Chapter 6

177 12 12
                                    

"Ate, paulit-ulit ka na nyan eh! Saka alam mo namang makulit din si Mama." kanina ko pang pinapaalalahanan si Abi ng mga gagawin sa ospital. Sya lang kasi ang magbabantay ngayon kay Mama. And knowing my mom, ayaw nya ng inaalagaan sya at may nag-aalala sa kanya. Sabi nga nya ay magpapagaling daw sya agad. Hospital is the worst place for her.

"Oo na. Basta ha, yung mga gamot. Abi ha." sabi ko ulit pero tinulak na nya ako palabas ng kwarto at sinaraduhan na nya ang pinto. Bitchesa si Abigail!

Naglakad na ako palabas ng ospital. Isang sakayan lang naman mula dito hanggang school eh.

"Para po!!" sigaw ko sa jeep na sasakyan ko. Buti naman at tumigil. Minsan kasi di tumitigil eh.

Nagcellphone muna ako dahil kahapin ko pang di binubuksan ang phone ko.

"Hala." sandamakmak na text galing kay Matt pati kay Lucas. Isama na rin natin yung kay Hana.

Iniimbitahan nga pala ako ni Matt sa birthday nung kapatid nya. Di man lang ako nakapagpaalam.

Maaga akong nagkarating para sa 8:00 am class ko. Nagelevator din ako para mas madali. Pagkadating sa room namin iilan palang ang tao.

"Ali!" atat na tawag sa akin ni Hana. Nagulat naman ako sa pagtawag nya. Medyo nagkakahiyaan pa kasi kami eh.

"Oh?" takang tanong ko.

"Bakit di ka na bumalik kahapon? Nga pala may ikwekwento ako sayo!"

"Ano naman yun?" tanong ko at parang nagtwinkle naman ang mata nya.

"Di ba kaibigan mo yung mga cute boys sa likod? Inimbitahan ako nung isa dun!! Omg di ko ineexpect eh, ininvite ako ni Matthew Perez! Ininvite nya ako omg!!" binigyan ko naman sya ng isang boring look. Di ko ineexpect na ganyan yang si Hana. Akala ko matino, pero katulad lang din ng mga baliw kong friend hays.

"Crush mo si Matt?" tanong ko sa kanya at namula naman ang pisngi nya.

"Di—di ah! Di ko lang naman ineexpect yun! Medyo na-op nga ako dahil wala ka. Ano bang ganap sayo kahapon di ka na nakabalik?"

"Nag-cutting ako." mahina kong sabi.

"WHAT?!" Nakakagulat naman ang reaksyon nitong si Hana. "Paano? Pwede ba yun? Buti walang nakakita sayo." sunod nyang sabi.

Inexplain ko naman sa kanya ang buong nangyare. Mula nung naghahanap ako ng malalabasan hanggang sa nakarating ako at ang dahilan na pagcucutting ko.

"Huy, shh ka lang ha? Saka don't judge ginawa ko lang yun ng may purpose."

"At ano ang ginawa mo ng mag purpose?" halos mapatalin ako sa upuan ko ng biglang sumulpot si Lucas.

"Ah—ano kasi..uhm wala. Girl talk yun kaya bawal ka." sabi ko at sa ibang direksyo tumungin.

"Hm, ganon ba." umupo sya sa bakanteng upuuan sa unahan ko. "Bakit di ka na bumalik kahapon? Di ka na umattend ng buong klase. Saan ka pumunta?" sunod sunod nyang tanong. Tumingin ako sa kanya para di nya paghinalaan. Pansin ko namang lumabas ng room si Hana.

"Bakit ko naman sasabihin sayo." medyo nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Pang-aasar lang. Para namang namula ang tenga nya. Anong meron?

"Tabigin ko kaya yang mga mukha nyo ng magkatukaan na? Yii!" bigla ko namang layo kay Lucas ng biglang sumulpot si Andrew. Kita ko namang sinamaan sya ng tingin ni Lucas. Napaimpit naman ng tawa si Andrew.

Dumating na ng prof namin para sa P.E. Tumahimik naman lahat ng nagpakilala na yung prof.

"So are we clear? If we're clear, let's talk about our lesson. Basketball. I'm very sure na alam na alam nyo na ang larong ito. Let's have a free play now para makita ko ang mga skills nyo sa larong ito o kung marunong ba man lang kayong humawak ng bola." sabi ni prof. Pinapasunod nalang nya kami sa gym kasi nauna na sya at aayusin pa daw nya ang gym.

"Ohmygosh!" napatingin naman ako sa katabi ko. "You know what...sabi ng Ate ko na terror daw yung prof nating yun at para makapasa sa subject nya, laging nag papa-practical exam. Kung marunong kang lumaro, pasa ka. Kung magaling kang maglaro, exempted ka na sa mga next practical games. At kung di ka man lang marunong o takot ka sa bola...hello singko na daw sa grades. Nakakatakot Ali! Di pa naman ako sporty." kahit ako natakot din. Di naman sa di ako marunong mag basketball, dati nung bata ako tinuturuan nya ako. Kasi naman si Kuya parang bakla ayaw nga nun lumabas ng bahay. Kasoo, tinamad ako nun nung tinuturuan nya ako, kaya di ko na rin alam kung tama pa yung mga alam ko.

