Chapter 91

75 7 0
                                    

Xyra's POV

Humiwalay si Lawrence sakin. Hindi ko alam kung anong irereact o gagawin ko, nanatili akong gulat, nagtataka na tumingin sa kanya.

"A-a-anong-" Lumayo sya sakin at pinasadahan ng daliri ang buhok.

"I'm- shit, I'm sorry." Tanging sabi nalang nya at umiwas ng tingin.

"L-let's go inside." Sabi nya at hindi na ako tinapunan ng tingin. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanya.

He freaking kissed me. Lawrence kissed me. What the hell? Pinunasan ko ang natuyong luha sa mata ko at nilagpasan na sya.

Dire diretso ang lakad ko pabalik sa table namin at nakaupo na sila mom, dad, at Shaira na masayang nakangiti at nagkukwento. Dinner na pala ngayon kaya wala ng ganap at kainan nalang.

Umupo ako sa upuan, para akong nakalutang ngayon dahil sa ginawa ni Lawrence. Gusto nya ba ako kaya nya ginawa yon? Hindi ko alam, naguluhan ako.

"Xyra, are you okay?" Tanong ni dad sakin. Ngumiti ako sa kanila samantalang tinititigan ako ni Shaira.

"Yes po, sorry kung natagalan yung balik ko. Tara na po, let's eat." Pinilit kong pagsiglahin ang boses ko.

Nagsimula na kaming kumain at nagkwento lang si Shaira. Tumango tango ako sa sinasabi nya kahit wala akong maintindihan ngayon. Nakikitawa rin ako sa kanila kahit di ko alam ang pinag uusapan.

Tumingin ako sa table nila Lawrence at tinignan ko sya. Kinakausap sya nila Liam pero pinaglalaruan nya lang ang baso na hawak.

Sumulyap sya sakin at nagtama ang paningin namin, ako na agad ang umiwas at bumaling ang tingin ko kay Kyle na nakatingin rin sakin ngayon.

His eyes looks so expressive at parang gusto akong lapitan.

"Mga anak, dun na muna kami sa mga kakilala namin at makikipag usap. Take your time kumain." Sabi ni mom at ganon din si daddy. Tumayo na sila at lumayo, kami nalang ni Shaira ang naiwan.

"Nagseselos ka ngayon diba?" Tanong ni Shaira sakin bigla.

"Oo." Pag amin ko at sumubo na lang. Tumango tango sya at tumingin sakin.

"Don't worry, 1 month lang naman kayong hindi masyadong magpapansinan ni Kyle, I think you can handle it naman, right?" Tanong nya uli sakin.

Bukas lang ay babalik na kami sa dati, yon ang napag usapan namin ni Kyle nung isang araw. Gusto kong sabihin sa kanya ngayon pero ayaw ko naman na masira ang gabi nya.

"Yeah, kaya ko magtiis. Anyway, masaya ka ngayong gabi, halata naman." I chuckled. Pilit ang pagtawa ko at di ko alam kung nahahalata nya ba.

"Super, Xyra. Lalo na dahil si Kyle ang escort ko at ilang oras na kami laging magkasama." She sweetly smiled.

"Diba closure lang yung gusto mong mangyari?" Tanong ko naman na ikinahinto nya sa pagkain. Uminom sya at tinitigan ako.

"Oo siguro nga after ng 1 month, close na kami uli ni Kyle gaya ng dati." Sagot nya. Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa ibang mga guests. Halo halo na talaga yung nararamdaman ko ngayong gabi, her debut tonight is my nightmare.

"Hm okay. Titigilan mo na kami ni Kyle pagkatapos nyo maging close, tama?" Hindi ko tinigilan ang pagtatanong sa kanya dahil pakiramdam ko, naiiba na ang gusto nyang mangyari at hindi yung napag usapan namin.

"I will entertain my guests." Sabi nya at tumayo para makaalis sa harapan ko. She ignored my question, great.

Mabilis na natapos ang ganap sa debut at natapos ang speech ni Shaira ng hindi ko inintindi. Masyadong nakalutang ang isip ko kanina pa.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now