Chapter 15

89 7 2
                                    

Nakatangla lang ako sa bahay ngayon. Sabado at ito na yung pahinga ko after a supeeer stressed week ko. Pasado alas-onse na at nasa kwarto lang ako ngayon at nagbabasa ng libro.

Nagtataka rin ako kasi wala pang pinapadeliver sa akin si Mama! Hindi kaya nalugi na kami tapos hindi na mabenta yung leche flan ni Mama?

Dali-dali akong tumayo at binuksan yung pinto. Tatanungin ko si Mama. Pero nung binuksan ko yung pinto, nakasalubong ko si Abi.

"Abi! Saan si Mama?" sabi ko at halatang nagtataka ito dahil hinahanap ko si Mama.

"Nasa baba. Uhm, wait lang Ate. Pw—pwede ba kitang makausap?" nanliit naman ang mata ko sa sinabi nya.

"Nag-uusap na tayo ngayon."

Inirapan nya ako at saka hinarap ulit.

"Yung ano...uhm, pasok muna tayo." sabi nya at pumasok sa kwarto ko. Weird.

Pagkapasok namin sa kwarto ko, umupo sya saka niyakap yung teddy bear ko. Ako naman nanatiling nakatayo at nakahawak ang dalawang kamay sa bewang.

"Anong pag-uusapan natin? Weird mo ngayon, Abi."

"Weird? Ganon siguro broken hearted." broken hearted?!

Umupo ako sa kama ko tapos nakatungo pa rin si Abi at nilalaro yung paa nung teddy bear ko.

"Anong pinagsasabi mo dyan, Abigail Rian? Broken broken ka dyan!" sigaw ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin...bakit sya umiiyak?

"Ate naman! Kaya nga ako lumapit sayo kasi akala ko makakatulong ka sa akin." sabi nya at umiyak. Hagulgul na iyak.

"Huy, tumigil ka nga dyan sa pag-iyak! Saka bakit ka ba umiiyak? Ano bang problema ha?" medyo tumahimik na rin sya at nilaro ulit yung paa ng teddy bear ko.

"Ano kasi, Ate...wag mong ipagsasabi kina Mama ha,"

"Oo na, ano nga!" sabi ko. Naiintriga na talaga ako.

"Kasi...kasi..ate!!!" nagulat naman ako ng niyakap nya ako at umiiyak pa rin. Tinapik ko naman ang likod nya at nagtataka pa rin sa nangyayari.

"Ano nga kasi, Abi? Nandito lang si Ate, makikinig sayo." malambing kong sabi. Tumigil naman sya sa pag-iyak at humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Kinuha nya yung cellphone nya sa bulsa nya saka may pinakita sa akin.

Picture nung isang poging lalaki tapos may kasamang babae, maganda naman.

"Hm, ano yan? I mean sino sila?" tanong ko.

"Si Clifford yan tapos yung babae si Lexie." okay, hindi ko naman kilala yun pero...Clifford sounds familliar.

"Clifford...yun ba—"

"Pinagpalit nya ako Ate! Niloko nya ako! Sabi nya love nya ako pero hindi Ate. Ginamit lang nya ako para mapalapit kay Lexie! Ang sakit Ate, sa lahat sa best friend ko pa talaga? Best friend ko si Lexie at alam nyang gusto ko si Clifford pero pumatol pa rin sya! Ang sama nila..ang sama sama nila, Ate!" literal na nanlaki ang mata ko sa confession ni Abi. Yun, umiiyak pa rin sya.

"Uhm..wait lang, kayo ba nung Clifford?" tumahimik naman sya at pinanusan iyong luha nya at tumingin sa akin.

"Sabi nya love nya ako tapos parang naramdamn kong love ko na sya. Hindi ko alam Ate. Pero alam kong nagmamahalan kami." gusto kong matawa sa sinabi ni Abi pero niyakap ko nalang ito para maitago iyong ngiti ko. Jusko, dose pa lang sya. Anong love love na yan.

"Tumigil ka na nga dyan sa pag-iyak. Hindi sya worth it para iyakan mo." sabi ko sa kanya. Kumalas naman sya sa pagkakayakap sa akin saka tumingin. Nginitian ko nalang sya.

"Alam mo Abi, hindi pa yan love. Hindi nyo pa alam ang totoong meaning nun." sabi ko sa kanya nagtaka naman syang tiningnan ako.

"Hindi Ate, alam ko yun. Love kapag may nararamdam ka na sa kanya. Kapag nandyan sya hindi ka na mapakali. Gusto mo palaging maganda ka kapag nandyan sya. Kapag lumapit sya parang nagrarace yung puso mo. Kapag kausap mo sya masaya ka. Hindi ba ganon yun, Ate? Na love na yun? Kaya alam ko yun Ate." sabi nya.

Ano nga ba ang totoong meaning ng  love?

Kahit ako naman, hindi ko rin alam.

But I don't believe na kapag gusto nyo na ang isa't isa, love na agad yun.

I never experience this situation. I never been inlove or being loved by someone. I don't know. Ano ba yung love?

Argh! Hindi ako yung tamang tao pinagtatanungan nitong si Abi eh. Buti pa sya maraming alam sa pag-ibig na yan.

"Uhm, siguro Abi ganon nga yung nararamdaman mo. But I don't think that's love. Kasi kapag mahal ka, hindi ka dapat sasaktan." yeah. I think ganon nga. Kasi bakit mo sasaktan kung mahal mo naman? Ano naggagaguhan lang tayo, ganon?

"Saka hindi pa yan totoo kasi naman bata pa kayo, duh?" sabi ko sabay pitik ng noo nya. Napa-aray naman sya dun.

Grabe, ganito na ba ang mga bata ngayon? Dose anyos palang, pag-ibig na agad ang pinroprobroblema?

"Bakit, Ate? Kapag bata ba bawal na magmahal?"

"Pwede, pero magulang muna dapat ang minamahal. Hindi kung sino. Hay naku Abigail pinapasakit mo ang ulo ko." sabi ko sabag hawak sa sintido ko. Nakakasakit ng ulo yang love na yan ha.

Niyakap nya ulit ako, hindi na sya naiyak. Niyakap ko naman sya pabalik.

"Hayaan mo nalang yun. Bahala sila kung iyon ang gusto nila. Bata pa sila kaya maghihiway din yun," ops, bitter ang lola.

Tinapik ko iyong likod nya. "Saka, jusko Abi. Elementary ka pa yan na agad. Mag-aral ka muna, neng. Saka na yang lovelife. May tamang panahon para dyan. Saka hayaan na lang natin na si God ang magplano sa atin, wag tayo ang magplano para sa sarili natin." sabi ko at tumango sya. Humiwalay sya sa akin. Ginulo ko naman iyong buhok nya.

"Thank you, Ate. Sorry, ngayon lang ako lumapit sayo tapos lumapit pa ako dahil may kailangan ako. Sorry din kung lagi kitang natatarayan." nginitian ko naman sya dun. Ngayon nga lang pala kami nagkalapit ni Abi ng seryoso. Nakakatuwa sa feeling kasi nag-open sya sa akin.

"Okay lang. Isa pa palang tip, iblock mo na sa facebook at messenger para di ka na maichat. Saka ano gusto mo, pasuntok natin kila Kuya."

"Hala, wag mong sasabihin kina Kuya!" sabi nga at napatawa naman kami.

"Ang galing mo Ate, parang totoo yung sinabi mo sa akin. Na-inlove ka na ba?" sabi ni Abi.

Agad naman akong napa-iling. "Hindi pa 'no! Itigil mo nga yang pang-iintriga mo sa akin. Sumbong kita kina Mama eh."

"Ate!!" sigaw ni Abi at binelatan ko naman sya.

Siguro hindi ko pa alam ngayon ang pag-ibig, pero alam kong isang araw pag may dumating na tamang tao at naramdamanan ko iyon, pag-ibig na nga siguro yun.

*

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon