Chapter 33

68 5 0
                                    

"I need to submit a xerox copy of this one and this-oh." Napatigil naman si Corielle sa pagsasalita nang napansing huminto si Lucas. Tumingin s'ya sa akin at ngumiti.

Marunong akong magsegregate ng mga jestures sa akin kaya ilalagay ko iyon sa di-nabubulok. Ang plastic eh.

Pangalawang beses ko pa lang s'ya nakikita tapos gan'yan? Ginagawa n'ya?

Imbes na idagdag ko pa 'yun sa isipin ko, hinarap ko nalang si Lucas.

"Lucas, nag-shift ka raw ah." pauna kong sabi sa kan'ya. Nanatili pa rin s'ya nakatingin sa akin. Nakakailang s'yang tumingin. Parang tutunawin ako ng walang emosyon n'yang mga mata.

"Yup, He's an engineering student now. Finally, his dream course!" dream course? Wala akong alam na pangarap n'ya palang maging engineer. 'Di ko rin alam na Corielle na rin ang pangalan ni Lucas. Anong problema ng babaeng ito at s'ya ang sumasagot.

"Ah talaga? Sayang naman 'yung first sem na ginugol mo sa business ad." sabi at at direkta ring tumingin sa kan'ya.

"Okay lang 'yun, sinayang rin naman s'ya noong pinagu-" bago pa makasagot 'yung epal na 'yun, hinawakan na ni Lucas ang kamay n'ya. Halata namang nabigla si Corielle. Sa harap ko pa talaga nag-holding hands?

"Tara na, Riel." tanging nasambit ni Lucas at nilagpasan na ako. Kasama n'ya.

Nagtataka kong tiningnan ko ang dinaanan nila. Nagtatampo ba s'ya dahil hindi ko s'ya sinipot?

Kung alam n'ya lang ang nangyari.

Nasa loob na ako ng student center para magbayad ng fees. Mahaba ang pila gaya na rin ng nakasanayan. Inilabas ko sa envelop ang mga ipapasa ko dito para madali nalang ibigay. Nang maayos ko na ay nahagip ng mata ko ang pamilyar na dadating.

"Hana!" siniglahan ko ang bati sa kan'ya at hinawakan ang kan'yang braso. Halata namang nagulat s'ya. Naipatak n'ya pa ang mga papel na hawak n'ya. Tinulungan ko naman s'ya sa paglilimot at napagtanto kung ano ang mga papel na yun.

"Aalis ka?" mahinang tanong ko kay Hana pero imbis na sagutin ay mabilis n'ya kinuha ang papel sa aking kamay. Halos mapunit na iyon. Mabilis din s'yang naglalad palabas.

Sigurado akong permit to transfer iyong nakita ko. Bakit naman lilipat si Hana? Bakit ang daming umaalis?

Lahat nalang umalis.

***

Natapos ko na ang lahat ng errands ko sa school pero ayaw ko pa rin umuwi. Nasa eskwelahan pa rin naman si Abi ngayon at si Kuya rin. Si Mama naman, siguro inaasikaso na ulit iyong mga negosyo namin. Sabi rin kasi n'ya noong isang araw,
wala rin naman daw mangyayari kung patuloy lang kami sa pagmumukmok. Ano nalang ang kakainin namin kung ganon?

I admire my mother for being like that on these circumstances.

Umupo muna ako sa bench para icheck ang cellphone ko. Ichachat ko si Lori.

To: Lori

Hoy! Free ka ba ngayon?

Nagbrowse muna ako ng facebook habang di pa s'ya nagrereply.

From: Lori

Hi Gaga! Hindi eh! Nasa bakasyon pa ako ngayon hekhek.

Medyo nadisapppoint ako sa sagot ni Lori. Sabagay, hindi ko pa kasi nakwekwento sa kan'ya ang mga nangyari sa akin.

Nag-okay nalang ako sa kan'ya at pinatay ang cellphone ko.

Ang hirap naman ng kakaunti ang kaibigan, 'yung tipong kailangan mo ng kasama it's either busy sila o kaya naman galit pa sayo.

Naalala ko na naman si Lucas. Kailangan ko pang ayusin 'yung sa aming dalawa. Bat naman kaya 'yun ganon nalang kung magtampo sa akin. Nakakaasar naman.

Kung kailan naman kailangan kita, Lucas.

Inayos ko na ang gamit ko para umalis. Wala uuwi nalang ako sa bahay, tutulog nalang ako.

