Chapter 53

518 46 1
                                    

Xyra's POV

Ilang minuto na akong nakaupo dito at nakasandal lang yung ulo ko sa pintuan. Naisip ko yung cellphone na tinignan ko kanina at dali daling pinulot yun.

Pinindot ko na ng pinindot pero hindi gumagana, nakakainis.

"Wala bang tao dyan kahit isa? Punyeta naman." Sumigaw na ako. May makakarinig pa ba sakin? Mababaliw ako dito.

"Shaira asan kana ba?" Tanong ko sa kawalan, hindi na sya bumalik. Hinahanap na kaya ako ni Kyle? Sana.

Kyle's POV

Inutusan ako ng isang prof. namin kaya nauna na yung mga kupal sa room. Pagkapasok na pagka pasok ko, si Xyra agad yung hinanap ko. Agad akong nagtaka ng makitang wala sya sa upuan nya.

"Tara nga dito." Tawag ko sa B9. Lumapit naman sila agad sakin.

"Nasan si Xyra?" Tanong ko at nagtinginan muna sila bago sumagot. Konektado ata mga utak nila kaya kailangan munang magtinginan.

"Ewan namin master. Kanina pa sya wala dito."

"Sino ba huling kasama nya?" Tanong ni Lawrence. Dapat kasi hindi na ako umalis, ngayon tuloy napaparanoid ako bigla.

"Aba malay ko. Nasa music room lang naman sya nung iniwan ko." Sagot ko sa kanya.

"Hello gwapogis. Anong pinag uusapan nyo?" Napasulyap ako kay Bea ng lumapit sya samin.

"Bea, nasaan si Xyra? Hindi ba kasama mo dapat?" Siguro naman alam nya dahil sya lang naman ang sinamasahan ni Xyra.

"Oh si Xyra? Idunno." Tipid na sagot nya at kumunot ang noo.

"What the fuck?" Mura ko nalang. Shit nasaan sya? Hindi sya nagiging late sa mga subjects at imposible namang mag ditch class yon. Palabas na sana ako ng room ng biglang dumating yung prof namin.

Tss, wrong timing.

"Go back to your proper seat!" Wala na akong nagawa kundi padabog na umupo. Hindi ko inintindi yung pinagsasabi ng Prof namin dahil iniisip ko si Xyra.

Oh fuck, I'm fucking paranoid right now.

Shaira's POV

"Tulala ka naman dyan. You're not happy?" Tanong sakin ni Jamaica at napatingin ako sa kanya ng masama. Nakakainis, panira sya sa plano namin.

"Bakit ako magiging masaya?" Inis na tanong ko kaya kumunot yung noo nya at iritado akong tinignan.

"What? Syempre nandoon lang yung bruhang babae na yon sa kwarto at nakakulong! Dapat maging masaya ka." Inirapan ko lang sya.

"I shoud be happy na nakakulong si xyra don? Eh kung malintikan ako sa babe ko? No way." Sagot ko pabalik.

"Babe? Oh bitch. Wag kang aasumera dyan, hindi ka nya girlfriend. Lakas ng imagination mo." Mataray na sabi nya sakin. Bakit ko ba to naging kasama? Ang sarap ding sabunutan.

"Shut up. Pag nalaman talaga ni Kyle to ewan ko nalang talaga. Magagalit na naman sakin yon." I problematically said.

"Kung magsumbong yung bruha." Sinamaan ko sya ng tingin dahil sya ang may pakana ng pagkulong kay Xyra sa kwarto.

"Ang plano lang natin is takutin sya habang nandoon sa kwarto. Pagtitripan lang dapat natin e kaso dakila ka palang pakielamera." Galit nya akong tinignan.

"Wow, so ako pa sesermonan mo? Duh. Hindi mo ba naisip na pwedeng hindi naman sya makita ron?"

"Oh sige, wish mo. Imposible yan dahil gagawin lahat ni Kyle para lang sa babae na yon.."

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now