Prologue

1K 24 18
                                    

SUMMER



"Ma! Saan ba po ito idedeliver?" tanong ko habang inaayos ang pidal ng bike ko at inaayos ang idedeliver ko.



"Sa Leyos Subdivision, kina Mrs. Delos Reyes. Bilisan mo kanina pa nila yan hinihintay." sagot sa akin ni Mama. Nagpaalam na ako sa kanya at pinidal na ang bike ko.



Nagha-hum ako ng paborito kong kanta habang ineenjoy ang pagbibisekleta. Masarap sa feeling ang pagyakap ng hanging kasalubong ko habang nagba-bike.



Summer na nga pala ngayon, kitang-kita sa mga batang nabili ng sorbetes. Nadaan ko din yung mga batang naglalaro sa kanilang inflatable pool.



Pangiti-ngiti din ako sa mga kakilala kong nakasalubong habang nagba-bike. Para tuloy akong isang sikat na artistang nagmomotorcade. Char lang.



Nakapasok na ako sa Leyos Subdivision. Mayayaman talaga ang nakatira dito. Dami namang kakilala mayaman ni Mama at sa kanya pa nagpagawa ng Leche Flan.



"14th street." bigkas ko habang palinga-linga sa mga bahay dito. Saan ba yung 14th street na yun?



Sa paghahanap ko nung 14th Street di ko namamalayang palusong na pala tong daan. Direretso lang ako. Hinawakan ko na yung preno pero...di ko ma-preno? Patay, di ko ata naayos yung preno nito kanina. Pinihit ko pa ng pinihit ang preno pero wala talaga!



Nagdadasal na ako sa isip ko na sana di ako mabangga kasi masasayang ang mga Leche Flan. Dirediretso lang...hanggang nakita kong may masasagasaan akong bato. Bakit may bato sa gitna ng kalsada?!



Napapikit nalang ako habang tinilapon ako ng pwersa ng pagkakabangga ko sa bato. Parang nagslow-mo pa nga ang pagtilapon ko.



*boogsh



Diniinan ko pa ang pagpikit nang naramdaman kong nahulog na ako. Pero bakit parang...ang lambot ng napatakan ko? Diba dapat matigas dahil kalsada 'to eh. Unti-unti akong napadilat at nakita kong...



Bakit nahulog ako kasama ang taong ito?

***

If We Were a Season

@aescribbles, 2018

Ps: This story is written by a newbie. It may contain grammatical errors and typos. Don't judge.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon