Chapter 26

585 55 7
                                    

Kyle's POV

Nakatambay ako dito sa hideout namin. Nakatunganga lang ako habang nakaupo sa damuhan at nakasandal sa isang puno. Malilim ngayon, sumasabay ata sa nararamdaman ko. Tangina,  nararamdaman? May ganon ba?

Pumikit ako at nagplay sa utak ko yung nangyari, 1 year ago.

"Shaira!" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya sakin at matamis na ngumiti. I love every single detail about her. And now it is her 17th birthday.

Lumapit sya sa akin at niyakap nya ako. That hug makes me smile. Umalis na sya sa pagkakayakap sakin pero nakakapit parin yung kamay nya sa batok ko. Tumingin sya ng diretso sakin.

"Happy 17th Birthday. I have a surprise for you." Sabi ko sa kanya at ngumiti ako.

Ngumiti rin sya pabalik.

"Talaga? I'm so excited!" Sabi nya at hinalikan ako sa pisngi.

"You're so cute." Ginulo ko yung buhok nya at tumawa. Ngumuso naman sya sakin.

"So hindi pala ako maganda? Cute lang." Sabi nya na kunwari nagtatampo.

"It's not what I mean. You're not only cute,  You're gorgeous babe."

Namula yung mukha nya kinagat nya yung pang ibabang labi nya. Damn, mas lalo akong na aattract.

"Thanks, sana naman aware ka na ang lakas ng epekto sakin ng mga sinasabi mo?" Natatawang sabi nya.

"Natanong mona ba sakin kung anong epekto sakin ng mga ginagawa mo hmm?" Tanong ko pabalik.

"Ah nope. Ano ba?" Nanliit ang mata nya.

"You always give me reasons to love you more." I said and then she blushed again.

"You're so sweet babe. So tara na? Nilalanggam na ako." pabiro nyang sabi na syang ikinangiti ko. Sumakay na kami sa kotse ko at nag drive na, buti nalang pinayagan ako ni dad na gamitin to ngayon. Habang nagda drive ako ay napapatingin ako sa kanya.

Tingin sya ng tingin sa cellphone nya at parang may ka text.

"Hey what's wrong?" Tanong ko. Lumingon sya sakin pero iba yung naramdaman ko.

"N-nothing. Just keep on driving." sagot nya at ngumiti. Pero may iba talaga.

Binalewala ko nalang yon at itinuon yung pansin ko sa pagmamaneho. Pindot sya ng pindot sa cellphone nya at parang hindi mapakali. Nakakunot narin yung noo nya.

"Shaira?" Tawag ko. Nag aalala nako, shit biglang nag iba yung ikinikilos nya.

"What?" Wala sa sariling tanong nya habang nakatingin sakin.

"May problema ba? Hindi ka mapakali dyan." 
Nakita ko rin na pinagpapawisan sya pero tumitingin parin sya sa phone nya.

"W-wala nga." nauutal pa.

Damn. Pati ako hindi na mapakali. Nagpalipat lipat na yung tingin ko sa kanya at sa kalsada.

Napagpasyahan kong ihinto muna yung kotse para makapag usap kami pero fuck! Nataranta ako bigla ng walang break at preno. What the hell?

"Shaira! A-ayaw huminto ng kotse!"

Nataranta nadin sya pero hindi sya sumasagot. Ililiko ko na sana yung sasakyan sa kaliwa pero sa kanan dumiretso. Tangina pati manibela nagloloko.

"Kyle" tinignan ko si Shaira na paiyak na at nakatingin sakin.

Madami narin kaming nababangga na kung ano ano. Hinawakan ko sya sa kamay pero gulong gulo nako. I don't know anymore what will I fucking do!

"Shaira" huling tawag ko sa pangalan nya at nagulat nalang ako ng sumanggi yung kotse namin sa isang poste at nahulog bigla kami sa kung saan.

Then everything went black.

Dumilat na ako. Bumalik na naman yung bangungot na matagal kona sanang kinalimutan.

Napahawak nalang ako sa ulo ko. After 1 year, sasabihin ng babae na yon na what if buhay si Shaira? Sinong niloko nya? Ang tagal namang pagbabalik kung ganon, kingina.

After that accident at madala ako sa ospital, wala na akong balita na natanggap mula kay Shaira. Hindi sya mahanap ng mga pulis simula ng maaksidente kami. Pero ang pinagtataka ko, wala akong natanggap na balita sa kung anong reaksyon ng parents nya.

Sinabi nila na tanggapin ko na raw dahil baka wala na si Shaira. Hindi ko yun inisip dahil hindi naman sya nakita nung naaksidente kami.

Pero one day, I gave up. I gave up on searching her and I promise to myself that I will move on.

Kaso ngayon, bigla nalang may nagpakitang babae at sinasabi sakin na posibleng bumalik si Shaira sakin.

"Master!" Umayos ako ng upo. Si Blake pala, kasunod nya sina Liam, Derrick at Ivan.

"Why?" Tanong ko. Wala akong ipinakita na kahit anong ekspresyon. I know, alam na nila yung nangyari kanina.

"Master okay ka lang?" Tanong ni Liam pero tumango lang ako at nilaro yung maliit na bola na hawak ko.

"Buhay daw ba talaga si Shaira master?" Si Derrick naman yung nagtanong. Binigyan ko lang sila ng blangkong tingin.

Shit, wala na ako sa mood.

"Master wag ka muna mag emote ha? Kumusta pala yung date nyo ni Xyra?"

Napahinto ako sa pagpapaikot ng maliit na bola sa kamay ko. Nag angat ako ng tingin kay Blake. Si Xyra nga pala, hindi ko sya nasamahan.

"Hindi kami natuloy." walang ganang sagot ko. I felt sorry, pinaasa ko sya nung umaga.

"Ay hindi ko pala nasabi sa inyo, may kasama na ngayon si Xyra." Napatingin ako kay Ivan.
Kumunot ang noo ko, akala ko nasa bahay lang sya ngayon.

"Sino?" Seryosong tanong ko.

"Si the flash, si Lawrence." Natawa nalang silang apat sa sagot ni Ivan. Hindi na ako umimik, tss. Sana mag enjoy sila.

"Master hindi ka ba pupunta? Humabol ka naman!" Sabi ni Derrick sabay tapik sa balikat ko.

"Oo nga naman. Ikaw kasi nakaalam na birthday nya."

Nag isip isip ako saglit. So ano ako don pag nagkataon? Third wheel? Tss. Baka makaistorbo pa ako sa moment nilang dalawa.

"Master naman! Dalian mo, saka diba may regalo ka kay Xyra? Oh ibigay mo, humabol ka." Pangungulit sakin ni Blake.

Napabuga nalang ako ng hangin at ibinato sa kanila yung bola. Lumakad na ako paalis, siguro tama sila. Pwede namang akong humabol.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now