Chapter 34

73 10 1
                                    

"Andrew! Andrew! Andrew!" hinahapo na ako't lahat di ko pa rin naabutan si Andrew! Saan naman dumaan ang mokong na 'yon?

Tumakbo ako papunta sa exit ng canteen. May shortcut kasi don papunta sa building namin.

"Sabi na't mahuhuli din kita." sa taguan palang, talo na kayo sa akin. Mvp ata ako noon.

"Ali..." literal na nanginginig si Andrew habang hawak ko ang kaliwang braso n'ya.

"Iniiwasan mo rin ba ako?" agaran tanong ko at umiwas naman s'ya ng tingin. Kitang-kita ang mga butil ng pawis sa noo n'ya. Bakit pa parang takot na takot itong makita ako.

"H-hindi ah!" sagot n'ya rin at nakaiwas pa rin ng tingin.

"Ah, hindi ba? Obvious naman na iniiwasan mo ako! Sumama ka sa akin. Mag-usap tayo!" banta ko kay Andrew at hinila s'ya pabalik sa canteen.

Nang makabalik kami sa canteen, dinala ko s'ya sa two-seater table ron para makapag-usap kami ng masinsinan.

"So bakit mo nga ako iniiwasan?" pag-uulit ko ng tanong sa kan'ya.

"Hindi nga kita iniiwasan!" sagot nito at iwas pa rin ang tingin sa akin.

"Bakit 'di ka makatingin ng diretso? May gusto ka siguro sa akin 'no?" sa banat kong 'yun agad naman itong tumingin pero nakasimangot pa rin.

"Ako magkakagusto sa'yo? No thanks, baka magalit si Mas—basta no thanks di kita type." inismiran ko naman s'ya.

"Ikaw nga yata ang may gusto sa akin! Bakit naman big deal sayo kung iniiwasan nga kita?" nangunot naman ang noo ko sa sinabi n'ya. Feeling din ang isang 'to.

"Gago ka ba? Malamang magtataka ako! Kaibigan kaya kita, ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo kung sa palagay mo may gusto ako sayo! Baka naman kasi kaya mo ako iniiwasan kasi hindi mo ako kaibigan? Ha, Andrew!" nag-iba naman ang timpla ng mukha n'ya ngayon. Wala ng ganang makipaglaban.

"Hindi naman sa ganon, Ali."

"Eh bakit nga?!"

"May nalaman kasi ako..."

"Ano naman 'yang nalaman mo?!"

"Totoo ba?"

"Totoo bang alin?!"

"So hindi totoo?"

"Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo? Isa pa ihahampas ko na 'to sayo." hawak ko na yung vase na nakapatong dito sa mesa namin. Ihahampas ko na aa ulo ng abnormal na 'to.

"Wala. Wag mo nalang isipin." muli ko s'yang sinamaan ng tingin bago bumuntong-hininga.

"Oh sya, 'di na kita d'yan pipilitan sa kaabnormalan mo. Sagutin mo nalang 'tong tanong ko." seryosong sabi ko sa kan'ya.

"Ano naman 'yon?"

"Bakit lumipat si Lucas ng course?" sa tanong ko, napatahimik naman s'ya at muling umiwas ng tingin.

"Bakit 'di nalang s'ya ang tanungin mo?" sagot naman ni Andrew na nilalaro na ang kan'yang panyo.

"Eh 'di rin ako pinapansin eh! Ano bang nakain n'yong magbabarkada? 'Di na ako magtataka kung pati si Matthew di na rin ako kilala."

"Ang manhid mo pala talaga eh, 'no?"

"Ano bang pinagsasabi mo?" at sinamaan s'ya muli ng tingin. "Sagutin mo nalang kasi ang tanong ko!" dagdag ko pa.

S'ya naman ang nagbuntong-hininga.

"Sabihin nalang nating change of dreams. Do'n kasi sa una n'yang pangarap sa tingin n'ya 'di na n'ya maabot. Kaya do'n nalang s'ya sa alam n'yang makukuha n'ya." ano raw? Lalong gumulo. Hamak namang mas madali ang business ad sa engineering. O depende lang din 'yun sa tao.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon