Chapter 41

570 47 1
                                    

Lawrence POV

Kanina pa kami nandito sa bahay nila Kyle dahil dito kami gagawa ng scrapbook para sabay sabay na daw kami gumawa.

Okay lang naman sakin. Isa pa, gusto ko makita si Xyra. Hindi ko talaga sya maalis sa isip ko.

"Nasa baba na sila" Sabi ni Thalia kaya kaagad kaming sumunod ni Bea papunta sa sala. Nakita ko nga don yung dalawa na nagtatawanan, napalunok nalang ako.

"Bea!" Lumapit si Xyra kay Bea at niyakap saglit, natawa nalang ako dahil parang ang tagal nilang di nagkita.

"Kamusta date nyo?" Pang asar na tanong ni Kyle. Binato ko sya ng maliit na unan na agad nyang nasalo.

"Kingina mo, hindi kami nag date ni Bea. Baka kayo ni Xyra?" I chuckled kahit nainis ako sa mismong tinanong ko.

"Hindi ah." Humalakhak sya at sumulyap kila Xyra, napatingin nadin ako.

"Oy anong pinag uusapan nyo dyan?" Tanong nya at binalingan ako ng tingin. Nagkibit balikat nalang ako dahil wala ako sa mood kausapin sya.

"Wala." Si Kyle na ang sumagot, nag usap na naman silang dalawa. Sumulyap ako kay Bea na nakatingin na rin sakin, iniwas ko nalang ang tingin ko.

"Oy wag kayong maingay. Umakyat na kayo sa kwarto ni Xyra, manonood ako e." Ngumuso si Thalia samin at buti natawa ako kahit papaano. Ang kulit talaga ng kapatid ni  Kyle.

"Let's go. Excited na ako makita yung mga pictures nyo." Pang aasar ni Bea. I need to prepare myself, that shits will hurt me.

Xyra's POV

Nakapaikot na kami dito sa kama at naghahalungkat ng mga gamit para sa scrapbook.

"Uy patingin na ng pictures nyo." Kanina pa nangungulit tong si Bea.

"Nako, baka mahimatay ka pag nakita mo pictures namin." Napatingin ako kay Kyle at kumindat sakin. Napairap nalang ako pero hindi ko mapigilang hindi mapangiti, kainis.

"May something kayo no?" Tanong ni Bea. Pinandilatan ko sya ng mata kaya tumahimik sya bigla at nag peace sign. Napansin ko si Lawrence na tahimik lang na tumitingin sa mga gamit. Hindi nya rin ako kinausap sa baba kanina, may problema ba sya?

"Lawrence bat ang tahimik mo?" Sumulyap sya sakin at umubo bigla si Bea. He smiled at me at umayos ng upo.

"Napagod lang siguro sa byahe yan. Diba Rence?" Tanong ni Bea at nagtinginan silang dalawa na parang may pinag uusapan gamit ang mga mata.

"Ay totoo dre? Ang weak mo naman." Asar ni Kyle at humalakhak.

"Loko ka." Sabi ni Lawrence na umiiling nalang habang natatawa.

"Xyra, pakita mona yung sweet pictures natin." Pinagdiinan nya pa yung sweet na salita. Napa O shape yung bibig ni Bea at gulat na nakatingin saming dalawa. Magkatabi nga pala kami ni Kyle ngayon.

"Oh my God. Sweet? So it means---" halos magsalubong na ang kilay nya habang pinanliitan kami ng mata. Umiling agad ako at siniko si Kyle.

"Shut up nalang okay? Yung sa inyo muna." Pilit kong kinuha kay Bea yung mga pictures nila. Iniwas rin nila yon.

"Ah! Ganto nalang, truth or dare tayo!"

"Ha?" Sabay sabay kaming napatanong. Anong kalokohan yan?

"Bea naman, ang dami mong alam." Sabi ni Lawrence sa kanya. Tumawa kami.

"Pano naman yon?" Tanong ko.

"Ito, may maliit na bote." Nilagay naman ni Kyle yon sa gitna naming apat.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now