Chapter 77

67 9 0
                                    

(This is it. Explanation na so please intindihin nyo, hirap hirap ako sa chapter na to, lol.)

Xyra's POV

Kinausap ko si Hannah at sinabing pagtakpan kami ni Shaira. Pumayag naman sya kaya walang problema. Hindi na nagsalita pa si Jayson about sa sinabi nya samin.

Ilang beses na kaming nagtanong pero di talaga sya sumasagot kaya hinayaan nalang namin.

May tiwala naman ako sa kanya that's why pumayag akong sumama sa pupuntahan namin.

After almost 30 minutes, huminto ang kotse. Napatingin ako sa paligid. It's another grand and big village.

Kinausap ni Jason yung dalawang guard at binuksan ang malaking gate para makapasok kami.

Shit, walang kahit anong bahay na makikita at isang diretsong daan lang talaga.

Kinabahan ako. Hindii naman siguro rapist tong si Jayson? Maya maya pa bumagal na ang takbo at napatingin kami sa unahan.

My lips parted in shocked dahil sa mansion na tumambad sa harapan. The exterior of the mansion seems so elegant, this a modern victorian mansion.

"What the hell. I'm so confused." Sabi ni Shaira na magkasalubong na ang kilay na napatingin kay Jayson.

Pinagbuksan nya kami ng pintuan pero seryoso lang sya kaya di na kami nagtanong.

Magkatabi kaming naglalakad sa isang malawak na hallway. The chandelier are so huge and the bricks of the hallway seems so expensive.

We stopped in front of this sturdy door. Nag doorbell si Jayson and then bumukas naman yon agad. Dalawang babae na maayos na nakasuot ng pang maid na dress.

Bumungad samin ang enggrandeng staircase. Lumibot ang tingin ko sa buong loob. The interior of this house are modern and stylish, most of the wall and furnitures are Beige and Vintage. A wide living room, glasswalls, luxury appliances and designs.

Damn it, sino ang nakatira dito?

"Umupo muna kayong dalawa dyan." Sabi ni Jayson at sumunod naman kami ni Shaira sa may couch, bumulong sya sakin.

"Alam mo ba kung anong nangyayari?" Tanong nya habang iniikot pa din ang mata sa loob nitong mansion.

"I don't know, kinakabahan nga ako." Sagot ko nalang.

Di nagtagal ay napatingin kami sa hagdanan. Si Jayson at may inaalalayang babae. My lips parted in shock and my brain processed everything.

Nag unahan sa pagtulo ang luha ko, shit.

Hindi ako nakagalaw sa pagkakaupo pero ng makalapit na sya, si Mommy ay napatayo nalang ako ng dahan dahan.

Wearing a high pointed heels, elegant but simple long dress, curled hairs, and her face that enlightens some of my features. I gulped. Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko, napatakip nalang ako sa bibig ko habang hindi na ako makahinga ng maayos.

"Hindi mo man lang ba yayakapin ang mommy mo?" She softly said kaya napaiyak lalo ako at mabilis na yumakap sa kanya.

Isiniksik ko ang ulo ko sa leeg nya at hinigpitan pa lalo yung yakap ko. 8 years, 8 fucking years. Hawak hawak ko na si mommy, ang tunay kong nanay.

Dahan dahan nyang hinaplos ang buhok ko at inayos yon. Hindi pa rin ako tumigil sa pag iyak at walang mapaglagyan ang emosyon ko ngayon.

I'm so damn speechless and overpowered by my emotions.

"Ssh baby. I'm here na." Sabi nya sakin at humarap naman na ako. Mabilis kong pinunasan yung mukha ko at sinikap na kumalma.

Andami kong gustong itanong at sabihin kaso nanghihina pa ako.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now