Chapter 59

485 66 6
                                    

Kyle's POV

Huminto yung taxi na sinasakyan namin ni Shaira at ipinarada sa tapat ng malaking gate. In other words, my grandmother's mansion.

Bumaba na kaming dalawa. The two guards immediately walk towards us.

"Sir Kyle, ikaw po pala!"

"Kayo po pala Ma'am Shaira."

Sabay nilang sabi at yumuko. Ngumiti nalang ako ng bahagya at pinagbuksan nila kami ng gate.

Kitang kita namin ang malawak na garden ni Lola. Sa bandang gilid, nakaupo sya sa tapat ng swimming pool. Lumakad agad kami palapit. This is the start of my nightmare.

"Goodevening, Lola." Nagmano ako kay Lola at bumeso naman si Shaira. Lumawak yung ngiti nya ng makita sya. See? Gustong gusto nya talaga si Shaira and in this case, mahihirapan ako.

Lumapit sa amin yung ibang maids at kinuha yung mga dala namin.

"It's nice to see na magkasama kayo." Tumayo si Lola at tinignan kami habang nakangiti.

"I miss you po, Lola Alisha." Malambing na sabi ni Shaira. I pursed my lips, she want this opportunity.

"I miss you more, future Evans." What the fuck? Tumingin ako kay Shaira at tumingin din sya sakin. I smiled at hindi nagawang sumagot.

"Kayo talaga La, matagal pa po yun." She chuckled at inayos ang buhok.

"Hay, I'm so excited Iha, sorry for that." Mahinang tumawa si lola at tumingin naman sakin.

"Pumasok pala muna tayo sa loob. Let's go, gusto ko kayong maka kwentuhan. "  Oh damn. Pinauna na naming maglakad si Lola at sumunod nalang kami.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Shaira yung kamay ko. I was planning to remove it immediately but Lola Alisha looked at us.

Napatingin sya sa kamay naming magkahawak.

"Mauna na kayo, masyado kayong sweet dyan sa likod ko." Nakangiting sabi ni Lola na parang inaasar kaming dalawa. I brushed my hair, I want to end this fucking day immediately.

Nauna kaming maglakad ni Shaira. Medyo binilisan namin para makapag usap kami.

"Are you fucking insane? Why did you hold my hand?" Inis na bulong ko sa kanya. Tinaas nya ang kilay nya sakin bago sumagot.

"What? Baka nakakalimutan mong kailangan nating magkunwari? Kyle c'mmon, sumabay ka nalang kung ayaw mong mabuking ka."

"Tss."

Hindi na ako sumagot dahil baka marinig ni Lola. Nung nakapasok na kami sa bahay ay umupo agad kami sa sofa.

Umupo si Lola sa harapan namin. Kumilos naman agad yung mga maids para kumuha ng maiinom.

"So, how's the trip?" Tanong ni Lola samin.

"It's okay." Maikling sagot ko.

"Ayos lang po." Sagot naman ni Shaira.

Pinagmasdan nya kaming dalawa, tumagal ang titig nya samin. I gulped.

"How about the two of you? Kumusta kayo?" I don't know pero kinabahan ako sa tanong nya.

"Always okay and, staying strong po." Nakangiting sabi ni Shaira na parang totoong totoo yung sinasabi. Napapikit ako, kailangan kong sumabay.

"Kyle?" Nagulat ako ng tawagin ni Lola yung pangalan ko.

"B-bakit po?" I stuttered. Dumating na yung juice sa harapan namin kaya may binalingan ako saglit ng tingin.

"Bakit parang ang tahimik mo? As far as I know, hndi ka ganyan dati. Where is the smile on your face sa tuwing kasama mo si Shaira?" Napalunok ako. Anong isasagot ko?

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now