Xyra's POV
Nawindang ako sa narinig at agad na tumingin kay Shaira ngayon na umiiyak na rin at gulat sa nalaman. Sh- she's my step sister.
"No.. no, wait..." Hirap na sagot nya at pumikit nalang at yumuko.
"Pi-pina ampon kita, para hindi ka mahanap ng daddy mo sakin. Bumalik ako kay Xyra at dahil wala pa naman syang alam, nakiusap ako sa Walter Family na, na sila ang magpakilala bilang magulang mo. Dahil wala ka pa namang isip non at walang alam sa nangyayari, mabilis ka naming napaniwala."
"I pretended na ako ang yaya mo dahil gulong gulo na rin ako sa mga nangyayari, anak at mali mali na ang mga naging desisyon ko. Nang 10 years old ka na at nakakaintindi na sa mga nangyayari, nalaman ko na malapit na akong mahanap ni Marvin, ng daddy mo. Kaya nagpasya ako na umalis para hindi ka din nya mahanap."
"Nagpakalayo layo ako at kahit si Shaira, hindi ko na nabalikan. Ginugol ko sa pagtatrabaho ang lahat ng oras ko para mabalikan kayo, maniwala kayo mga anak."
"Years have passed at saka ko lang narealized na ang dami kong mali, maling nagawa, maling mga desisyon. Andami kong kasalanan at pagkukulang sayo, Xyra. Lalo na sayo Shaira, dahil wala akong lakas ng loob noon na alagaan ka. I'm so sorry.."
Humagulgol na si mommy at niyakap kaming dalawa. Kahit ang sama ng loob ko sa kanya ay hindi ko magawang magalit at manumbat. Niyakap ko nalang sya pabalik at ganoon din si Shaira na umiiyak na rin ngayon.
Nag iyakan kaming tatlo at ilang minuto pa bago mag hiwa hiwalay. Hindi na ako nag abalang punasan ang luha ko dahil patuloy naman lagi sa pagbagsak.
Tumingin ako kay Jayson na namula na din ang mata at paiyak na pero umiwas sya agad ng tingin at suminghap nalang.
Pinunasan ni mommy ang mukha nya at umayos ng tayo. Namumula rin ang mata nya dahil sa matinding pag iyak.
"M-mommy." Mahinang tawag ni Shaira kay mommy na hindi pa rin tumitigil sa pag iyak.
Kapatid ko sya, kapatid ko si Shaira. I'm so damn speechless.
"Forgive me, nagsisisi ako sa lahat ng maling nagawa ko. Sising sisi na ako mga anak." Saad ni mommy at hinaplos ang buhok namin parehas.
"H-hinahanap pa rin po ba ako ni d-daddy?" Tanong ko at tumango naman sya agad ng mabilis.
"Xyra, ang laki ng kasalanan ko sa daddy mo. Nilayo ko sya sayo ng hindi nya alam ang dahilan at, hindi nya din alam na... nabuntis ako sa iba at may isa pa akong anak.." Paliwanag nya at ramdam ko na hirap na hirap din sya sa sitwasyon ngayon.
"N-n-nasaan n-naman po y-yung d-daddy k-ko?" Tanong ni Shaira, for the first time. I saw her cry. Hindi ko pa din mapasok sa utak ko na kapatid ko sya, ang hirap.
Natigil si mommy at binitawan ako para harapin si Shaira. Humagulgol sya at hinawak sa pisngi si Shaira.
"I'm sorry, hindi mo na makikita ang dad mo... n-namatay sya 4 years ago." Sabi nya at agad na niyakap si Shaira.
Napahawak ako sa bibig ko dahil sa narinig. Nanatili ang titig ko kay Shaira na nagulat rin, ilang minuto pa syang nakakunot ang noo bago umiyak at yumakap pabalik kay mommy.
Nasasaktan ako para sa kanya. Sya tong hindi nakasama si mommy at ang daddy nya mula pagkabata. I should be thankful na kahit papano, nakasama ko pa at nakita ko si mommy nung bata ako.
"Shaira, patawarin mo ako anak. Nagsisisi na ang mommy mo, h-hindi ko alam k-kung paano ako makakabawi sayo, sainyong dalawa ng kapatid mo.." Saad pa ni mommy.
Habang umiiyak pa din ako at nakatingin sa kanila at lumapit sa kin si Jayson. Pinunasan ko sandali ang mukha ko at lumingon sa kanya.
"Payakap naman sa pinsan ko, Can I?" Sabi nya n ikinagulat ko din ng ilang minuto. Tumango ako at tumawa sya. Niyakap nya ako at yumakap rin ako pabalik.
YOU ARE READING
Crossed Destiny (Completed)
Romance"This is Xyra Davis and Destiny brought me to Evan's family." The unlucky girl because of her broken family, and the broken boy because of his past love. What will happen if their destiny's crossed?