Chapter 14

99 7 1
                                    

"It's your turn now, Landicho."

Nangilabot naman ako sa pagtawag ni Prof sa akin. Nagpapractical na kasi kami ngayon sa PE. Nauna nagpractical ang mga boys at nasa room lang kami para makapag-palit at makapagpractice na rin.

Naunang naglaro sa akin si Hana since Fabiano ang surname nya. Talagang nakakakaba kasi ikaw lang magisa ang nasa loob ng court at magpapakitang gilas kay Prof.

Hindi inexpect na marunong na si Hana! Nakakatuwa naman kasi nag-improve talaga sya. Siguro magaling nga yung pinsan nyang nagturo sa kanya.

"Go, Girl!! Kayang-kaya mo yan!" pagche-cheer sa akin ni Hana. Tipid ko naman syang nginitian kasi kinakabahan talaga ako.

Napapikit naman ako at nagdasal na rin. Nung natapos ako magdasal parang biglang lumabas yung itsura ni Lucas sa utak ko.

"Tandaan mo yung pinractice natin kahapon, Ali. I know you can do it. Basta magtiwala ka lang sa kakayahan mo."

Sabi ni Lucas sa akin nung nakasalubong nya ako kanina. Seryoso nyang sinabi sa akin. Tama, dapat di ako kabahan kasi kayang-kaya ko naman ito. I must trust my myself.

Kinuha ko na yung bola at sinimulan ng magdribble. "Let's go, Ali." bulong ko sa sarili ko bago ako nagsimula.

***

"Grabe, grabe, Ali! Sobrang galing mo kanina!" nariri di na ako rito kay Hana sa pagiging exaggerate nya.

"Hindi naman." sabi ko at sinagi naman nya ako sa balikat.

"Pa-humble pa eh, inspired kasi." sabi nya at inirapan ko na lamang sya.

Natapos rin yung practical namin, finally. Kaya naman ako niloloko nyang si Hana kasi naman daw, tutuk na tutuk daw si Prof sa paglalaro ko. Nung natapos ako sa paglalaro, nagulat ako sa sinabi ni Prof.

"I'm impressed, Ms. Landicho. Good job."

Napanganga nalang ako pagkatapos at di alam kung totoo ba yun.

Nasa cafeteria kami ngayon para kumain. Bumibili na si Hana ng pagkain namin. Sya nalang daw ang bibili ng pagkain naming dalawa dahil napo-proud  daw sya sa akin. Tss.

Inilabas ko muna yung cellphone ko para maglaro ng may nakita akong message.

Lucas:

Musta ang game?

Agad ko naman syang nireplyan.

Me:

Okay lang. Naimpress si Prof. :)

Send. Hindi naman siguro masama kung  sabihin ko sa kanya na natuwa si Prof. Syempre pag sa aming dalawa, pwedeng pwede ang payabangan.

Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalaro ng magreply sya.

Lucas:

Wow, galing naman :) Libre mo ako.

Kung sa messenger 'to, sineen yung tamang term. Hindi ko na lang sya nireplyan at nagpatuloy nalang sa paglalaro. Natataya ako eh.

"Hey."

"Ay kambing! Taya tu–oh, ikaw pala." nagitla naman ako ng may umupo sa unahan ko. Si Zachary.

"Kamusta exams?" tanong nya sa akin. Tiningnan ko naman sya. Ang medyo tagal na palang di kami nagkikita nito. Saan kaya sya pumupunta eh kapag nag eexam kami wala sya, ano yun wala syang pasok?

"Okay lang, saan ka pala pumupunta pag nage-exam kami? Wala kang pasok? Grabe, pa-VIP ka." sabi ko at tinutok ang sarili sa paglalaro. Narinig ko naman syang tumawa.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon