Chapter 16

84 8 0
                                    

"Hey, anong bagay this or this?" naiirita na ako kanina pa kaming pauli-uli dito sa mall. Kasama ko kasi ngayon si Lorraine.

"Yung cream!! Bagay na bagay sayo!" Hana giggled. Kasama rin si Hana. Dapat kasi sila nalang dalawa yung nagsama eh. Wala naman akong interes sa shopping na yan.

"Hey, Alands. Ano maganda?" tanong sa akin ni Lori. Boring ko naman syang tiningnan.

"Kahit ano dyan." sagot ko.

"So stubborn, Alandria. Tss." sabi ni Lori at inirapan ko naman sya. Si Hana naman ang pumipili ngayon. Argh, kelan ba sila matatapos?

Naramdaman ko naman ang presensya ni Lori sa tabi ko. Tinapik naman nya ako.

"Hey, you should buy a dress din. Ang manang mo na." tinaasan ko naman sya ng kilay. Manang ako?

Tiningnan ko naman iyong suot ko. Ripped jeans lang at oversize na blue shirt. Tapos white converse.

Tiningnan ko naman iyong damit ni Lori. White off-shoulder top at denim shirt na suot iksi. Nahagip namam ng mata ko si Hana, naka polo top at pinatungan ng jumper dress.

"Anong manang sa suot ko?" tanong ko sa kanya and she rolled her eyes.

"Ali..oversize shirt na lang lagi yang damit mo. I mean, you should be on trend sa style mo. Mamaya mapagkamalan ka nang tibo."

"Ano ba dapat ang damit? Pang hypebeast? On trend yun." sabi ko.

"Gosh, Ali! Manang ka na tala—"

"Hey, girls! Ano off shoulder or midriff top?" tanong ni Hana at itinataas yung damit na hawak nya.

"Yan! Exactly! Ito dapat oh," sabi ni Lori.

"Midriff nalang for you Hana since mapayat ka naman. Samahan mo muna akong pilian ng damit itong manang na 'to." saad ni Lori saka ako itinulak papunta sa ladies section.

***

"Ano ba kasi!! Ang dami-dami nyo ng pinasukat sa akin ah!" reklamo ko. Seryoso namang namimili si Lori habang si Hana naman ay taga tawa lang. Err.

"Ito! Yes, finally! I know it will fits you well. Bagay sayo yan, go sukat na!" sigaw ni Lori at itinulak ako sa fitting room.

Lumabas ako sa fitting room wearing a tied-front top na zebra stripes ang design at isang plain black na flared skirt.

Paglabas ko, halatang na-amazed silang dalawa sa suot ko. Medyo naiilang ako sa skirt ko kasi above the knee lang naman iyon. Baka pag-upo ko makitaan na ako ng kung ano man! Hay naku.

"Alam kong maganda ako pero di nyo nakailangang ngumanga. Kadiri kayo." pambasag ko sa kanilang dalawa. Napairap naman si Lori habang si Hana naman ay pumalakpak.

"Ganda mo lalo, Ali!!" wika ni Hana.

"Sabi ko naman sayo eh, bagay. Hindi ka na mukhang manang." sabi naman ni Lori at sya naman ang inirapan ko. Irapan gaming pala ha.

"Pwede mo namang i-pair yang top mo sa mga pants then yang skirt, dyan sa mga t-shirt mo. Itatali mo naman para naman hindi ka mukhang labandera." sabi nya ulit. Edi sya na iyong fashion guru!

"Yii! Lalong maiinlove sayo si classmate Zach!!" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Hana. Nagtataka naman syang tiningnan ni Lori.

"Who's that...Zach?" tanong ni Lori. Palipat-lipat yung tingin nya sa amin ni Hana.

"Tanong mo dyan." sagot ni Hana sabay turo sa akin. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Binaling naman ni Lori yung tingin nya sa akin. Gigisahin na ako, tss.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon