Xyra's POV"Xyra, gising na." May nararamdaman akong yumuyugyog sa balikat ko. Hindi ko pa nagawang maidilat agad ang mata ko kasi ang hapdi pa dahil sa pag iyak kagabi.
Pero ng sumagi sa isip ko ang mga nalaman kagabi, idinilat ko na ang mata ko at tumingin sa gumigising sakin.
"Nagising ka rin sa wakas, tanghali na." Sabi ni Shaira na halatang kakagising lang rin. Tumayo na sya at umupo naman ako sa kama.
Kinusot ko ang mata ko na mahapdi ngayon at panigurado akong namumugto dahil ganon rin ang mata ni Shaira ngayon.
"Oh my gosh, ang panget tignan ng mata ko ngayon at namamaga." Sabi nya habang nakatingin sa salamin at nagsusuklay ng buhok.
Natawa nalang ako at tumayo na rin. Gusto ko pa sanang matulog pero kailangan na naming bumangon. Napatingin ako sa wall clock, mag aalas onse na ng tanghali.
Kinuha ko ang phone ko sa desk at pagkabukas ko palang, nakita ko na agad ang messages at missed calls galing kay Kyle.
Tumawag ako sa kanya at lumapit na rin sa salamin para mag ayos ng mukha.
Ilang minuto lang ay sinagot naman nya yon.
"Goodmorning." Paos na sabi ko.
"Goodmorning, baby. Are you okay? Kakagising mo lang ba?" Tanong nya sakin.
"Ah yes, anong oras na din kasi kaming nakatulog kagabi." Sagot ko naman at naabutan ko si Shaira na nakatingin sakin at mukhang nakikinig sa usapan namin ni Kyle.
Umiwas sya ng tingin at bumuntong hininga. Nagsimula nalang akong suklayin ang buhok ko.
"Hm anong oras kayo uuwi ni Shaira?" Tanong nya sakin. Napaisip ako kung paano ipapaliwag sa kanila lahat at, hindi ko alam kung anong reaksyon nila pag sinabi ko na magkapatid kami ni Shaira.
"Siguro, mamayang hapon? Try ko sabihin kay mommy." Sagot ko at ngumiti.
Nakaramdam ako ng saya at excitement dahil makakasama namin si mommy ngayong araw.
"Okay I will wait for you sweetheart, sige na at magbreakfast kana dyan, take your time. I love you."
"Sige, I love you too." Nakangiti kong Sagot at pinatay ang tawag. Narinig ko ang pagtikhim ni Shaira kaya mabilis akong nag ayos at lumabas na kami ng kwarto.
"Anong sabi ni Kyle?" Tanong nya sakin habang naglalakad kami.
Ayos na kaya sa kanya yung about samin? Or hindi nya padin tanggap at nagagalit pa din sya? I don't have a clue at hindi ko mabasa ang expression nya.
"Tinanong nya kung kelan tayo uuwi tas sinagot ko, mamayang hapon siguro." Tumango nalang sya.
Medyo matagal pa bago kami makarating sa baba dahil andami naming dinaanan. Ang laki talaga ng mansion na to, samantalang si mommy lang ang nakatira.
I saw mommy na nagkakape sa living room at nagbabasa ng magazine. Naka de kwatro sya na upo at sosyal na umiinom.
We have an elegant and classy mother.
"Mom." Sabay na tawag namin ni Shaira kaya napangiti kami parehas. Tumingin sya saming dalawa at ibinaba ang hawak na magazine.
Tumayo sya at sinalubong kami ng yakap at halik sa noo.
"My ladies are now awake." She smiled at us. Gaya naming dalawa ay namugto rin ang mata nya.
"Sorry mom, ngayon lang kami nagising." Saad ko pero umiling lang sya.
YOU ARE READING
Crossed Destiny (Completed)
Romance"This is Xyra Davis and Destiny brought me to Evan's family." The unlucky girl because of her broken family, and the broken boy because of his past love. What will happen if their destiny's crossed?