Chapter 11

721 63 10
                                    

Xyra's POV

Nako, buti nalang lunch na! Naiinis nako sa room.

Yung mga babae naman na classmates ko, inis na inis sakin.

Wala naman akong ginagawa. Mga insecure ata, charot. Yung mga boys, panay ang parinig, pagpapapansin sakin at di ako tinigilan.

Back to reality. Naglalakad ako ngayon, hinahanap ko si Thalia. San ko kaya sya makikita? Inilabas ko ang cellphone ko, yung binili nila para sakin at magtatype na sana ng message.

Ayoko mag isa mag lunch, kailangan ko ng kahit isang makakausap.

Wala pa akong ka close na iba dito bukod kay Mr. Chinito.

Kaso ayoko naman lapitan, baka mamaya may sumabunot nalang sakin bigla.

"Hi Xyra!"

"What the fudge" Napatili ako. Grabe nakakagulat, sumulpot ba naman sa likod ko bigla. Hindi kona naituloy yung message ko kay Thalia.

"Oops nagulat ba kita? Sorry na agad" natatawang sabi nya. Sya yung babaeng kumausap sakin kanina nung time ni Ma'am Salvador.

"Takte, pwede ba dahan dahan lang? Akala ko naman kung sino!" Sabi ko nalang sa kanya.

"Sorry. Sino kasama mo mag lunch?" Tanong nya sakin. Feeling close sya, pero okay naman kasi mabait. Di gaya nung ibang mga babae sa room.

"Uh wala pa pero may hinahanap ako e. Sige ah, una na ako" paalis na ako ng hinawakan nya ako sa braso.

"Pwede sumama? Wala akong kasama mag lunch e. Please?" Sabi nya at inayos yung salamin nya. She looks so nice and harmless.

"Okay bahala ka" sagot ko at tumalikod na. Ewan ko ba at kahit friendly ako, di ko magawang makipag usap ngayon.

"Yes, thanks" naglakad na kami.

Di ko alam kung san ako pupunta. Basta naglalakad lang ako. Eto namang si...

"Wait, ano nga palang name mo?" Tanong ko.

"Bea." sabi nya at ngumiti sakin.

Mukhang masaya naman sya maging kaibigan. Di katulad nung mga babae sa room, nakakagigil.

Nakarating kami dito sa open green field. Walang sports na nagaganap o practice kaya nakatambay yung mga estudyante dito. Yung iba naglalambingan pa.

Okay, get a room lovebirds.

Hinanap ko si Thalia at baka andito pero di ko makita.

Biglang may lumapit samin na lalaki.

"Hi Xyra" sabi nya sabay ngiti at humawak sa batok, nakita ko sya kanina, classmate namin. Karamihan ata sa mga lalaki dito, ang gagwapo.

"Para sayo nga pala" sabi nya sabay abot sakin ng chocolate, oh speed.

"Sanaol." Sabay tawa ni Bea.

"Ah, thanks. May hinahanap pa kasi kami e, pwedeng umalis na?" Tanong ko, ng tumango naman yung lalaki ay agad kong hinatak si bea palayo.

"Ay ang harsh. Grabe makahatak ah?" Reklamo nya sakin pero tumawa lang din.

"Gusto ko lumayo dun e. Wala ako sa mood makipag harutan. Ikaw kasi kung san san ka nakatingin."

"Nice ang dami agad nagkaka crush sayo dito. Haba ng buhok, share naman dyan." Biro nya.

Natawa nalang ako at napailing.

"Sanay nako sa mga ganto, sa school ko dati ganyan din lagi eksena." Sagot ko kay bea.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now