Chapter 2

306 14 13
                                    

"Salamat po, Next time po ulit." sabi ko sa isa naming costumer at sinara ko na ang gate nila.

Jusko, nakakapagod na. Inaakay ko muna ang bike ko. Nakakapagod mag pidal eh. Makalapas ng magagandang bahay sa subdivisiong ito, makikita yung mini park nila. Umupo muna ako dun para makapagpahinga.

Grr. Nahihilo na ako talaga. Sa mga ganitong cases, minsan iniisip ko kung anak ba talaga nila ako. Kasi sa lahat ako laging inuutusan.

3 kaming magkakapatid at ako ang middle child sa aming tatlo. Si Kuya ang parang favorite ni Mama kasi si Kuya daw ang pinakamatino sa amin. Medyo magkalayo ang age gap namin ni Kuya. 5 years. 17 na ako at 22 na sya. Nagla-law school sya matalino nga daw kasi.

Yung bunso naman namin, babae. Si Abi.  Elementary pa lang yun, Grade 6. Di rin yun nauutusan sa bahay. Kasi bunso at bata pa daw kaya di pa pedeng utusan. Like what diba. Mga pakana nila, favoritism ang tawag dun.

Nagtataka siguro kayo bakit ako deliver ng deliver 'no? Well ito kasi yan. May leche flan business ang mama ko. Dati maliit lang yun ngayon parang nationwide na dahil may pa delivery na. Char. Hindi naman nationwide edi namatay na ako kakabike mula Luzon, Visayas at Mindanao diba? Hanggang dito lang sa lugar namin.

Ako, ako lang naman ang delivery girl ng pamilya Landicho. Alandria ang pangalan ko pero Ali nalang. Alam nyo ba loveteam ng magulang ko ang pangalan ko eh. Alan ang pangalan ng tatay ko at Ria naman ang nanay ko. Alan+Ria= Alanria + D para Alandria.

Hays, patawa ka ka Ali. Bwisit.

Habang nilalaro ko yung binunot ko na dahon parang nag-iba ang vibe ng paligid. Shet, init-init tapos uulan? Patay, malayo pa ang bahay namin. Tumayo na ako at kinuha na ang bike ko. Unti-unti ng pumapatak ang ulan. Patay, buti wala na akong idedeliver. Dali-dali kong pinidal ang bike ko, as fast as I can. Mukhang malakas talaga ang ulang ito.

Unti-unting bumugso ang malakas na ulan. Patay lagnat ang abot ko nito. Basang-basa na kasi ang buong katawan ko sa tilamsik ng mga sasakyan. Binagalan ko ang pagpidal, di ko na keri magpapatila muna ako ng ulan.

Tumigil muna ako sa waiting shed. Ang lamig! Para na akong basang sisiw talaga. Literal na basa. Nakatayo ako ngayon, naghihintay ng himala. Na sana tumigil na ang ulan. Naduduling na din ako, kasi naman ang mga sasakyan nakabuhay lahat ng headlight nila. Di ko alam kung anong oras na. Madilim ang buong paligid dahil ng kulimlim.

Mayamaya, may tumigil na sasakyan sa shed. Shems, ito na ba ang sinasabi nilang himala?

Binaba nila ang binatana ng sasakyan, bumungad sa akin si...Tita Tina?

"Hija! Sakay ka na." sabi ni Tita Tina. Nakita ko naman bumama din si Tito Dom. Nilagay nya yung bike ko sa likod ng sasakyan.

Dalian naman akong sumakay. Gosh, mali si Nora na walang himala.  May himala! May himala!

***

"Hija, bakit naman kung kailan umuulan saka ka nagdedeliver nyan?" natatawang sabi ni Tita habang inabutan ako ng mainit na kape. Nasa bahay na nila ako ngayon. Kinuha ko na ang kape at inihipan ko muna bago ko ininom.

"Hindi naman po Tita. Nagpahinga po kasi ako saglit. Eh hindi ko naman po inakalang uulan pala."

"Hija, ipuluput mo muna sa katawan mo itong tuwalya. Ikukuha kita ng pwede mong pamalit." sabay abot sa akin ni Tita ng towel. Agad ko namang pinulupot yung towel.

