Chapter 65

514 31 3
                                    

Xyra's POV

Nang umalis si Kyle kanina, pumasok nadin ako sa loob. Ilang saglit pa ako don nagtago dahil baka may makapansin.

Hinanap ko si Hannah dahil di na sya bumalik kanina. Ano kayang nangyari sa kanya? Di na ako binalikan. Ang hirap pa naman maghanap dito kasi madaming tao.

"Hey, Xyra!" Tawag sakin ni Lawrence sa di kalayuan, agad syang lumapit sakin.

"Wala kang kasama? Si Hannah?" Tanong nya, nagkibit balikat lang ako.

"Hindi ko alam, hindi na nga ako binalikan sa labas." Tumagal ang titig nya sakin.

"Bakit? May dumi ba sa mukha ko or what?"
He chuckled pero sumeryoso din agad.

"Wala, ayos kalang? Nakausap mo na ba sya?" Ngumiti ako.

"Yes, sandali lang." Sagot ko naman agad.

"Xyra." Nabigla ako ng may tumawag sakin mula sa likuran ko, si Kyle.

"Kyle b-bakit?" Nakatitig lang sya sakin at di ako sinasagot, napaiwas ako ng tingin. Damn his eyes.

"Dre baka makita ka ng Lola mo." Sabat ni Lawrence at luminga sa paligid. Naisip ko si Shaira, nasaan kaya yung babae na yon?

"Nasa loob na ng kwarto si Lola. Nakatulog nadin si Shaira don pati yung iba kong relatives, I'm free." Paliwanag ni Kyle samin.

Tumango nalang ako at di ko alam ang isasagot ko. Wala akong masabi. Ilang minuto rin ang awkwardness saming tatlo kaya nauna na akong magsalita,

"Lawrence, Kyle hanapin ko lang si Hannah." Sabi ko at di na sila hinintay na sumagot. Bago pa ako makalakad ay may hinawakan na ni Kyle ang kamay ko.

"I want to be with you." Mahina nyang sabi. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak, kumalabog ang puso ko.

"E-excuse lang." Napatingin kami kay Lawrence na naglalakad na paalis samin ngayon. Binalik ko yung tingin ko ka sa kanya. Baka may makakita samin dito kaya iniwas ko agad yung kamay ko.

"A-anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Ikaw." Mabilis na sagot nya at bumilis na naman yung tibok ng puso ko.

"Kyle wag ngayo---"

"Sumama ka sakin, may pupuntahan tayo." Sabi nya at hinawakan ulit yung kamay ko. Sumunod nalang ako sa kanya.

"Saan? Kyle, ayoko." Sabi ko dahilan para mapahinto sya sa paglalakad.

"Seriously? Ayaw mo akong makasama?" Mahinahong tanong nya habang marking nakatitig sakin at hindi makapaniwala.

"Silence means yes. Okay sorry kung naistor--"

"No, gusto kitang makasama, gustong gusto." Saad ko kaya ngumiti sya sakin.

"That's my girl." Sabi nya at hinawakan yung baba ko. Nang makalabas kami sa mansion ay pumunta na kami sa parking lot. Pinagbuksan ako ni Kyle ng pintuan at sumunod sya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng makasakay sya at pinaandar yung makina.

"Somewhere." Nagulat nalang ako ng lumapit sya sa akin.

"Lagi mong nakakalimutan mag seatbelt." Nakahinga ako ng maayos, ngumiti nalang ako.

"Thanks." Sagot ko at pinaandar na nya ang kotse. Habang nasa daanan kami,walang nagsasalita samin. Tinuon ko nalang yung tingin ko sa bintana.

"Are you still mad at me?" Biglaang tanong nya kaya tinignan ko sya.

"Bakit ako magagalit?" Patay malisya kong tanong.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now