Chapter 17

83 9 0
                                    

Nasa salas lang kami at nanonood ng tv. Ngayon na nga lang ako nakalabas ng kwarto ko at tumambay dito sa labas. Baka kasi mabulok na ako doon sa kwarto ko eh, saka nag spray na din ako ng insect repelant kasi malamok 'yung kwarto ko. Mamaya ma-dengoy ako.

"Ate! Pahiram ako nung libro mo ha, yung Percy Jackson ba 'yon?" sabi ni Abi sa tabi ko, tumango naman ako at nginitian s'ya.

Natutuwa ako kasi naging close na talaga kami ni Abi ngayon. Kahit hindi ako masyadong sanay kasi ang bait n'ya sa akin. Kay Kuya nalang s'ya nagtataray ngayon.

Speaking of Kuya, di ko pa s'ya napapansin. Nasaan kaya 'yun?

"Abi, si Kuya ba nasa kwarto nya?" tanong ko kay Abi at agad naman syang umiling.

"Dunno, pero wala yung bag n'ya nung pumunta ako sa kwarto n'ya. Baka umalis Ate." sabi nito. Nagtataka na ako. Hindi ko naman masyadong nakaka-interact si Kuya sa bahay pero lalo na siguro ngayon kasi parang lagi s'yang wala. Saan naman kayo yun pumupunta?

Naalala ko tuloy nung isang araw. Yung nakita ko si Kuya kasama yung Ate Krisha. Confirm nga na may pasok sila Kuya noon, pati din si Ate Krisha kasi nabanggit ni Kuya na taga-med school yung liligawan nya so I bet na si Ate Krisha 'yun. So nag-cut silang dalawa?

Ala ewan ko na, malaki na s'ya. Saka kung saan s'ya masaya, edi go.

Pansin ko naman ang Mama ko na lumabas galing sa kwarto n'ya. Siguro nag-laptop na naman yun kasi meron din kasing na-order online eh. Yeah, sosyal kasi ang Mama ko abot hanggang online ang negosyo n'ya.

"Ma!" tawag ko. Naalala ko kasi 'yung binabilin ni Hana sa akin.

Tumingin naman sya sa akin, "Ano, uhm oorder daw yung kaklase ko. Mga limang lañera lang daw. Pwede naman po 'yun diba?" paninigurado ko. Kasi naman maramihan kasi ang orderan n'yang Leche Flan ni Mama. Pag may mga kasalan daan daan ang ginagawa ni Mama kasi sa amin nakuha ng Leche Flan. Miski nga 'yung mga catering dito sa amin, Leche Flan din ni Mama yung lagi kinukuha. Kahit 'yung mga karinderiang nagtitinda ng halo-halo tuwing summer, sa amin din kumukuha. Siguro kasi masarap naman talaga yun saka pamana pa ni Lola yung recipe nitong Leche Flan. Sikat rin si Lola noon dito kaya lang, wala na s'ya. Kaya nga napoproud din ako kay Mama kasi ang sipag-sipag nya.

Enough for that Leche Flan history and churva, bakit ba tayo napunta d'yan?

"Okay lang naman. Saan ba yung kanilang bahay?" tanong ni Mama.

"Dun daw po malapit sa Leyos. Malapit lang naman po dito, Ma. Kaya ako na rin ang magdadala sa kanila." tumango naman si Mama at saka chineck na ulit yung nakasalang n'ya sa kalan.

Bumalik na ako sa sofa at nanood na ng tv. Rinig ko naman ang pagtawa ni Abi sa tabi ko. Napangiwi nalang ako kasi hindi naman nakakatawa. Mr. Bean kasi ang palabas ngayon na favorite nitong si Abi. Hay, bata pa rin talaga s'ya. Buti nalang nakapag-move on na s'ya dun sa Clifford na love n'ya kuno.

Chineck ko nalang iyong cellphone ko kesa manood nung corny na palabas. May nagtext din. Bakit ba sila nagtetext eh alam naman nilang wala akong load para makareply eh.

Tiningnan ko 'yung message na 'yun.

Lucas:

Huy, punta ka raw dito sa bahay at mag-sleepover ka sabi ni Mama. Naipagpaalam ka na rin kay Tita.

Nanlaki naman iyong mga mata ko sa nabasa ko. Sleepover? Naipagpaalam kay Mama? Ano 'to?

"Nga pala, Ali. Tinext ako ni Kristina at ipinagpaalam ka na doon ka muna matulog sa kanila. Hindi sana ako  papayag pero pinuntahan pa ako ni Lucas dito...yung anak nila. Eh sinabi na oorder din sila ng Leche Flan edi isabay mo na dun. Ang laki na pala nung si Lucas na 'yun." sabi ni Mama habang nagpupunas ng kamay.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon