Chapter 37

627 51 2
                                    

Xyra's POV

Alas dos ng madaling araw gising na kami dahil nga aalis kami ngayon. Kailangan maaga palang nandoon na kami.

"Bawal talaga sumama sa inyo?" Kanina pa nangungulit tong si Thalia samin. May pasok sya at hindi pwedeng umabsent.

"Thalia, shut up pwede? Bawal kang sumama." Sagot ni Kyle kaya ngumuso nalang ang kapatid nya. Nakapalumbaba lang ako dito sa lamesa at umiinom ng kape, ayoko makatulog sa byahe.

"Sus, sabihin mo nalang kasi na gusto mo ma solo si Xyra." Napaangat yung tingin ko sa kanilang dalawa. Pinitik sya bigla ni Kyle sa noo.

"Tss ewan ko sayo. Ikaw na bahala dito sa bahay, aalis na kami. Are you done?" Baling nya sakin. Mabilis kong ininom yung natitirang kape sa baso at kinuha na yung gamit.

Inaantok pa talaga ako. Ni hindi nga nawala yung antok ko kahit naligo nako't lahat lahat. Pano ba naman kasi alas onse pasado na ako dinalaw ng antok.

"Xyra tara na." Sabi ni Kyle at hinila ako patayo.

"Pwedeng mamaya na? Gusto ko pang matulog." Wala sa sariling reklamo ko at humikab.

"Xyra don't be an actress, alam ko naman na excited ka ng makasama ako." Humalakhak sya, dinaan ko nalang sa pag irap ang paghurumentado ng sistema ko. Nawala at antok ko bigla dahil sa sinabi nya.

"Feeling mo naman. Thalia bye, ingat sa school." Sabi ko at kumaway pa sa kanya bago lumabas. Sumakay na kami sa loob ng kotse, ihahatid kami ni Mang Edwin hanggang sa terminal station.

Hikab ako ng hikab habang nasa loob kami ng kotse, hindi pala natanggal yung antok ko. Dapat ata nagdalawang baso ako ng kape baka sakaling buong byahe akong gising.

"Anong oras ka ba natulog kagabi?" Tanong ni Kyle dahil kanina nya pa ata ako napapansin.

"11 pasado na." Pumikit nalang ako, pwede naman sigurong umidlip muna. Malayo pa naman yung terminal.

"Bawal matulog." Napadilat ako agad at nasa harapan na yung mukha nya. Tumawa sya ng nakita akong nagulat.

"Kyle! Wag ka ngang lumapit sakin." Inis na sabi ko na ikinakunot ng noo nya. Kailangan mapigilan ko tong nararamdaman ko, I'll try to divert my attention to someone else.

"Bakit? Nagsasawa kana ba sa mukha ko hmm?" Tanong nya habang nakatingin sa side mirror at tinignan ako. Ilang minuto ko pa syang tinitigan pabalik bago nag iwas ng tingin.

"Sabi na e, are you falling baby?" Mapanuya nyang tanong at pinasadahan ang magulong buhok.  Napalunok ako, naiinitan na naman ako.

"Asa ka naman." Tumingin nalang ako sa bintana.

"Kaya pala lagi mo akong tinitignan." Bulong nya sa mapang asar na tono. Umirap nalang ako at naramdaman ang pamumula ng mukha. Mabuti nalang medyo madilim at hindi nya napapansin.

"Alam nyo ang sweet nyo tignan." Parehas kaming napalingon kay Mang Edwin na nakangiting tumingin sa amin.

"Seriously Mang Edwin? Seriously?" Tanong ni Kyle at tumawa. Tumahimik nalang ako,  ang sarap pakinggan pero nakakainis rin. Nilalandi lang naman ako ng lalaki na to, walang ibang meaning yung pagiging sweet nya minsan sakin.

"Para sakin lang naman Sir Kyle" Dugtong ni Mang Edwin at tumawa.

