Chapter 3

245 15 9
                                    

Ang sakit ng buong katawan ko!!!

Paggising ko parang matutunaw ang mga plastik pag dinikit sa akin. Ang init ko, sobra. Lamig na lamig din ako at masakit ang katawan. Sabi ko na nga ba lagnat ang abot ko eh.

Inalis ko muna ang kumot na nakabalot sa akin dahil pupunta ako sa banyo. Nakasalubong ko si kuya Aji na may dalang sopas.

"Oh, bakit ka tumayo? Humiga ka lang dun." sabi nya sa akin. Wow, concern.

"Kuya, para sa akin ba yan?" sabay turo ko sa hawak nya. Napataas naman ang kilay nya.

"Akin 'to! Kuha ka dun tapos humiga ka na ulit." sabi ni Kuya at nilagpasan na ako pabalik na sya sa kwarto nya. Inirapan ko nalang sya. Hays, ganyan talaga ang kuya ko magpakita ng pag-aalala.

Pagkagaling ko sa banyo ay bumaba muna ako para kumuha ng sopas. Wala naman kasing ibang maghahatid sa akin nun eh.

Nakita naman ako ni Mama. "Bakit ka bumaba? Bumalik ka na dun sa kwarto hahatidan ka nalang ni Abi ng sopas dun para makakain ka na at makainom ka ng gamot." mahinahong sabi sa akin ni Mama. Na-touch naman ako kay Mama. Nakakapanibago.

Bumalik na ako sa taas. Ayos din, sana lagi nalang akong may sakit.

I covered myself with my blanket. Nakita kong pumanhik na rin si Abi. Medyo nakasimangot pa ang loka, nautusan kasi.

"Ito na po ang sopas nya, your majesty." sarkastikong sabi sa akin ni bunso. Inirapan pa ako nyan habang pinapatong yung sopas sa side table ko.

"Salamat po." sarcatic ang pagkakasabi nya eh edi sarcastic din ako. It's run in the blood kasi.

Nakasimangot na umalis si Abi pero bumalik din sya agad. "Ate may tumatawag nga pala sa telepono kanina, ikaw ang hanap." sabi nya. Nagtaka naman ako kung sino.

"Sino daw?"

"Si Jose Rizal daw magpapadeliver sayo ng leche flan." sabi nito at napakunot naman ang noo ko. Bwisit.

"Si Kuya Lu..cas? Basta yun, sino nga yun Ate?" napatingin ako kay Abi. Oo nga pala, di pa nya yun nakikita ulit. Bata pa kasi si Abi nung napunta-punta pa si Lucas dito. Eh nagka-fo nga kami so di na sya ulit napapasayal dito.

"Ah si Lucas pala."

"Ate sino nga yun, ang pogi nga boses." aba kiri kiri na ang batang ito ah.

"Wala nga, umalis na nga tawag ka na ni Mama." isang irap na naman ang natanggap ko sa kanya at padabog na umalis. Batang iyon manang mana sa pinagmanahan.

Bago pa ito lumamig ay hinigop ko muna ang sopas ko. Kinuha ko din ang cellphone ko. Bakit kaya tumawag yun?

I composed a text message for him.

"Bat ka tumawag? Ali 'to"

Humigop ulit ako. Tumunog naman ang cellphone ko, nag reply.

"Syempre, kakamustahin ka kung okay ka lang. Sabi nina Mama kamustahin ka daw eh."

"Aba napipilitan ang ugag, sabihin mo okay lang ako. Matibay ata 'to 'no"

Maya-maya, nagreply ulit siya.

"Edi ikaw na matibay, sige na magpagaling ka ha."

"Okay." tapos pinatay ko na ang cellphone ko. Bigla akong inantok sa kabusugan. Makatulog na nga muna.

***

Days passed and yeah, pasukan na namin. First year college na ako ngayon, akalain nyo yun nakaabot ako ng college.

BSBA ang course ko. Bachelor of Science in Business Administration. Yas. Di ko rin alam kung bakit ito ang kinuha kong course. Siguro dahil gusto kong palaguin ang leche flan business ni Mama at ang course lang na ito ang malapit dun? Ah basta, bahala na basta may course.

Tinawagan ako ni Lori kung nasaan daw ba ako. Kasi sabi nya sabay daw kaming mag recess mamaya at may ichichika daw sya. Magkahiwalay kami ngayon kasi iba ang course nya. Nursing. Di ako fit sa course na yun kasi takot ako sa dugo.

Gosh, bakit parang kinakabahan ako sa first day na 'to? Baka kasi...ibang path na 'to malayo na sa pagkabata daan na para sa future..Ay Alandria! Pumasok ka na lang.

Pumasok na ako sa room, yung iba pamilyar ang mukha kasi schoolmate ko nung high school.

"Ay talaga ba? Oo nga ang tindi ni Curry diba pati ni Durant! 4-0 mga tol!"

"Babawi kami sa next season. Who you kayo sa Cavs."

"Weh aalis na daw kaya si Lebron."

"Ito ang lagi nyng pagkakatandaan, pag may umaalis may dadating. Boom!" ingay ah. Parang pamilyar yung mga yun sa akin.

"Daming alam. Tsk—"

"Ali?!" Tawag sa akin ni Kuya Ball is Life. Kilala ako?

"Alands?" isa pa yung katalunan ni Kuya Ball is Life. Yung team Cavs.

"Ali." oh, Si Lucas ito ah. So yung dalawa ay si..?

"Matt Andrew?" sabi ko sa dalawa at abot tenga naman ang ngiti nila. Doon ako umupo sa may upuan nila. So Business Ad. din sila? Pati si Lucas?

***

"So still side kick ka pa rin ng mudra mo?" tanung ni Drew at tinungga naman yung tubig nya. Nasa canteen kami ngayon. Free cut pa kasi first day pa lang naman ng school. Tamad ang mga teacher magturo hays.

"Uhm, oo. No choice wala si Mama makakatulong saka pandagdag baon na rin."

"Ah ganon, pwede ba ako mag-apply bilang delivery boy?" banat ni Matt. Napatawa naman ako sa sinabi nya.

"Seryoso? Tatanungin ko si Mama."

"Namumulubi na kasi tong si Matt eh. Diba Matt the loverboy." sabi ni Drew at kiniss pa si Matt. Bakla ba si Drew?

"Don't tell me kayong dalawa?" sabi ko at nanlaki naman ng mata nilang dalawa.

"What the?! lumayo ka sa akin Andrew nakakakilabot ha!" sagot ni Matt at humagalpak naman ng tawa si Andrew.

"Mandiri ka nga Ali. Di ako bading, binibiro ko lang 'tong si Matt. Kaya naghahanap ng trabaho eh para may pansustento." sagot sa akin ni Drew. Parang napatahimik naman si Matt sa sinabi ni Andrew. Oh my gosh!

"Hala 'tol sorry nadulas lang ako. Si Ali naman yan eh."

"M..ay anak ka na Matt?" seryosong tanong ko at nanatiling nakatungo si Matt.

"O..o. Oo, may anak na ako. Magwa-one year old na. Kaya please, Ali. Tulungan mo akong magkatrabaho."

Totoo ba 'to?

"Ha..? May anak ka na? Bata-bata mo pa ah. Grabe Matt, parang dati totoy ka pa eh tas ngayon..sorry ha. Sinong ina nyan? Alam ba nina Tita? Grabe one year old na tas di pa alam? Omg talaga paano ka na ngayon Matt?" sunod-sunod kong tanong. Napatigil lamang ako nang mailuwa ni Andrew ang tubig na nasa bibig nya. Humagalpak naman ng tawa si Matt at binatukan pa nya si Andrew.

"Ikaw naman pala ang paniwalain eh, Alandria." biglang epal ni Lucas na kadadating lang.

Naloko pa nga ako ng mga lokong yun, bwisit.

*

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon