya tignan, pati na ang malakas na tugtog. Halos lahat sila nag uusap. Malamang, magkakamag anak sila.

Ilan sa mga tao na nandito sa loob ay napapatingin samin. Pakiramdam ko parang kaming dalawa ni Hannah yung alien. Madami kasing nakakakilala kay Lawrence dito at ang daming bumabati sa kanya.

Kinakabahan talaga ako. Naghahanap hanap ako sa paligid para makita si Kyle kaso ang hirap makita.

"Puntahan muna natin si Señorita? Nandito pala si Kyle, kayo talagang dalawa lagi kayong magkasama." Sabi nung lalaki kay Lawrence.

Shit. Pupuntahan namin yung table ng lola ni Kyle? Humigpit ako ng hawak sa kamay ni Lawrence.

"S-sure po." Sagot ni Lawrence at alangan akong tinignan. Hinawakan ako ni Hannah sa braso.

"Kalma lang and act normal, we're an actress right?Kailangan mong maging pormal pag nakaharap natin sila." Sabi ni Hannah sakin at tumango ako.

Maya maya natatanaw ko na ang table sa bandang gitna. Malaki at mahabang table. Makikita don ang mga bigating tao na siguro mga lola, lolo, at ilang relatives pa ni Kyle.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now