Afterwards, nakarating na kami dito sa terminal. Agad na kaming bumabasa sa kotse at buti nalang madaming bus na nakaparada. Kinuha na namin yung bag at umalis na ang kotse.

"Hey hold my hand." Utos ni Kyle sakin. Nagtataka akong tumingin pero seryoso nya lang akong tinignan at tinaas ang isang kilay.

"Tatawid tayo." Sagot nya at hinuli na ang kamay ko. I bite my lower lip, marunong naman kasi akong tumawid.

Nang makarating na kami sa kinaroroonan ng mga bus ay naghintay pa kami ng ilang minuto. Habang nakatayo, bumibigat na ang talukap ng mga mata ko.

"Kyle, I want to sleep." Mahinang saad ko at natatawa syang tumingin sakin. Ngayon ko lang napansin na magkahawak parin kami ng kamay, damn. Wala ata syang balak na bitawan ang kamay ko.

"Mamaya kana matulog okay? Ayan na pala yung bus, tara na." Sabi nya at hinila ako. Wala akong nagawa kundi ang magpatianod nalang.

Sumakay na kami sa isang ordinary na bus kasi request ko yun. Gusto ko ma try sumakay don dahil dati sa kada byahe ko, puro air-conditioned. Pumasok na kami sa loob at sa bandang gitna kami pumwesto.

Syempre sa tabi ako ng bintana, gusto kong tinitignan yung paligid.

"Ano pwede na bang matulog?" I sarcastically said while hugging my bag. Lumingon sya sakin at ngumisi.

"Yeah, matulog ka na. Mahaba pa yung byahe natin." Sabi nya at nagsuot ng earphone. Tumango nalang ako at tumingin sa bintana. Hindi ko mapigilan na hindi mapakali lalo na ngayon na magkatabi kami.

"You want?" Sabi nya at ipinakita sa akin yung kabilang earphone. Kinuha ko naman yon at umayos ng upo, I need some music to sleep.

Saktong suot ko ay umandar na ang bus. Nagsimula naring mag ikot ang konduktor. Nakinig ako sa music habang nakasandal yung ulo ko sa bintana ng bus.

'She's so beautiful, and I tell her everyday'

Saktong linya non ng makita kong sumulyap sa akin si Kyle. Umakyat yung init sa mukha ko, bakit sya nakatingin sakin? Binuksan ko yung bintana at bumungad sakin ang napakalamig na hangin.

Tumatama sa mukha at katawan ko yung lamig pero hindi ko iniinda yung ginaw. Gusto ko muna tumingin sa dinadaanan namin kahit na madilim. Bakit kasi hindi ako nagdala ng Jacket? Lagi ko nalang nakakalimutan.

"Hindi ka ba giniginaw?" Tanong ni Kyle sakin.

"Nope." Pero nilalamig na talaga ako. Mukhang napansin nyang nilalamig talaga ako kaya hinubad nya ang Jacket na suot.

Inilagay nya yon sa gilid ko para hindi ako masyadong ma expose sa hangin.

"Sleep Xyra." Mahinang sabi nya sakin, ngumiti nalang ako. Kanina gusto kong matulog pero ngayon parang ayaw makisama ng mata ko.

"Mabuti pa nga." Isinandal ko nalang yung ulo ko sa bintana. Pero mabilis syang nagsalita.

"Dito mo isandal yang ulo mo sa balikat ko, hindi ka makakatulog ng maayos nyan." Sabi nya sa akin at umayos ng upo. Wala na akong nagawa kundi isandal ang ulo sa balikat nya.

"O-okay, matulog ka rin." Mahinang sabi ko dahil halata naman din na inaantok sya.

"Matutulog lang ako pag nakatulog kana. Pero mas gusto ko nalang na bantayan ka kesa matulog ako."

Yan lang yung sinabi nya pero nagwawala na yung puso ko. I hate this kind of feeling, pero hindi ko naman mapigilan.  Oh damn, hulog na talaga.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now