Epilogue (Part 1)

109 10 3
                                    

"Master, hindi mo na talaga pinapansin si Ali 'no?" sabi sa akin ni Andrew. Sinamaan ko s'ya ng tingin, alam na siguro n'ya kung anong ibig-sabihin no'n.

"Sorry na boss! Tosh nalang!" bawi na at inabot ang beer sa akin. Kinuha ko naman 'yon at agad tinungga. Kumuha ako ng pulutan dahil mapait ang lasa ng beer.

"Si Matt? Pupunta ba?" tanong ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila Andrew.

"Hindi, Master. Grounded 'yun. You know, magiging daddy ang tropa natin." napatawa ako ng kaunti. Ano kayang naisip ni Matthew para pasukin ang ganong bagay. I can't blame him, though. Nagmahal lang din s'ya. At ang pagmamahalan nila ay nagkaroon ng bunga. Blessing nga 'yun eh.

Bigla ko namang naalala 'yung batang nag-rant sa akin no'n, nung bata pa kami. Ayaw na ayaw n'yang magkaroon ng kapatid eh. Kesyo hindi na s'ya mamahalin ng mga magulang n'ya.

Ali.

Do'n nga pala nagumpisa na magalit s'ya sa akin. Sad s'ya nung pauwi na kami kaya ako naman bilang 'boyfriend' n'ya, gumawa ng paraan. Paraan na pinagsisihan ko. Hinalikan ko ba naman s'ya! Ang harot din ano?

Don't blame me, hindi ko naman 'yun sinasadya. Ano bang alam ko no'n sa tama at mali. Hindi pala dapat namin 'yun ginagawa.

Kaya naman nang mangyari 'yon at narealize n'ya, parang may sumpa naman s'yang sinabi sa akin no'n.

"'Wag mo na akong kakausapin kahit kailan! Wag ka na ring makipaglaro sa akin! Hindi na tayo bati! Ayaw na kitang maging boyfriend!"

Masunurin ako kaya sinunod ko ang sinabi n'ya. Hindi ko nga s'ya kinausap. Hanggang narelize ko na isang taon na pala kaming hindi nag-uusap no'n tapos lumipat kami ng bahay. Nasa sasakyan ako no'n pero kitang kita ko na lumbas s'ya sa gate nila at tinawag n'ya ako. Lumingon ako saglit pero binawi ko agad. Medyo nainis na rin ako sa kan'ya dahil nga sa sinabi n'yang 'wag na kaming mag-usap.

Eh s'ya lang naman ang kaibigan ko no'n.

Oo nga't may mga nakakasama ako sa school, mga kalaro ko do'n pero iba pa rin talaga pag s'ya ang kasama ko. Kapag pauwi na ako, nakikita kong iba na ang kasabay n'yang umuwi, nalulungkot ako kasi ako naman dati 'yun eh. Tapos kapag mag-isa nalang ako sa bahay, gustong-gusto kong pumunya sa kanila pero nahihiya ako at alam kong ayaw naman n'ya ako do'n. Kaya lagi nalang ako mag-isang naglalaro.

Hanggang naging highschool kami, pinagmamasdan ko nalang s'ya sa malayo. Hindi kami naging magkaklase no'n pero parehas kami ng school na pinapasukan. Part ako ng journalism no'n, photojournalist ako. Kaya lagi kong dala ang camera ko sa lahat ng event ng school.

Intrams no'n at isa 'yun sa pinakahihintay ng lahat. Dapat may makuha akong pictures sa event ngayon kasi intrams ang highlight ng dyaryo namin.

Patungo na ako sa covered court nang makita ko si Ali na nagpapractice ng cheerdance. Sumasayaw pala s'ya. Natawa ako ng bahagya nang makita ko kung paano s'ya sumayaw. Hindi naman kagalingan pero marunong s'ya. Halatang pinilit lang s'yang sumali do'n kasi nakasimangot s'ya.

Cute.

Inayos ko ang camera ko. Kunyari buong cheerdance team ang pinipicturan ko pero ang totoo sa isa lang naman nakafocus ang camera ko.

"Huli ka!" muntik ko ng mabitawan ang camera ko nang gulatin ako ni Andrew.

"Bakit ka ba nanggugulat?" iritang tanong ko sa kan'ya. Humagalpak naman s'ya ng tawa.

"Yung mga damoves mo talaga, bulok. Kunyari silang lahat ang pinipicturan, sa isa lang naman ang pinopokus. Kuh. Ali pa more." binatukan ko s'ya nang magbanggit s'ya ng pangalan.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon