Chapter 44

590 44 0
                                    

Xyra's POV

"Ano na yung sasabihin mo?" Tanong ko kay Bea ng huminto kami dito sa tapat ng Library. Hindi ba kami papasok sa loob?

"Hindi ka ba nakakahalata?" Biglaang tanong nya kaya napakunot yung noo ko. Tinignan nya lang ako na parang may iniisip.

"What? Saan?"

"Kasi naman." Nag iisip pa sya kung itutuloy nya ang sasabihin nya sakin. 

"Ano?"

"Ganto nalang, matagal ko ng gusto si Lawrence." Napaawang ang labi ko at umiwas sya ng tingin. Hindi ko man lang nahalata na may gusto sya, kailan pa nagsimula? Matagal na pala nyang tinatago.

"Talaga? Ikaw ah. Hindi ka man lang nagpapahalata, ang galing mo." Tukso ko sa kanya pero ngumiwi lang sya.

"Tas si Lawrence, may ibang gusto na babae. Ang tanong, kilala mo ba? Hulaan mo nga kung sino. Baka may napapansin kang lagi nyang tinitignan, gusto nyang kausapin yung mga ganyan." Sumulyap sya sakin. Pag iisipin pa ako ng babae nato. Sino nga ba gusto ni Lawrence? Hindi ko naman alam, wala akong clue.

"Uh I don't know. Wala kasi akong napapansin."  Napairap nalang si Bea sakin at parang nainis sa sagot ko.

"Bakit ba? Bat sa akin mo tinatanong?"

"Aish wala. Hanapin natin si Lawrence sa labas." Tumayo na sya at hinila ako palayo sa library. Naguguluhan ako sa kinikilos nya.

"Asan kaya yung lalaki na yon?" Tanong nya sakin habang naglalakad kami papunta sa malawak na field.

"Teka nga, bat natin hahanapin si Lawrence?"

"Basta wag kang matanong dyan." Fine. Tumingin tingin nalang rin ako sa paligid at nahagip ng mata ko ang isang lalaki na nakaupo sa bandang gilid ng field. May hawak sya na bola at pinaglalaruan lang yon.

"Andoon ata si Lawrence." Sabi ko kay Bea.

"Saan?"

"Lawrence!" Sigaw ko don sa lalaki at lumingon nga. Hinila na ako ni Bea papunta don. Ano kayang trip ng babae nato?

Nang makarating kami sa kinauupuan ni Lawrence, umupo din kami. Napatingin sya sa akin at umiwas agad.

"Bakit kayo nandito?" Tanong nya. Lumapit si Bea sa kanya at may ibinulong. Gusto ko sanang ngumisi at mang asar pero tinigil ko dahil baka magalit si Bea. Ang tagal nyang tinatago na may gusto sya at baka ako lang ang makasira. Si Kyle kaya nasaan na? Iniwan ko kasi sa music room, siguro sumama na sa B8.

"What? Bea tumigil ka nga, wala akong plano."

"Dalian mo na. Para lang naman hindi ka mahirapan." Nakangusong sabi ni Bea ngayon at pinipilit si Lawrence sa isang bagay na hindi ko alam.

"Kahit hindi ko na sabihin okay?" Sabi ni Lawrence at tumingin sakin, ngumiti na lang ako.

"Seriously? Jusko ewan ko sayo, bahala ka dyan." Inis na sabi ni Bea at hinila ako patayo. Ano na naman ba? San ulit kami pupunta?

"Anong trip mo? Aalis agad tayo?" Kumunot ang noo ko dahil kanina pa kami palakad lakad.

"Nakakainis kasi yung torpe dyan." Umirap sya sa kawalan. Torpe sino? Si Lawrence ba?

"Xyra, pwede ba tayong mag usap?" Tumayo na si Lawrence at tumingin sa akin. Gulat na napatingin si Bea sa kanya.

"Sige." Ngumiti ako sa kanya tapos tumingin ako kay Bea na bahagyang ngumiti ngayon.

"Yun naman pala. Haha goodluck! Maiwan ko na kayo." Nakangisi nyang sabi at mabilis na lumayo samin. Akala ko ba gusto nya si Lawrence? Tas iiwanan kami dito, hindi kaya magselos yon? Napailing nalang ako.

Crossed Destiny (Completed)Where stories live. Discover now