Habang naglalakad papuntang gate halos tumalon ang puso ko ng may umakbay sa akin. Iritado ko namang tiningnan ko sino 'yun pero masyado pang mataas ang araw at hindi ko s'ya maaninag.

"Hi." Zachary bluntly said. Napakunot naman noo ko. Kinuha ko 'yung mga kamay n'yang nakapanot sa balikat ko at pinilipit iyon.

"Ah! Bakit?!" gulat na tanong n'ya pero hinampas ko pa s'ya envelop na hawak ko.

"Bwisit ka! Muntik na akong atakihin sa puso gago!"

Imbes na sumagot ay niyakap n'ya ako. Bigla.

Dito yata mas aatakihin ako sa puso.

Kakairita bakit ramdam kong mabilis ang tibok ng puso ko ngayon! Lumingon-lingon ako sa paligid at medyo maraming tao! Baka pagkamaalan pang PDA.

"P-Pwede bang bitiwan mo na ako? Nakakahiya ang daming tao..." sabi ko. Ang higpit rin kasi ng yakap ng isang 'to. Mukha ba akong teddy bear?

"Okay ka na ba?" malambing na taning n'ya. Wala pakialam sa sinabi ko. Hinagod n'ya pa nga 'yung likod ko.

Bakit nag-iinit ata ang pisngi ko?

"M-Medyo..." naiilang kong sagot. Unti-unti naman n'ya akong binitawan. Ngumiti s'ya sa akin at inilagay n'ya ang kamay sa ulo ko para guluhin ang buhok ko. Pagkatapos n'on at hinawakan n'ya ang kamay ko.

"Okay, let's go." para namang may sariling buhay ang paa ko para sumunod sa kan'ya.

***

"Ano palang ginagawa mo sa school kanina? Kita ko sa checklist nakapag-enroll ka naman noong isang araw ah." sabi ko tapos nilantakan ko na ulit 'yung ice cream.

Nandito pala kami sa malapit na mall dito sa school. Pagkapasok pa lang namin ay dito na kami dumiretso. Pangalawang beses na namin 'tong ice cream ng magkasama. Ang kaibahan lang noong una ay mali ang hinala ngayon tama na. Masa masakit kaya dapat isang baldeng ice cream ang kainin ko.

"Bakit? Is it bad to go to school?" sagot n'ya at tumingin sa akin. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kan'ya. Ewan ko ba't ba ako naiilang.

"Hindi naman." tanging sagot ko at kumain ulit ng ice cream at ngumuso. Maya-maya ay may lumapat na tissue sa bibig ko.

"Linisin mo nga 'yang bibig mo. Ang dumi na." sabi n'ya. Kinuha ko naman iyong tissue at pinunasan 'yong bibig ko. Kakahiya naman dito kay Mister Clean.

"So how's you're fam now?" pambabasag ni Zach sa katahimikan. Ubos na ang ice cream ko kaya inuuhaw na ako.

"Hindi pa rin okay pero wala na masyadong umiiyak." sagot ko at kinuha 'yung tubig na binili n'ya kanina. Hindi naman n'ya iniinom kaya ako nalang ang iinom.

"Your Dad? Nagkapag-usap na ba ulit kayo?" tanong ulit n'ya at agad naman akong umiling.

"Hindi pa. Mula nung umalis s'ya no'ng gabing 'yun, wala ng paramdam sa amin. Ang sabi kasi n'ya sa amin noon, sa Cebu s'ya nakadestino kaya baka doon nakatira yung kinakalantare n'ya." sagot ko. Medyo nayupi naman ang bote kasi napisil ko pala 'yun. Wala naman akong narinig na tugon sa kan'ya.

"Sorry pala sa mga use of words ko ha. 'Di ko mapigilan makapagsabi ng ganon lalo na't appropriate naman sa sitwasyon." tumingin ako sa kan'ya para makita ng reaksyon n'ya pero kanina pa ata s'yang nakatingin sa akin.

"It's okay, I understand." sagot n'ya at umiwas na ulit ako ng tingin.

"Ah...sorry din kung wala ako masyadong masabi sa'yo. I haven't come with the same situation and I don't know what can I feel kung gan'yan ang situation ko. All can I do is to stay by your side." sinserong sagot ni Zachary. Napangiti ako do'n sa huli n'yang sinabi.

Thank you for always staying with me even I don't ask you to, Zachary.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon