Chapter 30

78 6 1
                                    

Gumising ako nang sobrang bigat ng t'yan. Magkakabilbil na naman ako nito. Nakatulog na kasi ako kakakain.

"Ah!" daing ko nang maramdaman kong kinagat ako ng langgam. Wait, bakit may langgam 'tong kwarto ko? Or should I say...

BAKIT MAY LUMPIA DITO???!

Tangina di lang isa kundi tatlo! Naglagay pala ako ng lumpia sa bulsa kagabi tapos kumakain ako nang makatulog ako. Puta ang baboy mo, Alandria!

Tumayo na ako at pinagpagan ang kama ko. Tinapon ko na rin ang mga lumpia, nakakadiri ka talaga self.

Pagkatapos kong pagpagan ay humiga ulit ako. Alas dos na akong natulog, anong oras na ba? Alas nuebe na! Pero nakahilata pa rin ako sa kama. Whatever.

Kinuha ko muna ang phone ko para magkutingting. Pagkabukas ko ay tumambad ulit ang mga messages kagabi. Di ko pala na replyan lahat.

Inuna ko muna si Lucas kasi una naman s'yang nagtext. Wait, tama ba 'yung term na inuna? Parang ang timer ko naman!

Anyway, yun nga. Ano naman ang ibibigay ng mokong na 'to. Tapos gabi pa, baka...

Flashlight? Madilim eh gabi na.

Me:

heh! pangit ka dyan! Walang merry sa christmas ko! Btw sige, siguraduhin mong lang na matino 'yang ibibigay mo ha.

Nang masend ko na, yung message naman ni Zach ang rereplyan ko. Ano irereply ko dito?!

I missed you too, Zach...

EW! ang cringe!

Me:

Merry Christmas din Zachary!

Ang send! Tutulog na sana ulit ako pero may nagreply.

Zachary Cojuangco:

Aw, you didn't missed me? : (

Me:

Qaqo, syempre oo na rin. Insert mo nalang. Tagal mong di nagpakita ah...

Zachary Cojuangco:

So you really missed huh? Good.

Me:

Baliw! Wala akong sinasabi! Nag-shift ka na ba? Di na kita nakikita sa school eh.

Zachary Cojuangco:

Nah. Still same with you. It just that after the sem break, dad said I should go with him on States. For business.

Me:

Ahh

Zachary Cojuangco:

Don't worry. I won't leave you. I mean the course.

Me:

Daming alam ser ah. Sa pinas ka na?

Zachary Cojuangco:

Yup, i spent my christmas here.

Zachary Cojuangco:

Wait..wanna meet up? Hm

Me:

Wag na! Sa school na lang. Spend more time with your love once nalang.

Zachary Cojuangco:

Okay, you too. Hope you'll have a happy holidays : )

Napangiti naman ko ron. Pinatay ko na ang cellphone ko kasi wala na akong ma reply at tinatamad na rin akong mag reply. Makatulog na nga lang.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon