Chapter 28

68 7 0
                                    

Ang lamig na ng simoy ng hangin ngayon. 9 days nalang kasi pasko na. Naghahanda na kami ngayon para sa simbang gabi.

"Bilisan mo namang bata ka! Iiwan ka na namin." bulyaw ni Mama kay Abi. Busy kasi sa pag-aayos ng sarili. Nagma-make up pa eh daig pa ko. Partida grade 6 palang yan.

"Ma, nakita n'yo ba po yung sapatos ko? Di ko mahanap ang kapareha eh." bumaba si Kuya na nagkakamot ng ulo.

"Hay naku, nandon lang sa shoe rack sa labas. Buti hindi natanggay ng aso. Burara ka pa rin paano kung magiging ama ka na talaga?! Hindi n'yo talaga kakayanin na wala ako." napatawa naman ako habang sinesermunan ni Mama si Kuya.

Bati na ulit sila. At tama na hindi si Kuya ang ama ng dinadala ni Ate Krista. Sinabi na ni Ate Krista ang totoo. Habang sila pa pala ni Kuya ay may iba pa pala 'tong nilalandi. Buti nalang at umamin s'ya. Ni-report naman 'yung ginawa ng el brusko kay Kuya. Buti naman inaksyonan agad ng school at buti nalang wala silang pinapanigan. Bibihira na kasi ang 'fair' sa mundo.

Nagpicture muna kami bago umalis. "Sayang wala si Papa." sabi ni Abi habang tinitingnan ang mga litrato namin. Miss ko na nga rin si Papa eh. Ang tagal naman n'ya. Sana mag-pasko na para kasama na ulit namin s'ya.

Pagkadating namin sa kapilya, marami nang tao. Ewan ko ba kung bakit tuwing misa de gallo lang napupuno ang simbahan at maraming nawiwili na magsimba kasi raw matutupad daw ang kanilang hinihiling. Maganda siguro kung linggo linggo ganito karami ang tao sa simbahan. Dapat consistent tayo hindi kung may okasyon lang magaling.

Pero syempre, guilty rin ako. Hindi naman ko linggo linggo nagsisimba eh. Pero hindi ko naman nakakalimutang magpasalamat kay Lord sa araw-araw n'yang biyaya sa amin.

"Mare!!" napintig ako nang may tumawag kay Mama. Nilingon namin iyon, si Tita Tina pala. Agad naglapit ang dalawa at nagbeso. Matagal na rin palang hindi sila nagkikita eh. Kasama ni Tita ang nag-iisa nitong anak na si Lucas.

Lumapit si Lucas sa amin at agad na nakipag-apir kay Kuya. Bakit kaya ganon ang mga lalaki, pag nagkikita automatic na mag-aapir o kaya magsasagian ng balikat? Kahit nga hindi ka-close ganon ang ginagawa.

Parang nagkamustahan pa sila Lucas at si Kuya. Nang matapos sila eh bumaling s'ya kay Abi. Akala ko aapir lang si Abi sa kanya pero niyakap n'ya ito. Napakamot naman ako sa ginawa ni Abi. Napatawa naman si Lucas kay Abi.

Nang matapos ang yakapan nila hinawakan ni Abi ang kamay ni Lucas at inaya papunta sa direksyon ko.

"Ate tingnan mo kasama ko si Kuya Lucas!" masayang sabi ni Abi.

"Oo, kita ko nga may mata naman ako." sarkastikong sabi ko kay Abi. Inirapan naman ako ni Abi. Bumaling naman ako ng tingin kay Lucas. Wala namang bago, ganon pa rin s'ya. Lagi naman kaming nagkikita nito sa school.

"Nagsisimba ka pala." tanong n'ya sa akin. Idadamay pa n'ya ako kung hindi s'ya nagsisimba.

"Syempre! Ikaw mag-ingat ka baka masunog ka ron sa loob." sabi ko. Napatawa naman si Abi sa tabi namin.

"Luh ano si Kuya Lucas? Demon? Si Satan?" tanong ni Abi.

"Hm, hindi natin alam. Tanong mo sa kanya." sagot ko. Tiningna naman ni Abi si Lucas at umaling ito.

"Ang sama talaga ng Ate mo sa akin. Kung ako demonyo sa kanya, siya naman ay anghel para sa akin. " parang masasamid ako sa sarili kong laway sa sinabi n'ya. Sinundot naman ni Abi ang tagiliran ko.

"Yie! Ate!!" naiinis na ako sa bubwit na 'to. Napaka-paissue!

"Tumigil ka nga d'yan Abi! Ayon oh sumama ka na kina Mama, bibili ata ng pagkain."

"Weh? Gusto mo lang masolo si Kuya Lucas eh! Yie!!" sa sobra irita ko eh tinulak ko siya palayo. Tumingin pa ito sa amin at sinamaan ako ng tingin. Medyo napalakas din kasi yung tulak ko naiiyak ata. Bahala s'yang umiyak din kay Mama.

"Baka naman kasi nagsasabi ng totoo yung bata." oo nga pala may kasama pa ako dito.

"Sige asa ka pa. Libre yan." tugon ko, at pumasok na roon sa chapel. Mag-uumpisa na kasi ang misa.

"Ang pag-ibig at kapayapaan ay laging sumainyo." tumugon kaming lahat sa sinabi ni father. Tahimik lang akong nakikinig habang itong katabi ko ay natutulog..ata.

Para makita, tiningnan ko si Lucas na nasa tabi ko. Nagulat naman ako nang makitang nakatingin rin siya sa akin kaya agad kong binawi ang tingin.

Magkatabi kami ngayon kasi nagkasundo ata ang pamilya namin na pagtabihin kami. Pakana ito ni Abi bilang ganti sa ginawa ko kanina sa kanya. Tuwang-tuwa naman ang Mama ni Lucas nang makita kaming magkasama. Ship na ship ata kami ni Tita.

"Ikaw ha, nakaw pa ng tingin." bulong ni Lucas sa tabi ko.

"Utot mo, tumahimik ka na nga diyan nagsesermon si father eh." sagot ko. Rinig ko naman ang mahina niyang tawa.

"Sige po madam." tugon naman nito. Buti nalang nasa simbahan kami ngayon kung hindi tatamaan talaga to sa akin.

At nasa part na nang Ama Namin, tumayo na ang lahat. Ramdam kong di pa natayo ang katabi ko kaya binalingan ko s'ya ng tingin.

"Si tanga, natulog nga." sabi ko sa isip ko at napatawa ng konti. Sinipa ko ang paa n'ya ng magising.

"Ano ba?!" singhal n'ya nang magising. Imbes na sumagot iminuwestra ko nalang sa kanya na tumayo na dahil lahat kami nakatayo maliban sa kanya. Nang makuha n'ya ang punto ko, agad naman s'yang tumayo.

"Hina mo talaga." pabulong kong sabi at itinaas ang kamay.

"Sayo lang naman kasi ako malakas." sagot ni Lucas at kinuha ang kamay ko para sa pagkanta.

"Mare, una na kami ha. Punta kayo sa amin sa pasko maghahanda ako." Paalala ni Tita Tina sa amin. Bumeso muna si Mama sa kanya.

"Sige mare, dumaan rin kayo sa amin ha. Uuwi si Allan."

"Ah talaga? S'ya sabihin mo dumaan sa amin nang maka-shot." dagdag ni Tito Dom at hinampas naman s'ya ni Tita Tina.

"Sinong may sabing pwede kang uminom?! Yang atay mo Domingo baka nakakalimutan mo?" sagot ni Tita Tina at napakamot naman ng ulo si Tito Dom.

"Minsan lang naman eh..." saad ni Tito Dom. Napatawa naman kaming lahat.

"Sige na mare, una na kami ha. Ingat kayo." paalam ni Tita Tina.

"Oo sige ingat kayo. Sa uulitin ulit." tugon ni Mama at umalis na sila.

Lalakad na kaming pauwi nang may tumawag sa akin.

"Ate Ali!" lumingon naman ako, si Ana pala.

"Oh Ana bakit?"

"Pwede bang mamaya ka na umuwi? Kailangan raw namin ng katulong para sa pamimili ng bulaklak para sa huling misa bukas."

"Ha? Bakit ako?" malalim na rin kasi ang gabi! Baka mamaya may umaaligid na namamg masamang loob dito.

"Sabi ni Sister Fely eh. Nakita ka raw n'ya ngayon. Saka umuwi na ang lahat. Please ate para naman sa chapel natin 'to eh! Saka kay Lord." wala na akong magagawa, tumango na lang ako. Kasama na si Lord eh.

Binalingan ko muna ng tingin sila Mama.

"Ma, papaiwan daw muna ako. Kailangan daw."

"Sige, umuwi ka nalang." sabi n'ya at tumalikod na sa akin. Di man lang s'ya nag-alala! Gabing-gabi na tapos babae pa ang anak n'ya!

"Ma! Paano ako uuwi, baka nalimutan n'yo yung nangyare kay Kuya!" singhal ko.

"Ah, oo nga pala. Sige text mo nalang Kuya mo. Nandyan pa naman yun sa tabi-tabi." sagot ni Mama at tumango nalang ako.


if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon