Xyra's POV
"Pinagluto mo pa kasi ako." Sagot ko at kumain na lang. Masarap nga, buti nalang at tinuruan ako ni mommy.
"Next time, I will learn how to cook then ako na magluluto para sayo." Sabi nya at bahagyang tumawa. Nag init na naman yung pisngi ko dahil sa sinabi nya.
"Kumain kana lang." Sumubo na ako. Obvious naman na nilalandi ako nitong si Kyle, ganto rin kaya sya humarot sa ibang babae? Naiisip ko palang na may iba syang nilalapitan at ikinukulong sa braso nya, napangiwi nalang ako dahil parang di ko tanggap na ganto sya kalandi sa lahat ng babae.
"Kinilig ka naman?" Sabi nya sabay iling. He's teasing me, nanatili ang tingin nya sa akin.
"Hindi, never akong kinilig sayo." Agad na sabi ko. Ang sinungaling ko ba?
"Ah huh. Your words and actions are clearly opposite, baby." Saad nya, hindi ko tuloy naisubo yung dapat na kakainin ko. Nang sulyapan nya akong ganon ang itsura humalakhak sya.
"Hindi mo ba alam na bawal magsalita habang kumakain?" Inis na tanong ko. Wag nya kasi akong kausapin, nilalamon ako ng mga sinasabi nya.
"Sorry seryoso ka kasi masyado." Sabi nya at inabot ang baso para uminom ng tubig. Napatitig na naman ako, oh fuck that adams apple. Dali dali akong sumubo ng pagkain, kailan ba ako magpapa check up? I'm confused sa mga nararamdam ko.
"Hey, dahan dahan lang. Nagmamadali?" Hindi ko na lang sya pinansin at kumain nalang ng kumain.
"Kung gusto mong matulog na tayo--"
"Shut up." Saway ko agad sa kanya. Magkatabi ba kami mamaya? Napaisip ako agad kung anong magiging itsura ko.
"Take your time, tapos na ako kumain." Sabi nya at sumandal nalang sa upuan. Tinitigan nya ako habang kumakain, hindi ba sya nagsasawa sa mukha ko? Nakakailang tuloy sumubo.
"Tignan mo nga kung malakas pa yung ulan." Utos ko para mawala ang attention nya sakin. Tumayo naman sya agad at lumapit sa pintuan. He opened the door at pumasok agad ang lamig ng hangin.
"Yeah, malakas pa din yung ulan. Hindi ko alam na may thunderstorm ngayon." Saad nya at hindi na ako sumagot. Natapos na akong kumain at uminom, niligpit ko yung pinagkainan namin at hinugasan.
Hindi na ako nagtaka na mabilis syang nakalapit sakin.
"Ako na maghuhugas nyan." Sabi nya at pinalitan ang pwesto ko. Tumayo lang ako sa gilid habang naghuhugas sya, konti lang naman kaya natapos sya agad.
"So, ano ng gagawin natin after nito?" Tanong ko, walang bahid na dumi ang naiisip pero dahil ngumisi sya. Naiba na naman ang takbo ng utak ko.
"Guguluhin yung kama" Sabi nya at tumalikod na para umakyat sa hagdanan. Nanlaki yung mata ko at sumunod nalang rin.
"Tigilan mo ako manyak." Malakas na Sabi ko habang nasa taas na sya. I only heard him laughed. Pwede nabang mag back out? Magkatabi ba kaming matutulog? Iniisip ko palang kinakabahan na ako.
Umakyat na ako at naabutan ko si Kyle na tumitingin sa cabinet. May mga damit rin pala sa loob non kaso bilang lang talaga.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko at pumasok sa loob. Umupo ako sa kama habang tinitignan sya,
"Quick shower, you can wear this oversized shirt kung magbibihis ka din." Sabi nya at inabot sakin yung plain gray shirt.
"Wait for me." Pumasok na sya sa bathroom. I sighed at tumingin muna sa bintana. Ang lakas nga ng ulan at nagsisigalawan ang mga puno dahil sa lakas ng hangin.
Mabilis na natapos si Kyle at lumabas. He's wiping her wet hair with a towel habang nakatingin sa akin. Naka white t-shirt at black sweatpants sya, inabot nya ang towel sa akin. Mabilis kong naamoy yung shower gel, napalunok ako.
"Wag kang magbabad sa tubig okay? Gabi na." He said and brushed his messy hair dahil nga basa pa. Umiwas na ako ng tingin at pumasok naman sa bathroom, I always found his moves so.. hot.
Mabilis akong natapos at nailang ako sa suot ko. Oversized gray shirt at maikling short, bahala na. Pinunasan ko din ang medyo basang buhok ko, naglinis lang naman ako. Pinasadahan ako ng tingin ni Kyle ng lumapit ako sa kama. I saw his Adams apple moved ng umupo ako.
"Kyle, dito talaga tayo matutulog?" Tanong ko dahil feeling ko hindi ako mapapakali. Mahina syang tumawa at pinatay na ang ilaw.
"Hindi ba pwedeng sa ibang kwarto nalang a-ako?" Mahinang tanong ko. He stared at me mockingly.
"Bahala ka. Alam mo ba? May mga multo daw na pagala gala dito? Kaya nga kami umalis sa bahay nato." Kinilabutan ako bigla at napalapit na sa kanya.
"Ta-tara, tulog na tayo." Sabi ko nalang, hihiga na sana ako ng makita ko yung maliit na unan sa may gilid nya. Ako na nag adjust para abutin yon but I stopped ng marealize na nasa harapan na nya ako.
"What are you doing?" He softly asked, hindi pa din ako nakagalaw sa pwesto ko kahit alam kong ang lapit namin sa isa't isa.
"K-kukuhain k-ko lang y-yung u-unan." Halos pabulong nalang na sagot ko. I bite my lower lip dahil sa pagkakautal ko. He stared at it, nag init ang pisngi ko.
Inalis nya ang pagkakatukod ng dalawang kamay nya dahilan para mas lumapit sya sakin.
"Oh fuck baby, don't get too close." Mahinang saad nya at iniwas na ang tingin sakin. Natauhan naman ako at mabilis na umalis sa harapan nya, hindi ko rin nakuha yung unan.
Humiga nalang ako at hindi na nagsalita dahil sa kumakalabog na dibdib ko. Tumalikod ako sa kanya at di na inabalang lumingon. Mahigit dalawang oras na siguro ang lumipas pero gising na gising padin ako.
Dahan dahan akong lumingon at tinignan sya. Tulog na, sana nga tulog na. I sighed at tumalikod uli, natatakot akong maramdaman ulit yung kanina. Hindi parin maalis sa sistema ko, I feel something inside me heated that time.
Naramdaman ko yung lamig kahit na may kumot naman na. Ilang beses akong napayakap sa braso ko tuwing hahangin ng malakas at papasok dito sa kwarto. Maya maya, nakaramdam naman ako ng antok pero,
Nawala lahat ng bigla kong naramdaman ang marahan na pagdampi ng mainit na kamay ni Kyle sa braso ko.
"Shit, you're cold." Pinikit ko kaagad ang mata ko. Nagulat lalo ako ng dahan dahan nya akong hapitin palapit sa kanya para hindi ako lamigin. Damn, uminit nga talaga dahil sa sobrang lapit nya sa akin.
My heart is beating so madly and I can't even open my eyes.
Umayos na ako ng higa ng makaramdam ng antok. Ang huling beses ko nalang na naramdaman, ang marahang paglagay ng braso nya sa bewang ko.
I feel safe in his warm arms tonight.
YOU ARE READING
Crossed Destiny (Completed)
Romance"This is Xyra Davis and Destiny brought me to Evan's family." The unlucky girl because of her broken family, and the broken boy because of his past love. What will happen if their destiny's crossed?