Chapter 5

178 11 4
                                    

"Okay, that's all for today. Goodbye." malamig na sabi ng Prof namin nahalatang tamad na tamad na. Isang linggo palang tamad na agad?

"Hirap talaga ng accounting." nilingon ko si Hana sa tabi ko. Yeah, my new found friend. Para may matino namang kakilala sa klase namin.

"Kaya nga, naimbento pa." sabat ko.

Niligpit ko na ang gamit ko ng may tumama na papel sa ulo ko. Lintek sino yun?

"Ops, sorry Ali!" si Drew pala. Sinamaan ko naman siya ng tingin at bumalik na sa ginagawa ko.

"Ali!" tawag sa akin ni Matt. Lumapit naman ako. Pansin kong nagsasayang si Andrew ng papel para pambato. Isip bata. Nakaub-ub naman si Lucas sa tabi ni Andrew.

"Bakit?" tanong ko. Umupo na rin ako sa unahan nila. Pansin ko kasing nagtitinginan ang mga kaklase ko sa min. Kami lang naman kasi ang maingay, saka di pa naman namin kaclose lahat dito, duh anong ineexpect nila?

"Sama ka mamaya, birthday kasi ni Serina. Kapatid ko, eh may handaan sa amin dun ka na chumibog." sabi ni Matt. Iniisip ko muna kung may gagawin ako mamaya, wala naman.

"Hm, sige basta may chibog. Sino bang kasama?"

"Tayo-tayo lang, gusto mo isama mo yung chicks na katabi mo."

"Gags, basta talaga babae. Sige sasabihan ko rin sya." sabi ko at ngumiti naman si Matt. Pansin kong tumanghay ba si Lucas at tumingin sya sa akin. Di ko nalang pinansin at bumalik na ako sa upuan ko.

Dumating na ang sunod na prof. Syempre kung ano-ano na namang sinabi na di ko naman masyadong nagets. Siguro adjustment parin ng highschool to college. Siguro pag naka isang semester ako, saka palang masasanay.

Syempre mahirap mag-adjust sa mga nakasanayan mo na.

Kahit papaano, nagno-notes din naman ako. Para may magawa lang at kungyari nakikinig? Wow, so sipag mo talaga, Ali.

Maya-maya ay may nagvibrate sa bulsa ko. Gosh, wrong timing eh nagdidiscuss pa si Sir.

Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa. May nagmessage. Pinindot ko ang pin ko at nakitang si Abi yun.

Ate, umuwi ka muna emergency.

Magta-type na sana ako nang—

"Ms. Landicho! Diba sinabi ko naman na bawal gumamit gadget lalo na kung may klase?"

"Ma'am...sorry po. May I go out?" tanong ko sa kanya. Nakataas ang kilay ni Ma'am medyo scary.

"No need to say that. Lumabas ka na ng klase ko! Now!" sabi ni Ma'am at lumabas na ako ng room. Kita ko ang reaksyon ng iba kong kaklase. Aw, kakahiya eh. Pero..blessing in disguise?

Ah!! Basta kailangan kong makaalis ng school ngayon.

Pauli-uli ako ngayon ng school. Paano ba ako makakaalis?

Sa main gate..err. Bawal kasi mahigpit ang guards dun. Saka alam nila ang schedule ng klase eh may klase pa ako, bawal bawal.

Sa gate 2..(na mga taga-engineering at architecture dep. lang pwedeng lumabas) err. Bawal din. Di naman ko engineering student eh.

Nahihilo na ako kakaisip eh yung emergency na sinasabi ni Abi, gosh dating gawi nalang?

Tumakbo ako sa likod ng school. Dati nung high school ginagawa ko 'to. Oy, don't judge huh? Di ko naman laging ginagawa. Pag kailangan lang. 

Tumingin ako sa paligid. Buti nalang may klase pa kaya pang mga tao sa labas. Pinuyot ko muna ang buhok ko, this is so challenging! Naka-palda ako kasi I'm wearing my uniform. Sa pagkataranta, napapaenglish na ako.

Tinanggal ko muna ang sapatos ko at unti-unting umakyat sa pader. Buti nalang may konting mga baging na nakasabit sa pader dahil nung katabing puno sa labas ng school. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba talaga. Nakakakonsensyang magdasal kasi mali ito pero nagdadasal na rin ako sa isip ko. Naku talaga, Alandria!

Nakakapit na ako sa tuktok ng pader at doon ko na pinatong ang sapatos ko. Tatalon na sana ako pero dahil malumot na ng pader—nadulas ako!! Gosh, pumikit na ako bago pa man ako mahulog...sa kung sino man?

Naramdaman ko na parang nakalutang ako. Malayo sa sementadong kalsada na dapat ay papatakan ko. Minulat ko ang isa kong mata para masilip kung sino man ang nakasalo sa akin.

Lalaki. Nakabrush-up ang buhok, may hikaw sa tenga. May maliit na scar sa may pisngi. Mahaba ang pilik-mata. Matangos ang ilong. Mapula ang la—

"Miss, mamaya mo na ako titigan mabigat ka kaya." natauhan naman ako sa sinabi nya. Mabigat nga ako kasi napapasarap na naman akong kumain ngayon. Agad akong bumaba sa kanya. Nagulat ako sa upos ng sigarilyo sa may paanan nya. Nilimot ko ang sapatos kong nahulog at sinuot ko ng madali. Pinasadahan ko muna sya ng tingin.

"Salamat." mahinang sabi ko sa kanya saka ako kumaripas ng takbo.

***

"Anong nangyari kay Mama?" agarang tanong ko ng nakarating ako sa bahay. Naabutan ko na si Kuya Aji na nagbabalot ng damit na dadalhin sa ospital.

"Inatake na naman ng asthma. Grabe ang tanda na ni Mama di parin nawawala ang sakit nyang yun." sabi ni Kuya. Tinulungan ko na rin sya sa pagbabalot ng mga damit at kailangan ni Mama sa ospital.

"Tinawagan ko na rin si Papa pero di daw sya makakauwi ngayon. Baka bukas pa raw sya makarating." malayo kasi ang project nina Papa ngayon.

"Pumasok ka ba kuya?" tanong ko sa kanya.

"Oo, pero wala akong klase eh. Oh! Napaano yang sugat sa braso mo?" kita kong may maliit na hiwa sa braso ko. Dumudugo rin ito.

"Nag-over the bakod ka na naman?! Grabe college ka na cuttingera ka pa rin! Hoy Alandria magtino ka na at matanda ka na! Susumbong kita kay Mama paggaling nya!"

"Kuya naman! Sabi kasi ni Abi emergency daw. Eh syempre kailangan kong makaalia agad ng school. Wag mo na akong isumbong para naman kay Mama eh!" paliwanag ko.

"Ah basta! Dahil may atraso ka ikaw ang magbitbit nito."

"Kuya naman!!!"

Di nya ako pinansin at dirediretsong lumabas ng bahay namin. Weirdo kuya.

*

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon