Chapter 29

58 6 0
                                    

11:00 na nang kami ay matapos. Ni hindi ako nakapagreklamo kasi si Sister na yung nag-utos. Pagod na pagod na ako parang gusto ko nalang mahiga sa kalsada...

Pero teka! Itetext ko nga pala si Kuya! Ngayon lang ako natakot kasi gabing-gabi na nga. Grabe ka, Ali nakalimutan mong magpanic!

Kinuha ko agad 'yung cellphone ko para tumipa ng message para kay Kuya. Si kuya pa naman ang tagal-tagal non makapag-reply!

"Ate Ali una na po kami..." paalam ni Ana nang madaanan n'ya ako sa labas. Sasabay na sana ko sa kanila pero magkaiba nga pala kami ng daan. Paano na ako nito!

Lumipas ang labing limang minuto, di pa rin dumadating si Kuya. Tangina lang, malapit nang mag-alas dose paiyak na ako dito sa tapat ng chapel!

"Kuya, kuya, kuya, sumagot ka please..." bulong ko. Nagbabakasaling sasagot na si Kuya.

11:30 na wala pa ring anino ni Kuya ang nakita ko. Sobrang lamig na ng hangin at mga tunog na ng mga kuliglig ang tanging naririnig ko. Ni hindi man lang nagtext si Mama siguro nakatuloh na yon. Di ko na napigilan ang sarili na umiyak na lang.

"Kuya..dumating ka na..please.." paulit-ulit kong sambit sa bawat hikbi ko.

Medyo hininaan ko ang pag hikbi nang may narinig ako pagaspas. Parang may tao. Pero hindi ko sigurado kung si Kuya yun kasi naman nakaub-ob ako. Tangina, katapusan ko na ba.

"Pst.." nanindig ang balahibo ko sa oag tawag na yun. Mga nakatatlong ulit yun hanggang naramdaman kong malapit na s'ya sa akin.

"Kuya..?" mahinang tanong ko pero mas lalo pa s'yang lumapit sa akin.

"Wag...wag po.." nanginginig kong pagsasabi nang naramdaman kong malapit na talaga s'ya.

"Ali?" rinig kong sabi n'ya. Unti-unti akong tumunghay. Nanlalabo na ng bahagya ang mata ko dahil sa kakaiyak. Hindi ko na rin masyadong makita dahil tanging ilaw lang sa daan ang aking nakikita.

Nang tumama ang sinag ng buwan sa kanyang mukha, napagtanto ko na kung sino ang taong iyon.

"Lucas..?"

"Oo, tanga bakit ka umiiyak?" tumawa pa s'ya. Hindi ko nalang s'ya pinatulan at sa halip ay niyakap na lang s'ya.

"Gago, bakit ka umiiyak? Akala mo ba rapist ako? Nag-wag, wag ka pa d'yan." muli n'ya sinabi. Hinampas ko naman ang likod n'ya. Agad naman s'yang nag-react.

Humiwalay na ako sa yakap. Nagpunas ako ng luha. Tumingin ako sa lokong 'to. Ayon, ngiting-ngiti pa rin.

"Akala mo naman talaga, rapist ako? Mukhang to? Rapist?" muli na naman n'yang binuksan ang topic na 'yun.

"Gago ka ba? Mukha bang kita ko na ikaw 'yun? Nakaub-ob ako bulag ka ba?"

"Whatever you say. Bakit nga pala ikaw  umiiyak? Dahil di ka nasundo? Aww napaka-baby." inirapan ko naman s'ya.

"Bobo, umalis ka na nga!"

"Don't want to. Mamaya umiyak ka naman eh. Hatid nalang kita." ngumiti s'ya at umakbay sa akin. Agad ko namang inalis ang kamay n'ya sa balikat ko.

"Bakit ka nga pala nandito? Kanina pang umuwi sila Tita ah?" umiwas naman s'ya nang tingin sa akin.

"Eh nandito k— i mean wala lang. Late night walk bakit ba? Sige uwi nalang ako bye." ngunit bago s'ya makaalis, agad ko namang hinigit ang kamay n'ya.

"Wala ka talagang isang salita? Sabi mo ihahatid mo ako? Tara na." hila ko sa kanya papunta sa daan patungo sa bahay namin.

Bisperas na ng pasko, kitang kita ang excitement ng mga batang naglalaro sa labas. Ako, wala parang normal na araw na lang din 'to. Ang bago lang, ang dami naming pagkain at busy rin sa pag-ayos ng bahay dahil dadating na si ...

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon