Chapter 5

787 77 10
                                    

Xyra's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko which is the guest room. Hindi ko magawang hindi mainis kay Kyle. Harangin ba ako at ilapit yung mukha nya sakin? Kung di lang sya gwapo nasabihan kona sya ng manyakis.

Ang ganda ko para maging katulong, oo nga naman, anong connect. Charot.

"Xyra?" Teka, boses yun ni Thalia. Yung kapatid ni suplado.

"Thalia?" Tanong ko. Nakaupo kasi ako sa kama. Nakauwi na sya sa school.

"Yes ako nga. Pwede pumasok?" Tanong nya sakin.

"Sige pasok ka" sagot ko naman kaya pumasok na sya.

Nakauniform pa sya. Ang cute ng uniform! Parang gaya sa school ko dati. Maroon sya na palda na 3 inches above the knee at may necktie na stripe maroon. Ang cool right?

"Hi. Kakauwi mo lang sa school?" Tanong ko.

Umupo sya sa harapan ko.

"Yup. Nandito naba si kyle?" Tanong nya sakin.

"Oo pero umalis kanina" nakita ko lang sa bintana kanina na lumabas sya ng bahay.

"Huh? Bakit daw?"

"Ewan ko. Pake ko sa kanya" sabi ko sabay irap sa kawalan.

Nakakagigil kasi--- shet anong ginawa ko? Umirap ako? Tumingin ako kay Thalia na nakakunot yung noo.

"Uh, di ko alam e. Kumain kana ba?" Pag iiba ko ng usapan.

Napailing naman sya. Di ko kasi nakokontrol mata ko sa pag irap lalo na pag naiinis.

"Xyra may ginawa ba sayo si kyle?" Tanong nya sakin. Ay wait, bago ako masermonan.

"Ilang taon kana pala?" Tanong ko. Bigla syang natawa at napailing.

"14" My lips parted in shock. Seriously?

Nag pout sya ng makita ang reaksyon ko. E bakit kung makipag usap sya parang mas matanda sakin?

"Gulat na gulat? Ganto talaga ako makipag usap sa dapat ate at kuya ko. Ayoko kasi ng masyadong tinuturing na bata, gusto ko parang ka edad lang ako. Weird right? Pero eto gusto ko." Natawa nalang sya pagkatapos magpaliwanag. Tumango nalang ako, sabagay di naman malayo age gap namin.

"Ikaw?" Tanong nya sakin. Makakasundo ko talaga sya, yung kuya nya kaya? Oh nevermind.

"17" Sagot ko. Grade 12 na ako ngayong year.

"Ah okay, si Kuya naman 18 years old na yon.  " Sabi nya at tumango nalang ako. Akala ko nakaligtas na ako sa itatanong nya pero di pala. Tinanong nya ako uli.

"Back to the topic kanina, ano ginawa ng magaling kong kuya?"

"Wala wala" sagot ko agad.

"Hm you're lying. Haha alam kong may ginawa si kyle kaya ka naiinis ng ganyan. So tell me, ano?" I sighed.

"Eh kasi yung kapatid mo, ginawa akong personal maid nya." Sabi ko at hinawi ang buhok ko, feel ko kasi ang gulo.

"Seriously? Sorry ah baka di mo makasundo yun."

"Bakit naman?" Gusto ko lang itanong kahit alam kona sagot. Suplado syempre.

"Sobrang cold ni kyle. Hindi mo sya makikitaan ng effort, sweetness, pag aalala, paggalang, pagtulong and iba pa."

Napatango ako. Kaya pala ganon nalang sya umasta kahit sino ang kaharap nya. Sama nga ng ugali. Tsk.

"Bakit sya ganon?" Tanong ko. Sa palagay ko naman, mabait sya. Nung bata nga lang.

"Madami na yang gulo/away na nasalihan. May gang group na kinabibilangan. Sa school namin, sikat na sikat yon. Kilalang badboy and hearthrob, kaya baliw na baliw mga babae sa kanya nako."

Spell nganga? Ako yun grabe! Nakakatakot pala sya pag nagkataon na magkainisan kami.

"Ay nakakatakot naman pala yang kapatid mo." Sabi ko nalang, kaya pala ganon.

"Sinabi mopa. Ako nga pag inaaway sa school, wala syang pake." Natatawa nalang sya dahil siguro sanay na sanay na sya sa ugali ni Kyle.

"Anong gagawin ko? Madali pa naman uminit ulo nun. Baka isang mali ko lang, sigawan nya ako"

Kinakabahan tuloy ako. Ngayon alam kona may sungay syang pagka haba haba.

"Wala kanang magagawa kundi sundin lahat ng iuutos nya sayo."

"Ang hirap naman gawin nyan thalia. Sa bahay nga nila mom--- nung mga naging magulang ko, hayahay buhay ko dun. Magdamag lang na nasa kwarto tapos lalabas lang kapag papasok, mamasyal or gagala. Tapos sya uutusan lang ako? Psh" Pwede naman magreklamo, gawin ko na ngayon.

"So mayaman din pala kayo?" Mukha siguro akong pulubi kagabi kaya natanong nya.

"Yup. Kami may ari ng ilang village dito sa Caloocan."

"Cool. Same samin. So ano na? No choice ka naman e." Natawa sya uli. Buti pa to laging happy, si Kyle di ata marunong ngumiti.

"Bakit ba kailangan ko sya sundin sa lahat ng bagay?" Nonsense question self.

"Pag ginawa mo yun, baka maging mabait sya sayo ng kahit slight lang. Di naman siguro imposible yun. Try mo"

"Talaga bang babait sakin yun? Nako di ako aasa."

"Hmm bahala ka. Sige punta muna ako sa room ko. If may kailangan ka, andyan lang yung mga maid okay?" Sabi nya sabay ngiti sakin.

Akala ko lalabas na sya ng kwarto ng parang may maisip sya sandali.

"Do you have cellphone?" Tanong nya. Umiling ako.

"Naiwan ko sa bahay" sagot ko nalang.

"Aw okay, don't worry. Ako na bahala, I can buy you a new phone." Aangal pa sana ako ng lumabas na sya ng kwarto.

Nakakahiya, pero kasi kailangan ko talaga yon. No choice, wala naman din akong pambili.

Anyway, try ko kaya magbait baitan kay kyle? Gagana kaya yon? Sana naman.

Tinignan ko nalang yung cabinet dito. Sabi ni Manang Elinda, may mga damit na akong pwede suotin dito. Bumili pa ata sila ng mga bago para sakin, grabe.

Habang busy ako magtingin tingin ng mga damit, may kumatok sa pintuan.

"Ma'am xyra?" Maid ata.

Lumapit ako sa pintuan at binuksan yon. Nakita ko ang isang maid na naka aipron at nakapusod ang buhok.

"Bakit po?"

"Wala po ba kayong ire request na kahit ano? Magbe bake po kami ng cupcakes sa baba" Nice.

Favorite ko yon. Mahilig ako mag bake e, baking rin kinuha ko sa tle last last year.

Magiisip sana ako kung anong irerequest ko ng may sumagi sa isip ko.

Great idea, buti nalang at sumagi sa isip ko si suplado.

"Uhmm yaya, ano pong flavor nung ibi bake nyo?" Tanong ko.

"Cookies and cream po"

"Para kanino nyo po ibibigay o ipapakain?"

"Kay Sir Kyle po at Ma'am Thalia." Sagot naman nito.

"Anong gusto nilang flavor? Style? Mga ganon?"

"Kahit ano po maam."

Ayun sakto!

"Uh yaya, pwede po bang sumama ako mag bake sa inyo? Marunong po ako promise. Expert ako pagdating sa baking/cooking" proud na sabi ko. Tinuruan kasi ako pagkatungtong ko palang ng highschool.

"Sure po kayo maam? Sige po."

Yes pumayag, my Sweet plan for Mr. Suplado.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now