Xyra's POV
Mabilis uli na lumipas ang mga araw anf I'm thankful na hindi na masyadong hectic yung schedule namin. Naghinay hinay na sa pagbibigay ng mga activities and research yung ibang professors namin.
Yung sa nangyari sa canteen, pinatawag kami sa office at buti nalang hindi ako nagkaron ng record sa Guidance. Pinalagpas nila dahil wala naman daw physical fight na naganap.
Tinigilan na din ako ni Jamaica at hindi ko na sya nakasagutan uli. But as always, her eyes wants to kill me. Uwian na ngayon at lumabas na ako sa room, makulimlim na naman pala. Kapag talaga bermonths, madalas na ang ulan. Not aesthetically speaking, I love rainy days kasi don ako may peace of mind. But syempre, nakakakonsensya din na maging masaya habang maulan because some people out there have no shelters.
Yung B10, hindi na sila bumalik sa klase after ng lunch. Nag cutting sila sa mga natitirang subjects, napairap nalang ako. Wala tuloy akong kasabay umuwi dahil wala naman si Kyle. Si Thalia nauna na kasi laging late uwian namin.
Speaking of Thalia, matawagan nga. Nag ring at agad nya namang sinagot.
"Xyra?"
"Nandyan naba si Kyle?" Tanong ko.
"Wala pa. Bakit? Akala ko naman magkasama kayo, san ba sya pumunta?" Tanong nya sakin. Sinabi kong nagcutting silang magtotropa at hindi na pumasok sa mga subs.
I sighed after kong kausapin si Thalia. Ipapasundo nya daw ako kay Manong Edwin. Naglakad na ako paalis ng building. Nasaan kaya sya ngayon? I mean, nasaan sila?
Habang palapit na ako sa gate ay pumasok sa isip ko yung hideout nila. Baka nandoon sila ngayon? Wala nang masyadong mga estudyante at iilan nalang. Mabilis akong nagtype ng message kay Thalia at sinabing wag na ako ipasundo.
Pasikreto akong pumunta sa likod ng canteen, wala namang nakakita sa akin. Tinahak ko yung daan papunta don, nainis tuloy ako sa sarili ko. Bakit ko ba kasi sila hinahanap?
Nagmadali nalang ako sa paglakad. Nakakatakot pala mag lakad dito mag isa dahil puro damo at puno. Buti nalang madaming bulaklak sa mga halaman.
Muntikan pa akong maligaw dahil nakalimutan ko kung saan liliko. Maya maya ay natanaw ko na yung malawak na field at mansion nila. Nakahinga ako ng maluwag, I survived.
Nagtago ako sa gilid ng malaking halaman at hindi muna nagpakita sa kanila. Narinig ko ang kanya kanya nilang pagmumura, napangiwi ako.
"Tangina, mga duwag." Si Harold ang nagsalita, ang lutong.
"Master gaganti ba tayo sa mga unggoy na yon? Amputa, hindi naman tama ginawa nila." Si Blake naman. Hindi pa ako sumilip, pinakinggan ko lang silang lahat.
"22 sila tapos 10 lang tayo? Kingina okay lang sana kung 20, kaso may butal pa talaga." Angal ni Ryan.
"Sa susunod talaga, babasagin ko na mukha nung sino ba yon? Yung mayabang, panot naman yung tuktok ng buhok." Saad ni Liam, narinig kong nagtawanan naman sila.
"Tapos na okay? Hindi na tayo lalapit pa don. Ang pangit nilang kausap." Boses yon ni Lawrence, di kagaya ng iba sya lang ata yung narinig ko na may kalmado na boses.
"Depungal naman kasi, dapat hindi tayo nag pa uto sa mga yon." Reklamo ni Flame.
"Natalo tuloy tayo for the first time, tangina di ko matanggap." Sabi ni Winston sa madramang boses.
"Pag nakita ko sila uli, sa baranggay na ako didiretso. Hindi ako nabasagan ng mukha, nakaganti naman." Proud na sabi ni Derrick.
"Oh shit, tama na nga yang pagmamaktol nyo." Iritadong sabi ni Kyle, napagdesisyonan kong magpakita na. Napaawang ang labi ko ng makita ang mga mukha nila.
YOU ARE READING
Crossed Destiny (Completed)
Romance"This is Xyra Davis and Destiny brought me to Evan's family." The unlucky girl because of her broken family, and the broken boy because of his past love. What will happen if their destiny's crossed?