Chapter 21

84 8 0
                                    

Day 3 na ngayon nung week-long celeb ng foundation week. Ngayong araw naman, sa sports naman ang pagtutuunan ng pansin. Syempre yung mga mahilig lang sa sports iyong mag-eenjoy.

Nasa room lang kami, nakatambay. May ilan akong kaklaseng nasa loob, lahat tulog. Tanging yung speaker lang ni Hana iyong maingay kasi nag papatugtug s'ya ng music na di ko naman maintindihan ang lyrics. Pero nakakaengganyo iyong beat.

"Heat you with that ddu du ddu." pagkanta ni Hana with matching dance steps. In fairness english iyong part na 'yun. Yung kinakanta kasi kanina ni Hana hindi ko maintindihan. Parang gumagawa lang din s'ya ng sarili n'yang lyrics.

Natapos na iyong kanta tapos iba naman iyong tumugtug, parang lalaki naman iyong kumakanta.

"Fake Love, Fakey Loveeeeee!" kanta ulit ni Hana saka sumayaw ulit. Napangiwi naman ako, para s'yang kiti-kiti eh.

Nasa kalagitnaan ng pagsayaw si Hana ng biglang may pumasok. Napatawa ako kasi naabutan nilang sumasayaw si Hana. Nilingon namin yung mga dumating.

"BORING!" sigaw nung bagong dating. Yung tatlong ugok pala. Nakita ko na naman si Lucas nanlilisik ang mata ko sa kanya. Hindi ko parin malimutan iyong pambibwisit n'ya sa akin nung isang araw. Palihim ako tumingin s'ya kan'ya. Kitang kita ang pagkaasar sa mukha n'ya.

"Sali ako mamaya sa practice game, bukas pa ang official na laro diba?" sabi ni Matt hawak pinapaikot iyong towel n'ya. Napatingin din ako kay Hana na namumula ngayon, paano ba naman naabutan s'ya nila Matt na sumasayaw.

"Game din ako, ikaw Master?" tanong ni Andrew kay Lucas, lumingos ng tingin sa akin si Andrew parang nanloloko.

"Sige lang..." rinig kong sagot ni Lucas saka umubub. Iniwas ko nalang ang tingin sa kanila at naglaro nalang ng cellphone.

Nagkakaabutan na pala kami ni Kuya ngayon, akala ko naman kung napapano na s'ya pero kagaya pa rin naman s'ya ng dati, syempre nakakaparanoid lang kasi dati panatag ang loob kong nag-aaral lang s'ya sa kwarto n'ya tapos ngayon wala na pala talaga s'ya, nag-aalala rin naman ako baka kung nasaan na s'ya. Pero mukha ayos naman s'ya kaya ayos na rin ako dun.

Kinuha ko na ang gamit ko saka napagpasyahang lumabas, tinanong din ako ni Hana kung saan ako papunta sinabi kong magc-cr lang ako kahit hindi ko naman alam, bahala na kung saan ako tahakin ng mga paa ko.

Nang nakababa na ako sa building, kaunti nalang ang taong nag-iikot ngayon, siguro nag-eensayo na sila para sa sports mamaya.

Napagpasyahan kong pumunta muna sa booth namin, baka wala na namang nagbabantay doon.

Lumiko ako at nakita ko na agad iyong booth, may ilan namang nabili. Minadali kong pumunta sa pwesto namin nang makita ko kubg sino ang nagbabantay doon.

"Kuya, pwedeng pa-first pic itong kaibigan namin? Crush ka nito eh!!" sabi nung babeng nabili. Hawak-hawak n'ya iyong phone n'ya sabay tulak doon sa babae pulang pula na ang mukha ngayon.

"Sige..." nahihiyang sambit ni Zachary saka tumabi dun sa babae. Tumili naman iyong babaeng magpipicture sa kanila samantalang iyong babae ay sasabig na ata iyong mukha sa sobrang kapulahan.

"Huy, luka wag ng pabebe ah! Sige smile!!" sabi nun. May iba pang bumibili kaya pumasok na ako sa booth para pagtindahan sila.

"Hey, you're here. Sorry napabayaan ko na ang pagtitinda, ayaw ko lang maging rudr sa kanila." paliwanag ni Zachary nung matapos ang picturr taking nila dun. Nginitian ko s'ya.

"Ano ka ba, okay lang! Ang dami mo palang fangirls ah," natatwang sabi ko at sinuklian nalang din n'ya ng ngiti.

May ilan pang taong bumili kaya pinagtindahan naman namin ang mga 'yun hanggang nawala na sila.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon