Chapter 30

608 56 1
                                    

Kyle's POV

Today is Sunday night. Walang ganap ngayong araw and everything went back to normal. Buong araw lang na nasa kwarto nila sila Thalia at Xyra. Si daddy naman umuwi kanina at binati saglit si Xyra before he went at his office to continue his work.

I sighed at napatingin sa bintana. Umuulan padin, humiga nalang ako kama. I was about to grab my airpods ng may kumatok sa pintuan.

"Kyle?" Napaupo kaagad ako, si Xyra pala. Nagtaka ako, anong kailangan nya sakin? Tumayo nalang ako at mabilis na binuksan ang pintuan.

Napalunok sya ng makita ako. Pinasadahan ko sya ng tingin. She's wearing a gray pajama and oversized cotton t-shirt. May suot din syang bunny na headband, I stopped myself from smiling. Para syang batang naliligaw.

"What can I do for you miss?" Tanong ko at pinagbuksan sya ng pintuan. Nag aalangan pa syang pumasok pero naglakad at umupo sa kama ko.

Kung gaya pa ako ng dati na suplado at laging galit sa ibang tao, nasigawan ko na sya dahil sa pag upo sa kama ko. 

I grabbed one chair at nilagay sa harapan nya. Hindi ba sya magsasalita? Nang tumingin sya sa kin, he pointed my bag.

"I need to copy some lessons in English Literature, may kopya ka naman siguro?" Tanong nya sakin.

"Uh, oo ata." Sagot ko dahil kahit naman pala cutting ako, ginagawa ko yung mga dapat isulat o sagutan. Tumayo ako at kinuha ang notebook sa bag, hinagis ko nalang sa kanya. Nagulat sya pero mabilis namang nasalo yon, I chuckled.

"Thanks, ito lang talaga pinunta ko dito." Sabi nya at tumayo na. I nodded and shook my head. Yeah, I expected that she will stay here longer.

"May extra ka bang bunny headband? I want that." Asar ko bago pa sya makalabas ng pintuan. She laughed and hold her headband.

"Check ko sa kwarto kung meron then bibigyan kita, it looks cute on you. Maybe you'll look like a gay." Napangisi nalang ako imbes na maasar.

I would wear that funny thing if we have the same one.

Xyras's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Ang aga kong nagising. Tumayo ako at nag ayos ng sarili bago bumaba. Nang makalabas ako ay naglakad ako agad papunta sa kitchen.

Ngayon ko lang naisip na, hindi ko pa pala nalilibot tong buong bahay. Nakakatawa lang. Almost one month na simula nung tumira ako pero di ko padin nalilibot. 

Pagkababa ko sa hagdanan ay may narinig akong tumutunog na kutsara at tinidor. Nag aalmusal na sila? Pagkarating ko, saktong nandoon nga si Thalia at Kyle.

"Tara na Xyra! Goodmorning." Bati ni Thalia sakin. Lumapit naman ako at umupo na. Pinaghandaan ako ng mga maids ng breakfast.

"Goodmorning rin." Nakangising sabi ni Kyle at tumingin sakin. Ngumiti nalang ako sa kanilang dalawa at nag goodmorning rin.

"Whoah, nag iimprove na uli ugali mo. May pa goodmorning na din." Humalakhak si Thalia. Nagsimula nalang akong kumain.

"Tss, manahimik ka dyan at kumain na lang." Napaangat ako ng tingin kay Kyle na nakatingin sakin ngayon. Kampante naman ako na maayos itsura ko ngayon, diba? Nagpatuloy pa sa pagdaldal si Thalia.

"Oh damn, ang ingay mo." Iritadong sabi ni Kyle, natawa nalang ako at tumingin kay Kyle. Napasulyap din sya sa akin bago umiwas ng tingin.

"Kayo namang dalawa tinginan ang peg? Kain muna bago ganyan." Pang asar na sabi nya samin. Napabuntong hininga nalang ako, panay nga ang tinginan naming dalawa.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now