Xyra's POV
Habang naguusap kami ni Lawrence ay may nag ring na cellphone. Sinagot nya yung tawag agad.
"Sino yan?" Mahinang tanong ko.
"Si Thalia" sagot nya. Oo nga pala, baka hinahanap na kami non. Di ko rin naman kasi nacheck uli cellphone ko.
"Lawrence? Nasaan sila Xyra at Kyle? Bat hindi pa sila umuuwi? Anong oras na e. Kasama mo ba sila?" Sunod sunod na tanong nya. Natawa ako, grabe talaga magsalita yon.
Naka loud speaker kasi yung phone nya kaya rinig na rinig ko yung boses ni Thalia.
"Relax, isa isa lang. Oo andito sila sa bahay nyo."
Huh? Bahay nila? Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Aish. Pauwian mona nga sila! Gabi na no, magpapahanda na rin ako ng dinner." Sabi pa ni Thalia sabay end ng call.
"Ang sakit sa tenga." Sabi nya nalang pagkatapos ng tawag.
"Wait anong bahay? Ayan? Kanino bang mansion yan?" Tanong ko.
"Kila Kyle yan, this is their another house. Actually dyan din pumupunta yung ex ni Kyle dati." Diretsong sabi nya.
Oh. May ex na pala si Kyle? Sino naman kaya yung swerteng babae na yon?
"May ex pala sya" ayan nalang ang nasabi ko.
Bigla kong naisip yung picture na nakita ko dun sa isang room na nabuksan ko. Yung babaeng kasama ni Kyle. Baka sya yon?
"A-anong name nung ba--" naputol ang itatanong ko ng makita kong naglalakad sya palapit samin.
"Xyra!" Tawag sakin ni kyle.
Uuwi na ata kami. Mabilis kong inayos yung bag ko at tumayo na.
"Lawrence, yan na sya. Baka uuwi na kami." Sabi ko kay Lawrence. Tumango naman sya at tumayo na din.
Lumapit ako kay kyle na hawak hawak yung cellphone nya.
"Uuwi na tayo?" Tanong ko.
"Yes. Tara na" sabi nya agad.
Balak kopa sanang mag paalam dun sa mga boys na nasa loob pero naglakad na sya palayo.
"Bye Xyra, ingat kayo." pahabol ni Lawrence.
Nilingon ko sya at ngumiti ako.
"Xyra bilisan mo!" Iritadong sabi ni Kyle ng makitang hindi pa ako naglalakad. Atat naman to umalis.
Nagmadali na akong maglakad. Lakad takbo na yung ginawa ko para maabutan sya.
Ang bilis nya maglakad. Nagmamadali nga ata.
Habang naglalakad kami ay tahimik lang. Madilim na pero may unting araw pa naman, siguro after ilang minutes wala na yan.
Ni hindi sya nagsasalita. Bakit kaya? Ah. Itatanong ko nalang yung tungkol sa ex nya.
Pabukas na sana yung bibig ko nang magsalita sya,
"Wag ka nang magsalita dyan. Ayoko muna ng maingay." seryosong sabi nya sakin kaya itinikom ko nalang yung bibig ko. Wala sya sa mood, as always.
Okay. Naka zipper na yung bibig ko, tinapon ko yung susi, chos.
Palabas na kami ng school ngayon at nakita kami ng guard. Kinabahan ako, anong sasabihin namin?
"Oh ngayon lang kayo uuwi? Anong ginawa nyo?" Masungit na tanong ni manong. Pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa sabay ibinalik kay Kyle ang tingin. Ano kayang nasa isip nya? Napaubo ako.
YOU ARE READING
Crossed Destiny (Completed)
Romance"This is Xyra Davis and Destiny brought me to Evan's family." The unlucky girl because of her broken family, and the broken boy because of his past love. What will happen if their destiny's crossed?