Ginala ko muna yung mata ko sa bahay nila. Matagal-tagal na din akong di nakakapunta dito.

"Ma! Nabili nyo ba ako nung pinabibili ko—" naputol naman agad sa sinasabi niya at napatingin sa akin. Napataas pa ang kilay niya.

"Wow. Wet look?" sabi nito at napairap naman ako.

"Oh Lucas akala ko doon ka na mabubulok sa kwarto mo. Buti naman naisipan mong lumabas." sabi ni Tita at napangisi naman ang loko.

"Ali, magbihis ka muna oh. Nando'n 'yung cr." sabi ni Tita at inabot sa akin yung damit nya.

"Salamat po." kinuha ko naman iyon at pumunta na sa cr nila. Napatingin naman ako kay Lucas na ngayon ay takang-taka na.

***

Naligo muna ako. Feel ko na talaga na lalagnatin ako. Feel ko na talaga! Matutuwa na sana ako kasi di ako mauutusan kung may lagnat ako eh kaso..ayaw na ayaw ko talaga yung feeling na may lagnat. Di naman kasi ako sakitin eh.

Pinunasan ko muna ang buhok ko ng tuwalya at binalot ko na rin muna yun ng tuwalya.

Binuksan ko na ang pinto para lumabas.

"Tell me, anong nangyari bakit basang-basa ka at nasa bahay ka pa namin?" nilingon ko naman yung nagsalita.

"Inampon na ako ng mga magulang mo." sagot ko at nagdire-diretso papuntang salas.

"What?! Inampon ka nila? Di ako papayag! Ako lang ang pwedeng maging baby nila Mama at Papa 'no!" napatawa naman ako sa naging reaction nya. Isip bata talaga.

"Wag ka ngang paniwalain. Naabutan ako ng malakas na ulan. Basang-basa ako syempre kasi wala naman akong dalang payong. Tapos ayon, nadaanan ako nila Tita. Pinasakay ako at dinala muna rito sa inyo." paliwanag ko at napa-"oh" naman sya.

"Don't worry. Aalis na rin naman ako. Saka duh! Di naman ako papayag na maging kapatid ang isang tulad mo..'no." sabi ko at napasimangot naman siya.

"Grabe ka na sa akin ha, parang di naman tayo naging magkaibigan."  kaibigan? Hindi ko na talaga matandaan kung bakit kami nag-fo nitong si Lucas. Basta nung lumipat sila ng bahay. Simula nun di na kami nagpansinan. Pinanindigan ko nalang na di sya pansinin.

"Bakit naging ba?" tanong ko. Lalo pa syang napasimangot at isinandal ang ulo nya sa balikat ko. What's happening..?

"Kailan mo ba ako mapapatawad..ha? Matagal ko ng pinagsisihan yung ginawa ko. Saka bata pa tayo nun eh." He said. Alam nyo, di ko na talaga magets. Ano ba kasi yung kinagalit ko sa kanya.

"Pwede ba, tanggalin mo muna yang ulo mo sa balikat ko. Ang bigat eh." sinunod naman nya yung sinabi ko.

"I quit. Hay naku. Wala na akong matandaan kung bakit ba tayo nag-away at nag-fo. Basta ang alam ko lang galit ako sayo tapos pinanindigan ko ng di ka pansinin until now. Bakit ba ako nagalit sayo? Tell me." sabi ko at napanganga naman sya. Di makapaniwala na di ko na maalala yung nangyari.

I know, masyadong immature pero argh! Di ko rin alam.

"Seriously? Well I don't want to tell the reason na rin. Grabe ka talagang babae ka. Mapagtanim ng galit." sabi nya at napairap nalang ako.

"Ah ganon di mo na sasabihin, edi di parin kita papatawarin."

"Eh—"

"Mamaya na yang dikusyon nyong yan. Kumain muna tayo lalamig ang sabaw." biglang sumingit si Tita Tina.

Binelatan ko nalang si Lucas at sumunod sa Mama nya. Gutom na rin kasi ako eh.

*

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon