Chapter 32

83 8 0
                                    

A week later...

Naging tahimik ang lahat pagkatapos ng linggong yun. It was a silent new year, for me. How ironic. Dapat magdiwang ang lahat dahil bagong taon na, pero ano bang ipagdiriwang namin?

Hindi naghiwalay sila Mama at Papa pero parang ganon na din ang sitwasyon ngayon. Pagkauwi ko noong gabing 'yon, sobrang gulo ng bahay. Nagkalat ang mga basag na vase, pinggan, baso at kung anu-ano pa. Ang ilang damit din ni Papa ay nagkalat sa bahay namin. 'Di ko na rin naabutan si Papa sa bahay.

Parang punagsakluban ng langit at lupa ang ina ko noong panahong 'yon. Actually, until now 'di pa rin s'ya makausap ng ayos. She's always been faithful to him, all the time tapos ang isusukli lang sa kan'ya ay panloloko?

She don't deserve all this damn things for pete's sake. 'Di ba talaga sapat ang magmahal ng isa at kailangang dalawa pa talaga? Mas mahal ba talaga kapag dalawa sila.

I really hate cheaters at di ko inaasahang makakasama 'don ang sarili ko pa talagang ama.

Lumabas ako ng kwarto para puntahan si Abi. Isa rin ito sa ikinakaba ko. Isang linggo ng 'di nagsasalita si Abi. Pagkatapos yata niyang makita ang pag-aaway nila Mama. Sa pag-alis kong 'yon nakalimutan kong naiwan pala si Abi. 'Di ko na rin naisip 'yun dahil sa emosyong namuo sa akin. Nasasaktan ako para sa kan'ya. 'Di n'ya dapat nararanasan ang mga ganto. She's still very young for this kind of issues. Lalo na't tungkol sa pamilya. She deserve a complete family. We deserve a complete family.

Napayukom na naman ako ng kamao ko dahil sa nararamdaman. Galit. Ayaw ko ng magpalamon sa galit.

"Abi..." masuyo kong tawag sa kan'ya habang binubuksan ang pintuan ng kan'yang silid. She's still sleeping.

Lumapit ako at umupo sa kama n'ya. Nakatalikod s'ya sa akin kaya 'di ko makita ang kan'yang mukha. Pero alam kong umiyak na naman s'ya kagabi. Nagkalat ang mga laruan n'ya sa kwarto. Iyong teddy bear naman na bigay ni Papa ay nasira na. Rinig ko ring sigaw s'ya nang sigaw kagabi. Wala rin naman akong magawa kundi umiyak.

"Abi..." muli kong tawag sa pangalan n'ya. Namumuo na naman ang luha ko. Agad ko iyong pinunasan. Not now. Kailangan ko munang maging matapang para sa kapatid ko.

Niyakap ko s'ya. She really need this. 'Di n'ya dapat nasaksihan ang mga ganong pangyayari.

Tahimik lang ang mga dumaang sandali ngunit may narinig akong iilang hikbi mula kay Abi. Gising na s'ya.

"Abi...nandito na si Ate." halos mabasag ang boses ko nang masabi ko 'yan sa kan'ya. Lalo tuloy lumakas ang pag-iyak n'ya.

"Ate..." ngayon ko nalang ulit narinig ang boses n'ya dahil sa pagtawag n'ya sa akin. Ang saya-saya n'ya pa noong isang araw eh.  Napaupo naman ako para tingnan s'ya. I smiled, pinilit ko. Nakakapanibago talagang makita s'yang ganito. She's always a cheerful kid. Kahit makulit s'ya minsan. Unti-unti rin naman s'ya napaupo at doon niyakap ko s'ya ulit.

"Tahan na Abi..." tanging nasambit ko sa gitna ng kan'yang mga hikbi.

"A-ate..si–sila Ma–Mama..." di na n'ya natuloy ang pagsasalita n'ya dahil sa pag-iyak.

"Sila Ma-Mama at Pa-papa...nag-away...si-si Ma-Mama nag-wa..nag-wala..da-dahil si Pa-Papa...ma-may i-ibang pa-milya..." sabi ni Abi na muli namang nagpaluha sa akin. Naalala ko na naman iyong larawan ng pangalawang pamilya ni Papa. Napakasakit.

"Ate..di ba tayo ma-mahal ni Pa-Papa? Bakit n'ya tayo pinagpalit? Bakit n'ya tayo iniwan?"

"Shh, hindi yan totoo Abi." miski ako ay napailing sa mga sinabi ko. Pero ayaw ko namang tuluyan na s'yang magalit kay Papa. Na masira na talaga ng tuluyan ang imahe n'ya sa bunso n'yang anak.

"Hindi Ate..na-narinig ko pinapili ni Mama si Papa...Kung yung isa n'yang pamilya o tayo. Umalis na daw si Papa kung 'yung isa n'yang pamilha ang pipiliin n'ya. Ta-tapos umalis nga s'ya..." muli na namang umiyak si Abi. Kahit ako'y di matapos ang pag-agos ng luha dahil sa mga pinahayag n'ya.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago ko s'ya pinakawalan sa pagkakayakap.

"Ang daya-daya naman kasi...ate. Buti kayo ni Kuya matagal n'yo nakasama si Papa...pero ako, mula nung nagka-isip na ako..minsan ko lang s'yang makita...siguro mas maswerte pa 'yung anak n'ya doon sa isa n'ya pang pamilya..punong-puno ng pagmamahal ni Papa..." pilit akong ngumiti sa kan'ya at inayos ang mga buhok na nakaharang sa kan'yang mukha.

"Wag kang mag-alala, super love ka kaya namin. Hindi-hindi ka namin iiwan, pangako." sabi ko habang sinusuklay ang kan'yang buhok gamit ng aking kamay. Marahan naman s'yang tumango.

"Magiging maayos din ang lahat, Abi."

***

Nag-aayos ako ngayon sa kwarto ng gamit na aking dadalhin para sa mamaya. Pupunta kasi ako sa school para magpa-enroll for second sem. Ayaw ko man, kailangan dahil for late enrollees na nga ako magpapaenroll. Noong nakaraan pa ang mismong enrollan namin kaya lang 'di ako nakapunta dahil nga sa mga nangyari.

Nang makumpleto ko na ang mga dadalhin, bumaba na ako. Naabutan ko namang naghuhugas ng pinggan si Kuya.

"Anong oras ka ng umuwi kagabi?" tanong ko sa kan'ya at inilapag ang pitsel sa mesa. Kumuha ako ng baso para magsalin ng tubig.

"Mahalaga pa ba 'yun? Basta nandito na ako." sagot naman nito.

Mas lalo atang naging malamig si Kuya dahil sa nangyari. Hindi naman na bago iyong lagi s'yang wala pag gabi pero delikado na kasi lalo na't may nangyari na sa kan'yang masama. Pero siguro alam na naman n'ya ang tama't mali. Marunong din naman si Kuya makiramdam, 'di na 'yun dadagdag sa gulong nangyari ngayon.

Nang maubos ko ang tubig ay nagpaalam na ako sa kan'ya pero di naman s'ya umimik. Pinabayaan ko nalang.

Mag aala-una na nang makarating ako sa school. As expected, kakaunti na lang ang tao. Huling-huli na nga ata ako. Lumapit ako sa encoder para ipasa ang requirements ko.

"Pakipirmahan nalang sa tabi ng pangalan." direksyon nung encoder. Madali lang mahanp ang pangalan ko dahil nasa una naman. Lahat nga ay may pirma na. Kahit si Zach nakapagpaenroll na rin.

Pero may pangalan akong hinahanap. Bakit wala dito sa list?

"Ah, pwede pong magtanong?" tiningnan naman ako agad nung encoder.

"Bakit po wala si Gatchalian?" tanong ko. Kinuha naman nung encoder 'yung papel.

"Lucas Gatchalian ba?"

"Opo."

"Ah, nag-shift. Nanghihinayang nga ako sa batang 'yun. Wala namang bagsak pero lumipat. Sabagay baka gusto ng bago challenge."

I awkwardly smiled at the encoder. Kinuha ko na ulit yung mga papel ko. Bakit naman kaya  lilipat si Lucas. Ako ang naghihinayang sa kan'ya. Sayang naman iyong sem. Anong course naman kaya sa lumipat?

Sa pag-iisip di ko namamalayang nandito na pala ako sa harap ng cashier.

At di ko rin namalayan na ang laman ng isip ko ay nasa harapan ko na rin.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon