Chapter 28

646 49 4
                                    

Note: You'll read different pov's here in this chapter. Baka may malito sa inyo, and please don't skip this. There's an important information you must know.

Thalia's POV

Nakahilata ako ngayon sa kama ko, kakauwi ko lang kanina. Nakakapagtaka ba na hindi ko tinatawag na "kuya" si Kyle? Trip ko lang. May manners naman ako, ayoko lang talaga tumawag ng kuya at ate. Gusto ko yung feeling na parang ka edad lang sila.

Habang busy ako sa panonood sa YouTube, biglang may tumawag sa cellphone ko kaya agad kong kinuha yun sa may unan. Hindi kona tinignan kung sino ang tumawag. Sagot lang ng sagot.

[Hello, This is pretty Thalia Evans] Sabi ko sa kabilang linya habang nakaharap parin sa laptop.

[Hi my princess!] Si mommy pala!

[Mom! Bakit ka po napatawag?] Tanong ko at isinarado muna yung laptop ko. Umupo ako sa kama.

[Kumusta na kayo dyan? Any problem or needs?]

Nag isip pa ako saglit. Problem? Wala naman, peaceful naman dito sa bahay. Needs? Oh meron.

[Okay lang kami mom. Mommy can you buy me a new bicycle? Nasira na kasi.] Sabi ko at ngumuso.

[Good. Wait bakit di ka bumili? Ubos naba yung perang pinadala ko sa inyo?] Tanong nya sakin. Di ko alam, di naman ako naiinform. Besides, si daddy ang humahawak ng pera. Paminsan minsan lang sya umuwi dito at madalas, hindi pa namin naaabutan.

[Hindi pa naman ubos. Pero hindi ata yon sakto samin.] I said then giggled. Tumawa si mommy sa kabilang linya.

[Don't worry, magpapadala ako every month. Anyway, how about your Ate Xyra? Is she okay? Mabait ba kayo sa kanya lalo na ang kuya mo] Agad akong sumagot.

[ Yes mom, okay lang sya at magkasundo na sila ni Kyle nung mga nakaraan pa. Besides, today is her debut.]

[Nagcelebrate ba sya ng debut nya? Oh, sayang at wala ako dyan. Sana nagkaron man lang ng party. But tell her, happy birthday, sabi ko kamo.] Ngumiti ako.

Nag usap pa kami ng medyo matagal ng ine-nd na ni mom yung call dahil Bukas na bukas bibili ako ng madaming stocks ng chocolate.

Sila xyra at kyle naman, nasaan na kaya? Alam ko kasi sila yung magkasama ngayon eh.

Ay wait, tatawagan ko nalang si Lawrence.

Lawrence POV

Antagal naman ata ni xyra? San kaya nagpunta yon?

Lumabas ako dun sa kubo at hinanap ng mata ko si xyra.

Tumingin tingin ako sa paligid ng may mapansin at makita ako.

Sa bandang malayo dito, may dalawang tao akong nakikita.

Sila lang dalawa yung tao dun. Wow ah. Moment ba nila yun?

Medyo lumapit pa ako at naaninag ko yung suot ng isang babae. Kagaya ng kay xyra.

Si xyra ba? Eh sino yung lalaki?

Agad akong naglakad para malapitan sila.

Tangna. Kung ibang lalaki yon at hindi ko kilala? Makaka suntok ako. Namiss ko panamang mangbugbog.

(Ringtone)

Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko at bumungad yung name ni thalia.

Hayst. Napailing ako. Kailangan kong ihanda yung tenga ko.

[Hello Lawrence!! May tatanong ako]

Buti naman hindi sya sumisigaw.

[Ano? Bilisan mo naman magsalita] istorbo eh. Naglalakad ako.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now