Chapter 14

719 64 7
                                    

Xyra's POV

Ayan na nakatingin na sila sakin. Ano bang gagawin ko? Aish, nagsisisi na ako na sumama. Inayos ko nalang yung buhok ko nagulo dahil sa lakas ng hangin.

"Si Xyra pala yan e!" Sigaw nung natutulog kanina na lalaki.

Akala ko ba tulog sya? Sya pa unang sumigaw.

"Naks, master ah." Makahulugang sabi nung isa at humalakhak.

"Hala gf mona?" Sabay sabay sila na nagtawanan.

"Swerte mo dyan master!"

"Mga tanga wala paring poreber. Diba dude?"

"Kelan mo sya niligawan?"

What? Halos di na sila magkaintindihan dahil sabay sabay silang nagsasalita.

"Tumahimik nga kayo!" Saway ni kyle kaya tumahimik sila. So sya talaga yung leader kaya sunod agad isang sabi nya pa lang.

"Hoy babae, pumasok ka nga dito. Para kang ewan dyan tss." Masungit na sabi nya kaya pumasok naman ako.

Nakakahiya naman. Tinitignan nila ako, first time akong makita?

Nang pumasok ako ay umupo sila sa mahabang sofa. Yung iba nasa lapag, di kasi sila kasya. Binilang ko, 10 lahat sila. Mga gwapong nilalang na may kasamaan ang ugali.

Si Kyle naman nakatayo lang. Nakasandal sya sa isang table at tinititigan rin ako. Sa lahat siguro ng matang nakatingin sakin ngayon, sa mata nya lang ako kinakabahan. Iniwas ko na ang tingin ko ng dilaan nya yung labi nya.

Bakit ang hilig nila mag ganon?

"Magpakilala kayo isa isa." walang ganang sabi ni kyle habang kumukuha sa ref ng tubig.

Nakaupo lang ako dito sa may upuan at hindi alam kung saan titingin. Face them Xyra, di naman sila nangangain.

"Ako na mauuna!" Malakas na sabi nung lalaki na nagtaas ng kamay. Sya yung naunang lumapit kay kyle kanina. Tumingin ako.

"Hi Xyra! Ako si Blake! Ikinagagalak kong makilala ka" sabi nya at yumuko na parang isang lalaking maginoo. Napangiwi ako.

Uh anong sasabihin ko? Sasagot ba ako?

"Hi din Blake" sabi ko at ngumiti nalang.

"Whoah Xyra mas lalo kang gumanda!" Sabi nung isa at nag ingay na naman sila.

Napatingin ako kay Kyle, tinitigan ko sya at tinaasan ng kilay pero ngumisi lang sya.

Tuwang tuwa ata sya na pinagkakaguluhan ako ng mga tropa nya. As far as I know, dapat mga cool sila kasi nga gangster ang image, pero ngayon, para silang mga bata na hyper masyado. Seriously?

"Hello! My name is Ivan" sabi nung Ivan tapos nagtaas pa ng kamay. Kinindatan nya ako.

Sya yung natutulog kanina. Real quick, nagising agad.

"Ako si Flame" yung nagcecellphone kanina.

"Si apoy yan! Di naman hot." Asar ni Blake yung naunang magpakilala. Nagtawanan sila   uli.

"Bugok! Fire yun!" Sabat naman nung isang nakipag fist bomb kay kyle sabay binatukan si Blake. Naging komportable nadin ako kasi masaya naman pala sila kasama, hindi masyadong intimidating di gaya ni Kyle.

"Hi ako si gwapo!"

Gwapo? Name nya yon? Napaismid ako.

"Anong gwapo ka dyan, Winston?" Sabi nung isang nangbabato ng unan. Di nya ata tanggap.

"Oh bakit? Gwapo naman talaga ako!" Proud nyang sabi. Oo nga naman, pero lahat naman sila gwapo e.

"Pangalan mo yun ha? Pangalan mo yon? Siraulo." sagot naman nung Ivan at tumawa.

Pfft ang kukulit pala nila.

"Pake mo? Manahimik ka nga!"