Pumunta na kami sa gym. Nagkalat ang mga kaklase ko lalo na yung mga lalaki. Kanya-kanyang hawak ng bola at pashoot nang pashoot sa ring. Eh ang girls naman, yung iba nagcecellphone. Tulala naman ang iba mukhang wala talagang alam sa nangyayari.

Nagpalobo naman ang ng bibig ko tapos binuga na ulit ang hangin. Paulit-ulit kong ginawa dahil naboboring na ako. Pinalobo ko ulit ang bibig ko pero naramdaman kong may gustong pumutok nito. Binuga ko na yung hangin sa bibig ko at tiningnan ng masama yung tumusok sa pisngi ko.

"Kabado ka na ba kasi di ka marunong? Hm, aminin." pinisil naman nya ang pisngi ko. Grr, malalamog na ito.

"Bhwishit kah bihtawhan moh ngha akoh!" bulol kong sabi sa kanya pero di naman nya binibitawan. Naka poker face lang siya pero ipit-ipit parin ng kanyang kamay ang pisngi ko. Binatukan ko nalang sya ng malakas. Napa'ah' naman ito. Buti nga sayo, Lokong Lucas.

Minasage ko muna ang parang nalamok kong mukha. Nakatingin pa rin sa akin ang loko at pangisi-ngisi pa.

"Tingnan mo ang ginawa mo, ang sakit kaya! I-fo kita dyan eh!"

"Masyado ka kasing pacute. Kaya sirain na natin yang mataba mong mukha para wala ng pacute." seryosong sabi nya at sinubukang pisilin ang pisngi ko pero tinabig ko sya agad.

"Kasalanan ko bang pinanganak ako cute?"

"Sabi ko pa-cute hindi cute bingi ka ba?" hinamas ko ulit sya sa braso. "Aba! Nakakarami ka na ah!" sabi nya. Binelatan ko nalang siya.

Nagdadala ng bola si Hana dun sa court. Hindi nagdridrible, literal na dala-dala lang nya yung bola. Di rin yata sya marunong magdrible.

"Tuturuan pa ba tayo ni Sir? Syempre di naman lahat marunong magbasketball ang unfair nun!" reklamo ko sa katabi ko. Di pa rin kasi sya naglalaro at nagmamasid lang ng mga nasa court.

"Siguro naman. Di ka ba marunong nyan? Nakakapanibago naman sa isang tulad mo." alam kong sarcastic yung sinabi nya kaya inirapan ko lang.

"Basic lang alam ko pero pag may ka one on one na di ko alam kung anong gagawin." nahihiyang sabi ko.

"Gusto mo turuan kita?" napatingin naman ako sa kanya. Seryoso sya sa sinabi nya.

"Maru...marunong ka ba nyan? Weeeh, di halata." sabi ko sabay ngisi. Tiningnan naman nya ako.

"Huh! Kahit di ako varsity nung high school marunong akong magbasketball. Ako na nga nag-aalok ng tulong eh." hindi nga pala sya varsity nung high school kasi sa photography club ata sya? Syempre niloloko ko lang sya na di sya marunong. Magaling kasi si Tito Dom, yung ama nya sa basketball kaya baka naturuan na rin sya.

"Ano namang kapalit?" syempre para di na ako mabigla kung ano man ang kapalit ng good deed nya.

"Hm, wala. Sabihin mo nalang sa akin kung bakit ka nawala kahapon." interesado pa rin sya dun?

"Nagkaroon ng emergency, wala akong nagawa nagcutting ako." sabi ko at halatang nagulat sya. Di nya kasi alam na nagcucutting ako dati nung highschool kasi di naman kami magkaklase. Pure schoolmates lang pero kilala ko sya at sabihin na nating snobban kami.

Kasi nga fo kami ng di ko alam ang dahilan!

"Huh? Paa—"

"Ladesma, Landicho, Lañera. Turn nyo na." tawag sa amin ni Sir Prof. Okay na rin para di makapagexplain sa loko Lucas na 'to.

*

Erix Note: Hello! Abt sa part na 'to, dun sa basketball at pe class nila. Magtataka siguro kayo kasi Business Ad ang course nina Ali pero bakit may pe? Diba diba..hehe. Di ko sure kung sa mga ibang course nag p-pe rin cause di pa naman ako college student, hamak na highschool student lang ako. Pero nakabasa narin ako ng story na may pe sila talaga kahit college. Pero kung wala naman..ay hayaan nyo nalang na.may pe sila hahaha paranoid lang si author hehe.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon