Chapter 71

363 30 2
                                    

Xyra's POV

Natapos na ang sayawan na nangyari kanina at may pahabol pa daw ang magaling na emcee. Nakababad lang ang mga paa namin sa swimming pool.

Yung iba kumakain ulit, nag siswimming, naglalambingan sa gilid, nag- uusap. Kaso ang ipinagtataka ko, bakit parang walang matatanda na nandito?

Umalis rin pati Lola ni kyle. Ibinaling ko ang tingin kay Hannah na kasalukuyang nagpipicture.

"Bes, bakit puro teenagers lang ang nandito?" Tanong ko kaya lumingon sya sakin.

"Ah narinig ko kanina na maglalaro daw tayo. Puro teenagers lang sa banda na to at magkaiba naman ang ginagawa ng mga seniors. I think nasa kabilang side sila ng resort nato at busy din." Paliwanag nya kaya tumango nalang ako. Nasaan kaya si Kyle?

"Xyra." Tawag ni Kyle sakin. Speaking of, napalunok ako at mabilis na tumayo. Siguro naman okay na mag usap at magkalapit kami?

Wala naman si Lola Alicia diba? Nagiging pasaway na ako.

"Ba-bakit?" Tanong ko at lumapit na sya sakin.

"Can we have this moment? Wala ng panira sa paligid." He whispered.

"Kyle masyado kang malapit sakin." Saway ko sa kanya kahit pa gustong gusto ko yung gantong posisyon. Wait, what? Anong sabi ko?

Lumayo sya sakin at namulsa. Tinitigan nya ako. What the heck bat ganyan sya makatingin? Matutunaw ako.

Tumingala sya saglit at ipinilig ang ulo. He brushed his hair and sighed. Fudge, he's so hot.

"Damn, baby. Pwede bang wag ka muna maging maganda masyado sa paningin ko? Baka di ko na makontrol ang sarili ko at matuloy ko yung balak ko sayo kanina pa." Marahang sabi nya na nakalapit na sakin.

"Nakaka speechless naba ako?" He asked ng mapansin na hindi ako nakasagot. I chuckle at tumango.

"Sorry nga pala sa nangyari, muntikan na tayo." sabi ni Kyle. Tumingin lang ako sa kamay naming magkahawak. I miss him.

Namimiss ko nang hawakan yung kamay nya kahit kailan ko gusto, yung walang bantay sa paligid.

"Ayos lang naman but honestly, I'm scared." Sagot ko at tumingin sa kanya.

"Bat ka matatakot? Nandito naman ako. Once na malaman na ni Lola ang totoo, I will protect you." Sincere na sabi nya kaya sumandal ako sa balikat nya.

"Sana nga matapos na. Anyway, kailan ka pala uuwi?" Tanong ko sa kanya dahil mag iisang linggo na.

"Siguro sasabay ako sa inyo pauwi. Pwede bang mag extend kayo ng stay dito sa pampanga? Pwede naman kayo sa mansion ni Lola. Ipapaalam ko kayo."

Nagtaka naman ako.

"Bakit naman matatagalan pa?"

"Gusto ko pag umalis na tayo dito, alam na ni Lola na girlfriend kita. Ayoko na, nakakasawa na magpanggap, fuck."

I laughed ng magmura sya. Ramdam na ramdam yung frustration nya.

"May tanong pala ako, okay na kayo ni Shaira?" Tanong ko.

"What do you mean?"

"Kung may closure na ba kayo ganon." Saad ko pero umiling sya agad.

"Wala akong balak. Pano kami magiging okay kung inaaway ka nya diba?" Natawa ako ulit. Bakitt parang ang childish pakinggan ng word na 'inaaway'?

"Hindi naman sa inaaway. Sagutan lang yon at di naman siguro aabot sa sabunutan." Biro ko pero nanatili syang seryoso.

"Dapat talaga. Di ako papayag na mangyari yon at baka magalusan pa yang napakaganda mong mukha." He smirked.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now