"Oy ako si Liam. Pinakamatino samin" sabi nung isa pang nangbabato ng unan kanina.

"Kingina mo hindi nya naman tinatanong!" Natatawang sabi naman nung isang nakipag fist bomb.

Pinakita nya yung middle finger nya.

"Share ko lang!" Matino pala ah? Natawa nadin ako.

"Xyra, ako naman si Ryan." Sabi nung isa naman at ngumiti sakin.

"Hoy wag kang mag pa cute kay Xyra!" Sabat ni Ivan.

"Tanga nagpapapogi ako! Magkaiba yung nagpapacute sa nagpapapogi!" Napailing nalang ako sa sagutan nila.

"Hoy tahimik mga gunggong, magpapakilala na ako. Hi ako si Derrick" sabi nung isa.

"Ang pabebe mo naman magpakilala pre!" Asar ni Winston. Humalakhak to.

"Tumahimik kayo. Hi Harold nga pala" sabi nung isang nagbabato ng unan.

"Hoy Lawrence magpakilala ka!"

Nagtama yung paningin namin ni Lawrence. Andito nga pala sya, nakalimutan ko.

Tahimik lang kasi syang nakaupo at nag ccp. Nilagay nya muna yung cellphone nya sa bulsa at lumapit sakin. Ngumisi sya sa mga tropa nya na nag ingay ng makalapit sakin.

"Aba pumaparaan na si Lawrence!"

"Master oh nilalapitan nya si Xyra!"

"Kingina Lawrence, ang speed mo." Nagtawanan sila pagkatapos non.

"Pasyal muna kita sa labas. Alam ko naiingayan kana dito sa loob."

Ang bait nya talaga. Napangiti ako at kinuha yung bag ko.

"Sige" sabi ko at tumayo na.

"Hey dre. San kayo pupunta?" Tanong ni kyle. Seryoso lang syang nakatingin samin.

"Dyan lang sa labas" sagot ni Lawrence at hinila nako palabas.

Nang medyo makalayo kami dun ay nagsalita na ako.

"Buti naman niyaya mo ko. Ang iingay nila sa loob, sakit rin pala sa tenga." sabi ko at tumawa. Ganon rin sya.

"Masanay kana sa mga yon. Mga baliw e, kulang sa aruga" I laughed. Kulang din siguro sa bakuna, no?

"Wait. Diba gangsters kayo? Parang hindi naman. Ang kukulit nga nila e." Nasabi ko nalang ng wala kaming mapag usapan.

Nagtataka rin talaga ako, ibang iba sa expectation ko. Akala ko mahirap sila pakisamahan.

"Ah. Palabiro lang yung mga yon pag magkakasama kaming lahat. Pero seryoso sila masyado kapag seryoso na din yung mga gagawin namin, lalo na kapag nakikipag away? Di na sila marunong ngumiti." He smirked. Napatango naman ako.

"Okay." Sabi ko at tumahimik na. Ang ganda ng view. Ang relaxing.

Yung pagabi na tapos mahangin, open field yung makikita mo.

Ang romantic. Ganto kasing scene yung mga gusto ng mag couples right? Sa movie, ganto kadalasan.

"Kabisado mo na ba mga names namin?" Tanong nya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

"Hindi pa masyado. Ano ano nga ulit?" Siguro kailangan ko pang ilista at imemorize.

"Blake, Ivan, Flame, Winston, Liam, Ryan, Derrick, Harold, ako at si Kyle" sabi nya.

"The Black Legendary" dugtong pa nya.

Cool. Excited na akong mas makilala pa sila.
Napatingin ako ng kuhanin nya yung cellphone nya.

Inayos nya ang upo at humarap sya sakin. Inilapit nya sakin yon, tumaas lang ang kilay ko.

"Can I have your number?" He asked directly, napakagat ako sa labi ko. Ang straightforward.

Tumango ako at kinuha yon sa kamay nya. I typed my number at after non, ibinalik ko sa kanya.

"Thanks, text nalang kita, if necessary. Then I'll add you in Facebook later. " Sabi nya sakin at ngumiti.

Bakit mamaya pa? Pwede naman ngayon, charot.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now