Chapter 35

101 7 1
                                    

"Ikaw talaga Lucas, konti nalang talaga ipapadala na kita sa mga Lola mo!" pangaral ng mommy ni Lucas sa anim na taong gulang na batang kaharap n'ya. Patawa-tawa lamang ito habang pinagsasabihan ng kan'yang ina.

"Anong tinatawa-tawa mo d'yan ha?"  galit pa ring sigaw ng ina ni Lucas. Ngunit nabigla ito ng lumapit si Lucas sa kan'ya at yumakap sa bewang nito. Napawi naman ang inis ng ina sa yakap ng kan'yang anak.

"Sorry, Mama." sambit ni Lucas at hindi naman mapigilan ni Kristina na mapangiti.

"Basta h'wag na mas'yadong makulit ha?" maamong sabi ni Tina kay Lucas. Tumingala naman ito at tumango sa ina.

"Hon, aalis pala ako ngayon may emergency meeting kami ngayon eh. Biglang tumawag si Boss."  nagmamadaling inayos ni Dominic ang mga gamit n'ya. Hinihintay ang sagot ng asawa.

"Ha? Naku naman. Duty ako ngayon sa clinic eh. Paano si Lucas?" liningon naman nila ang anak na nasa salas na naglalaro ng playstation.

"Iwan muna kaya natin sa kapitbahay? Nakausap ko na 'yung mga bagong lipat d'yan. Mukhang mabait naman sila, Tina. Hindi ko naman pwedeng isama si Lucas sa opisina eh."

"Sigurado ka ba d'yan, Dom?  Kung pwede ko lang rin isama si Lucas sa clinic kaso hectic ang sched ko d'on ngayon. Hindi ko rin naman s'ya maaasikaso." alanganin din sagot ni Tina sa asawa.

Dahil wala na rin naman silang choice, natagpuan na nila ang kanilang sarili na nasa harap ng bahay ng mga bagong-lipat nilang kapitbahay. Kinatok ni Dom ang pintuan at agad naman silang pinagbuksan.

"Oh, pare! Dom nga diba?"  bati nung kasing edaran na rin ni Dom na ama ng tahanan.

"Oo, pareng Alan?" at natawa naman silang dalawa.

"Bakit nga pala kayo naparito? Kasama pa si Misis ah."

"Ah, magandang umaga, Kristina Gatchalian nga pala..." nilahad naman ni Tina ang kamay sa lalaki. Agad naman din iyong tinanggap. "Kahiya-hiya man pero pwede bang ihabilin muna namin sa inyo itong anak namin? Wala lang talagang magbabantay sa kan'ya sa bahay. Kawawa naman baka kung mapano pa s'ya ron." agad namang nagtungo ang atensyon ng lalaki sa batang nakayuko habang nilalaro ang psp n'ya.

"Ah, 'yun ba? Syempre naman! Para may bagong kaibigan na rin ang mga anak ko."

"Pare, salamat ha? Before lunch baka nakauwi na rin ako. Day off ko kasi dapat ngayon eh biglang nagpatawag ng meeting 'yung boss namin. Nagulo tuloy ang schedule namin ni Misis sa pagbabantay dito."  paliwang naman ni Dom kay Alan. Tumango naman ito bilang tugon.

"Lucas, dito ka muna kina Tito Alan mo ha? Huwag kang malikot dito, behave lang ha. Mabilis lang ang papa mo, mamaya pupuntahan ka na rin dito, okay?" paalala ni Tina sa anak. Tumango naman ito habang nakatuon pa rin ang atensyon sa psp n'ya. Hinalikan ni Tina sa pisngi ang anak bago dalhin kay Alan.

"Pare kung malikot pagsabihan mo ha, nakakahiya nasa ibang bahay pa naman." sabi ni Dom. Napatawa naman si Alan at ginulo ang buhok ng bata.

"Hindi naman siguro, Pare. Mukhang mabait naman itong anak n'yo eh."

"Sige na, Pare una na kami. Ikaw na bahala d'yan ha."

"Sige, ingat kayo!"  sagot ni Alan at umalis na ang mag-asawa. Biningan naman n'ya ng tingin si Lucas, hindi man lang napansin ang pag-alis ng mga magulang. Ngumiti naman si Alan at inakay na papasok si Lucas.

"Oh, Alan sino raw—" naputol naman ni Ria ang sasabihin nang makita ang batang kasama ni Alan.

"Inihabilin ng mga magulang, 'yung taga riyan sa malapit. Wala raw magbabantay sa kanila eh."

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon