Xyra's POV
Kumuha ako ng maliit na lagayan at nilagayan ng tubig. Kumuha din ako sa cabinet nya ng isang bimpo.
Dali dali akong bumalik kay Kyle. Hindi parin pala sya nagigising.
"Kung ano ano kasing ginagawa mo. Tas ngayon may sakit ka, pano ka papasok bukas?" Sermon ko sa kanya.
Hindi naman sya gising kaya okay lang. Nilagay ko yung bimpo sa leeg at noo nya. Pinunasan ko yon, pati rin sa braso nya. Natigil pa ako sa ginagawa ng marealize kung ano ang ginagawa ko. Natampal ko ang noo ko dahil sa naiisip.
Habang pinupunasan ko sya ay nakita ko syang dahan dahan na dumilat. Kinabahan ako, patay nako nito. Pumasok ako sa kwarto nya ng walang permission.
Napalayo ako konti sa kanya. Singkit yung mga mata nyang nakatingin sakin. Inaantok pa ata sya.
Nakita kong kumunot yung noo nya. Ayan na sisigawan na nya ako!
"Anong ginagawa mo dito?" Mahina nyang tanong at pumikit. I sighed. Akala ko galit na.
"M-may sakit ka kasi" ayan nalang yung nasabi ko. Hindi na sya sumagot pa kaya lumapit na ulit ako at umupo sa tabi nya.
Tulog na ata ulit. Mas mabuti.
"Kyle gusto mo ba ng gamot?" Tanong ko at baka sakaling gising pa sya. Tumango sya pero hindi na idinilat ang mata.
"H-here, sa drawer." He said with husky voice. Ang hot nya fudge. Oo kasi may lagnat.
Pumunta ako don at naghanap ng gamot, meron ngang medicine kit at kumuha ako para ipainom sa kanya. Kumuha ako ng baso ng tubig, syempre yung maligamgam.
Inabot ko yon at umupo naman sya ng dahan dahan, hinilot nya yung sentido sa ulo nya.
"Oh fuck, ang sakit ng ulo ko tss." Sabi nya habang nakapikit.
Dumilat sya at uminom ng gamot, humiga uli pagkatapos.
"Kung gusto mo babantayan nalang kita. Baka kung anong mangyari sayo. Ang taas ng lagnat mo." Sabi ko bago umupo sa kama nya.
Concern naman ako kahit lagi nya akong sinisigawan.
"Tss. Matulog kana lang may pasok ka pa bukas." Ayan suplado na uli.
Hindi nalang ako sumagot. Bahala sya basta dito muna ako.
"Bat nandito ka pa?" Tumingin sya sakin ng bahagya, nakakunot ang noo.
"Sasamahan nga kita, you can't force me to go out, you need me okay?" Lakas loob na sabi ko at hinintay ang sagot nya. Pumikit nalang sya uli at umusog sa gilid. Nagtaka ako.
Personal maid nya naman ako kaya dapat ko lang to gawin sa kanya.
"You can sleep beside me, malaki tong kama but please put a pillow between us." Mahinang sabi nya na ikinagulat ko.
Nag isip pa ako ng ilang minuto bago makapagdecide na humiga sa tabi nya. Uminit yung pisngi ko ng marealize na share kami sa comforter. Naglagay ako ng unan gaya ng utos nya. Hindi na sya uli nagsalita pa, tulog na ata.
Ilang minuto pa nang makaramdam ako ng antok. Humarap ako sa pwesto nya at inayos ko yung kumot nya. Baka lamigin na naman sya.
"Matutulog nako ha? Sana mawala agad yang sakit mo. Goodnight" nakangiti ko pang sabi at natulog na.
Kyle's POV
Rinig na rinig ko yung tunog ng orasan. Idinilat ko yung mata ko at naramdaman ko na may bimpong basa na nakalagay sa noo ko. I immediately removed it at tumingin sa gilid ko. She's still sleeping.
YOU ARE READING
Crossed Destiny (Completed)
Romance"This is Xyra Davis and Destiny brought me to Evan's family." The unlucky girl because of her broken family, and the broken boy because of his past love. What will happen if their destiny's crossed?