Chapter 4

798 75 11
                                    

Xyra's POV

"Ba-ba-bakit kyle? Ay este.... Sir k-kyle?" Pagdating talaga sa kanya nauutal ako.

"Tss. Minions ka ba?" Malamig nyang sabi sakin kaya napalunok nalang ako at itinikom ang bibig.

Nakaupo sya ngayon sa sofa. Nagtanggal sya ng uniform kaya nakasando nalang sya. Oh fudge, may muscles. I guess nagpupunta sya sa gyms.

"Hey abutan mo ako ng tubig. Hindi yung eestatwa kalang dyan at tititigan ako." Pinaglihi ba to sa sama ng loob? Napaka suplado.

"A-ako?" Bat ako inuutusan nya? May mga maids naman dito. Kumunot na ang noo ko dahil ang sama nya pagdating sakin.

"Ang tanga mo talaga. Malamang ikaw, palibhasa lutang yang utak mo. Bilisan mona nga."

Sinunod ko nalang at dali dali akong pumunta sa ref at kumuha ng malamig na tubig. Nakatayo lang yung mga maids at tinitignan ako. Oo trip po ako ng amo nyo.

"Eto na." Sabay abot ko ng baso. Kinuha nya naman yon agad at ininom. He looks so hot kahit umiinom lang naman ng tubig, napaiwas ako ng tingin.

"Sige Sir, akyat lang po ako sa guest room." Lakas loob na sabi ko, akmang hahakbang na ako ng magsalita sya.

"Sit." Napahinto ako at tumingin sa kanya. Tinuro ko pa ang sarili ko habang nakakunot ang noo.

"Ang sabi ko umupo ka dito sa sofa na nasa harapan ko." Okay, what?

Kahit ayoko ay sumunod parin ako, hindi naman ako pwedeng sumuway dahil nakikituloy lang ako at sya ang nakakita sa akin kagabi.

Umupo ako sa sofa na kaharap nya. Yumuko nalang ako at tumingin sa sahig. Wow tiles, charot.

Nakakailang sya tignan lalo na pag na tignan mo sya mata sa mata. Ang lamig masyado, hindi ko kayang tagalan.

"Bakit di ka pa umaalis dito?" Tanong nya sakin. Napansin ko na nakasandal sya sa sofa at nasa akin ang atensyon.

"Sabi kasi ng mommy mo samahan raw kita dito, tigas daw kasi ng ulo mo at kailangan ng good influence." Halos mapangiwi nalang ako sa huling sinabi.

"Ginagawa parin akong bata." Napapikit sya dahil sa inis.

"At susundin mo naman?" Dugtong nya, halatang iritado. Kailan kaya sya magsasalita ng mahinahon?

"Oo. Nakakahiya suwayin si Ma'am Stella dahil sobrang bait nya sakin. At request din daw to ng kapatid mo." Sagot ko nalang, at wala pa akong matutuluyan.

Hanggang ngayon ay nanatili akong nakayuko. Teka, diba dapat nasa school sya ngayon? Ah siguro nagcutting, pasaway nga.

Natahimik sya at nag isip ng ilang minuto habang nakatingin sa akin.

"Okay, para naman may dulot ka dito sa bahay magiging personal maid kita simula ngayon." Walang ganang sabi nya at tumayo.

Napataas ang kilay ko. Ako personal maid? Hindi naman ata katanggap tanggap yan.

"Wait!" Napatayo narin ako at hindi na napigilan na mainis.

Lumingon naman sya sakin. Nagkatinginan na kaming dalawa, nagtitigan pa ata. Oh no Xyra, don't you dare stare at his face, patibong yan.

"Why?" Inosenteng tanong nya.

"Bakit ako? Gagawin mo akong utusan?" Hindi ko na talaga naitago yung inis ko.

"Oo bakit? May angal ka? Wag mo nang subukan dahil wala kang magagawa." Tumaas ang sulok ng labi nya.

"Ang sabi ni Ma'am Stella, bantayan lang kita or samahan ah!"

Kyle's POV

"Ang sabi ni Ma'am Stella, bantayan lang kita or samahan ah!"

Angal nya sa sinabi ko.

I chuckled at dahan dahang lumapit. Nakita ko ang pag atras nya ng kaunti habang palapit ako ng palapit.

"Una sa lahat, nakikitira kalang dito."

Nakita ko ang paglunok nya. Ganyan nga babae, be afraid to me.

"The second is, wala naman si mommy dito right?"

Inalis ko sa bulsa ang dalawang kamay ko. Boys and our iconic moves.

"Pangatlo, anong magagawa nyang pag angal mo sa anak ng may ari ng bahay na to?"

I didn't remove my eyes on her. Matunaw ka sa titig ko, Xyra.

"Pang apat, ako lang masusunod naiintindihan mo?"

Na corner na sya sa pader at ilang metro nalang ang layo namin sa isat isa.

"At pang lima,"

Lumapit na ako sa kanya at iniharang ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid.

Kitang kita ko na hindi mapakali yung mata nya at hindi alam kung saan titingin. Napangisi ako, always uncomfortable huh?

"Tumingin ka sakin." Utos ko kaya napilitan syang tignan ako. I won't deny that she's adorable, but nevermind that.

Lumapit pa ako ng kaunti. Siguro mga ilang distansya nalang ang pagitan namin.

"The last is, follow my rules or commands. Because if you don't follow it, my punishments are only waiting for you. Did you get it?" I said.

"O-oo na. Sorry pwede bang lumayo kana?" Nakapagsalita din. Okay that's enough to hear.

Lumayo nako sa kanya at nang tumalikod ako ay nakita ko ang mga maids namin na nagkukumpulan at akala mo ay may sine.

"Kayo?" Sigaw ko sa kanila kaya mabilis silang bumalik sa mga trabaho nila.

Dumiretso na ako sa kwarto at iniwan na sya sa sala. Tss. Nagkamali ka ng babantayan mo, Xyra.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now