Chapter 22

104 9 3
                                    

Bumalik muna ako sa room para kuhanin ang gamit ko, wala ng tao siguro alam rin nilang may practice game ngayon. Mabilis kong kinuha iyong bag ko at tumakbo palabas.

Hinahabol ko na ang aking hiningan noong malapit na ako sa court. Inilagay ko iyong mga kamay ko sa aking tuhod. Tanga-tanga din eh, hindi naman ako excited mapanood iyong laro 'no?

"Haggard na ate girl?" bungad sa akin ni Hana nung makalapit s'ya sa akin. May hawak hawak pa s'yang cotton candy.

Inayos ko naman iyong tayo ko at hinawi sa gitna ang aking buhok at naglakad na papasok. Sumunod si Hana sa akin.

"Bakit ba kasi tumakbo? Naku, ikaw ha! Sino naman 'yung susuportahan mo doon? Hm?" sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Paissue, tumigil ka nga d'yan." sambit ko saka tuluyan nang pumasok sa loob ng court. Buong business ad ay nandito, lahat ng year. Siguro kasama rin 'yung mga higher year sa binuo nilang grupo. Natanaw ko agad si Zachary dahil nakatayo s'ya at nagpupunas ng kanyang pawis. Tumingin din ako sa kaliwa, kung saan nakapwesto ang kabilang team. Si Matt at Andrew ay nagpapasahan ng bola habang si Lucas naman ay nakaupo at nakalagay ang tuwalya n'ya sa kanyang balikat.

Napansin ko naman ako lang ang nakaupo dito sa dulo. Nasaan naman iyong babaitang iyon?

"Ali! Dito ka dali!!" bumaba naman ang aking tingin kung saan naroroon si Hana. Alam n'yo ba kung saan? Doon sa may bench ng team nila Matt, baka nag part-time coach muna s'ya, tss.

Syempre ayaw ko naman magmukhang loner dito, bumaba ako para doon pumwesto. Isantabi muna ang pride, Ali. May libre pagkain dun sa tabi nila kaya dun ka muna.

"Yan, bababa ka naman pala eh!" sabi ni Hana sa akin ng makababa ako. Inirapan ko naman s'ya. Nakuha naman nung pagbati sa akun ni Hana ang atensyon nung team ni Lucas, kaya ayon tumingin din.

"Ali! Cheer for me ha!" bati sa akin ni Andrew, binatukan naman s'ya ni Matt.

"Naku, wag mo 'tong ichecheer Ali! Hindi rin naman 'to makakashoot." sabi naman ni Matt at binatukan naman s'ya ni Andrew. Habang nagbabatukan sila ay napatingin naman ako kay Lucas. Nakatingin siya kila Matt saka bumagsak ang tingin sa akin. Iniwasan ko s'ya ng tingin, bahala s'ya!

Nag-umpisa na 'yung laro. First five si Zach sa team nila. Sayang, dapat pala dumaan din ako sa bench nila. Ewan ko lang kung nakita n'ya ako dito. Syempre ayaw ko namang maging bias, wala naman akong pinapanigan sa game na 'to cause it's just a practice game and duh? Parehas kayang business ad 'tong malalaban.

Hindi naman kasali si Lucas sa first five, si Matt lang iyong nakasali kaya naman abot tenga na naman ng ngiti ng katabi ko. Nakakapagtaka lang bakit hindi s'ya nakasali eh nung tinuruan naman n'ya ako dati hmm...okay naman s'ya. Baka di pa rin iyon pasa.

Nakakapagtaka naman iyong sinabi nung bulldogs kanina tungkol kay Zach, magaling daw maglaro eh. Well, let's see.

So yun, nasa court na iyong dalawang team, bali may color pala sila; Sila Zach ay red at blue naman kila Lucas. May ilan ding pamilyar na mukha sa mga kateam nila, yung ibang mga second year at yung ibang kaklase ni Ate Kat.

Si Zach ang nagdadala ng bola ngayon, grabe ang galawan n'ya dito. Magaling s'yang magdala ng bola, he moves slowly but surely at napaka kalmado lang din n'ya. Ipinasa n'ya dun sa bakante n'yang kakampi para s'ya naman ang makahanap ng paraan para maiwasan iyong kalaban n'ya. In one swift move, nasa three point line na agad s'ya saka ipinasa sa kanya nung kakampi n'ya iyong bola para makagawa ng puntos.

Hindi ko inaasahang mapapasigaw ako. Ang galing eh! Though naabisuhan na naman ako na marunog s'ya n'yan pero hindi ko naman ineexpect na ganyan s'ya kagaling. Jusko, hindi lang isang puntos ang nagawa n'ya. Lamang sila ngayon kila Lucas.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon