Chapter 27

106 8 1
                                    

Kanina pa ako pabalik-balik dito sa harap ng bahay nina Lucas. Ang tagal naman niya, baka hindi na naman siya papasok? Pasahan na namin ng requirements ngayon mahihirapan siyang maghabol.

Napintig ako ng biglang may nagbukas ng gate nila. Lumingon ako at lumapit para makita kung sino yun. Si Tito Dom lang pala. Naglabas siya ng garbage bag. Lumapit pa ako ng konti sa para mapansin ako ni Tito Dom. Nang mabaling ang tingin niya sa direksyon ko, ngumiti ako.

"Oh, Ali bakit ka biglang naparito?" tanong ni Tito sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Uhm, Tito nandyan pa po ba si Lucas? Sasabay sana po ako sa kanya eh."

"Si Lucas? Naku hija nauna na. Nabigla nga ako bakit ang aga niya. Hindi naman ganon yung batang yun. Lagi kasing late nang magising yun kaya nakakapanibago." paliwanag ni Tito. Bakit nga ang aga ni Lucas ngayon? Nakapagtataka nga yun.

Nagpaalam na ako kay Tito Dom. Sumakay na ako sa bike ko at nagsimula ng magpidal. Habang nasa daan ako papunta sa school, hindi ko mapigilang isipin yung nangyari kay Kuya. Yung El Brusko pati si Ate Krista at yung monster nyang Kuya.

Hindi ko ineexpect na Kuya ni Ate Krista yung mamaw na yun. Iba naman itsura ni Ate Krista. Masyadong maganda si Ate, anyare don sa Kuya niyang parang pinagkaitan na ng lahat?

Kidding aside, nag-aalala rin ako sa sarili ko ngayon. Baka nga balikan ako nung frat na yun! Kaya nga sasabay sana ako kay Lucas ngayon. Kaya lang yun nga, nauna na pala siya. Buti nalang marami namang estydanteng naglalakad. Wala naman siguro akong kailangan ipangamba.

Pagdating ko sa school, bumungad sa akin ang nakahalumbabang si Hana. Mukhang inaantok pa siya. Puyat na puyat eh hindi nga siya pumapasok.

"Mukhang masarap ang bakasyon mo ha? Inextend mo pa yung bakasyon natin." sabi ko at umupo na sa upuan ko. Bigla naman siyang nabuhayan at tumingin sa akin.

"Baliw, sa bahay lang naman ako buong bakasyon."

"Bahay? Bakit hindi ka pumasok kahapon?"

"Ayoko lang. Nakakatamad kasi." napangisi naman ako sa dahilan niya. Nice excuse, isa siyang huwarang mag-aaral.

"Napakagaling mo talaga, idol." sarkastikong sabi ko. Inirapan naman niya ako. Wait, parang may bago sa babaeng ito ngayon.

"Bakit parang iba ka ngayon,hmm?" tanong ko sa kanya na ikinabigla niya.

"Baliw, sari-sari ka na eh. Matagal lang kasi tayong di nagkita."

"Weh?"

"Oo nga."  ngumiti nalang ako sa kanya. Parang hindi na kasi s'ya yung Hana na kilala ko.

Napatingin naman ako sa pinto nang may pumasok na mga lalaki. Sila Matt at Andrew and..wala na?

"Si Lucas?" I asked. Nagtaka naman ang mga ito.

"Ewan, di naman namin kasabay eh." si Andrew ang sumagot kasi si Matt umupo na. He looked pale. Parang ang tamlay na tamlay ni Matt ngayon.

"Talaga? Di n'yo kasabay si Lucas?" muli kong tanong.

"Oo nga, bakit baka mamaya pa yon." napailing ako. Hindi pwede kasi umalis na siya sa kanila diba sabi ni Tito?

Tumayo ako at lumabas sa room. Bakit ako tumayo? Hindi ko rin alam. Bakit ba ko curious kung nasaan si Lucas? Ano bang pakialam ko?

Babalik na sana ako sa room pero malayo na pala ang nalakad ko. Nasa may cafeteria na pala ako. Ganon ba ako kabilis maglakad?

Pinili kong bumili ng makakain. Hindi na rin ako nakapag-almusal matapos ng mga nangyari sa bahay. Parang ang awkward nang gumalaw lalo na't galit si Mama tapos si Kuya ganon ang lagay.

"Kuya isa pong ham and cheese." sabi ko at inabot iyong bayad. Binigay naman sa akin yung binili ko at iyong sukli.

Lumabas na ako sa cafeteria at napansin ko iyong pamilyar na mukha sa may photocopy-han.

Si Lucas at babae?

Kinusot ko pa iyong mga mata ko para makita kung totoong si Lucas iyon at totoo nga! Si Lucas!

Dahil wala akong hiya, pinuntahan ko kung saan sila naroroon.

"Hoy Lucas!" tawag ko sa kanya. Para namang gulat na gulat siya nang makita ako. Bumaling naman ako ng tingin sa kasama niya.

Ka-height ko lang siya. Tisay siya at singit. Naka-nursing na uniform. Ngumiti naman ako doon sa babae. Nice choice Lucas ah.

"O-oh Ali. Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Lucas.

"Bumili lang ng makakain. Ikaw? Dinaanan kita sa inyo tapos sabi ni Tito umalis ka na raw akala ko nasa room ka na tapos nandito ka lang pala." sagot ko. Napakamot naman siya ng batok niya. Pansin kong nakatuon lang ng tingin iyong babaeng kasama niya sa amin. Bigla naman akong nahiya.

"Ay sorry po,  hello po pala! I'm Ali kaibigan po ni Lucas." bati ko sa kasama ni Lucas. I don't want her to feel that I am snob. Baka ipagkalaf niya pa na di ako namamansin.

"Hi, I'm Corielle. Nice to meet you." at inabot niya ang kamay sa kin. Ramdam ko naman ng pagkakahawak ni Lucas sa balikat ko.

"Oh sige na Riel, alis na muna kami may class na ata. Mamaya na lang." paalam ni Lucas kay Corielle. Tumangon naman si Corielle kay Lucas.

"Sige lang Lucas, don't mind me. Pasok na kayo baka malate pa kayo." she waved at us and then she left.

Tumingin naman ako ng masama kay Lucas. Kasi naman nananakit na ang balikat ko kakapisil n'ya.

"Bakit ka ganyan makatingin?"

"Tanga! Alisin mo kasi 'yang kamay mo sa balikat ko di naman patungan itong balikat ko para sa mabigat mong kamay." napatawa naman siya saka inalis iyong kamay niya. Salamat naman.

"Bakit mo nga pala ako pinuntahan sa bahay, ha?" tanong ni Lucas habang naglalakad na kamj papuntang room.

"Sasabay sana ako."

"Huh? Bakit naman?"

"Marami na kasing bad guys ngayon. Mamaya matangay nalang akong bigla." paliwanag ko. Ayaw ko munang sabihin yung nangyare kay Kuya. Let's keep it private muna sa ngayon.

"As if naman may magtangkang humila sayo." isang hampas naman ang sumagot sa kanya.

"Gago." tumawa muli ang loko.

"Kaya naman pala maaga kasi may nililigawan na." out of the blue na sabi ko.

"Huh? Nililigawan?"

"Bobo talaga, si Corielle hindi ba?" sagot ko. Maangmaangan pa itong si Tanga.

"Hindi ko nililigawan si Corielle para sa ikapapanatag ng loob mo." napangisi naman ako sa pahayag niya. As if big deal yun sa akin.

"Patawa ka talaga. Wala naman akong pakialam kung may nililigawan ka pa or what so ever 'no. I just predicted what I observed." I hissed. Mukhang di naman siya convinced.

"Sure, selos ka ata kay Corielle eh." pang-aasar pa niya at sinundot pa ang tagiliran ko. Pinanliitan ko naman siya ng mata.

"Selos? Ako? As if naman may gusto ako sayo. Friends only." nakapikit na pinag-ekis ko pa ang mga kamay ko para ipakita sa kanya na tutol ako sa sinasabi niya.

Pero nagmukha naman akong tanga kasi iniwan na pala ako ng gago.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon