Chapter 9

121 11 3
                                    

Naglalakad na ako papasok ng ulit. Gusto ko sanang umabsent kaso magagalit naman ang mudra ko kaya pasok nalang diba. Nakakatamad kasi lalo na kung ito ang maaabutan mo.

"Hi." bati sa akin nung adik nung pumunta na ako sa upuan ko. So dyan na sya talaga uupo? Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at pumaling ng tingin sa likod. Kung saan nakaupo sila Lucas.

Lumapit ako sa kanila pero umalis naman si Lucas. Anong problema nun?

Tiningan ako nung dalawang alipores ni Lucas. Nagtataka ata sila dahil nung lumapit ako sa kanila ay umalis naman si Lucas.

"Hm..nangangamoy...LQ.." parinig sa akin ni Matt sabay tapik naman ni Andrew sa kanya.

"BQ kaya pre." sabat naman ni Andrew at sumalyap sa akin at tumingin ulit kay Matt. "BQ..hm.."

"Tanga pre, FQ nalang para safe! Hm, FQ" si Matt naman yan at tumingin sa akin. Nasisiraan na ata ang dalawang ito.

"Para walang gulo, Quarrel na lang kaya! Nagtatalo pa kayo dyan pwede namang Quarrel!" nabigla naman ako ng bigla sumulpot si Hana. "Hi, Ali!" bati nya sa akin at tipid ko naman syang nginitian. Lumabas ulit si Hana at binaling ko na ulit sa dalawang lalaki ang tingin ko.

"Sira kayo! Anong LQ, BQ, at FQ kayo dyan? Ano bang nangyayari dun sa Lucas na yun?" tanong ko at tumawa naman yun dalawa at pagkatapos nagmala-seryoso na ulit.

"Hm..di mo alam? Ang manhid mo naman, Ali." may halong pangongonsensya ang tono ni Drew.

Ano daw? Naguguluhan na ako!

"Diretsuhin nyo nga ako! Ano ba yang pinagsasabi nyo dyan?" tanong ko at tumawa ulit sila. Baliw na ang mga yun. Tsk, nakakapikon ang tawa nila ha.

"Bakit kami ang tinatanong mo dyan, tanungin mo kaya sya. Ayun na oh! Lucas may itatanong daw sayo si Ali!" sigaw ni Matt kay Lucas. Pero nakapoker face lang si Lucas at nilagpasan lang kami at umupo na sa upuan nya.

"Naku, tsk tsk tsk! Galit si Master Lucas. Anong ginawa mo, Ali? Magsorry ka tsk tsk tsk." pang-aasar naman nung dalawa. I just rolled my eyes on them at bumalik na ako sa upuan ko. Tumayo muna ako sa tapat ng upuan ng katabi ko.

"Hoy, excuse me lang ha. May nakauupo kasi dyan sa upuan mo. Di naman kita pinapaalis sinasabi ko lang na may nakaupo dyan at pumasok na sya." sabi ko kay adik at ngumiti. Yung ngiting peke lang, mema-ngiti ganon.

Tiningnan nya lang ako at ngumiti rin. "Ah, ganon ba? Di ako aalis dito. Yung girl na nakaupo dito insisted and gave her sit to me. May mauupuan naman daw sya...so yeah. That's it." sabi nya at ngumiti ulit. Binawi ko naman ang pagngiti ko at napalitan ng pagsimangot dala ng pagkainis.

***

Now were heading to our school auditorium. May seminar kasi ang buong BusinessAd student. May magta-talk about sa entrepreneurship at about sa tamang paghahandle ng business.

Nauna ng maglakad sila Andrew at Matt kasama si Hana. Pansin kong kaclose na nila Matt si Hana. Mabuti naman dahil para maka-closs pa lalo ni Hana yung crush nya kuno.

Si adik naman, di ko naman napansin kung saan pumunta o kung pupunta ba sya sa seminar na yun. Wala akong pake.

Si Lucas..ayun nag-iisang naglalakad. Parang di rin nya pinapansin yung sila Matt eh. Lapitan ko kaya..? Oo, lalapitan ko nga.

"Huy." bungad ko sa kanya at tinapatan sya sa paglalakad. Tiningnan nya lang ako at naglaglakad ulit.

"Huy, Lucas!" tawag ko ulit sa kanya at diretso parin sya sa paglakad. Naiinis na ako ha.

"Galit ka ba sa akin?" tanong ko. Tumigil naman sya sa paglakad para harapin  ako.

"Bakit naman ako magagalit...sayo?" seryoso naman nyang sabi sa akin at tiningnan nya ako straight sa mata. Mga mata nya na para gustong sabihing nagsisinungaling lang si Lucas. Na galit talaga sya.

Pero sinabi naman nya..bakit sya magagalit sa akin? Wala naman akong ginawa sa kanya.

"Oh, yun naman pala eh! Eh..bat di mo ako pinapansin?" tanong ko ulit. Tumingin ulit sya sa akin. "Walang lang. We used to be like this, diba?" sabi nya at nilagpasan nya na ako. Naiwan naman akong tulala. We used to be like this? Ano bang gusto nyang iparating?

Hindi eh, may mali. Galit talaga sya. Sinungaling.

Edi kung galit, edi galit. Kung walang pansinan edi wala! Ako pa ba? Tutal, we used to be like this naman diba?

Kay Hana ako tumabi at sa malayo kami pumwesto. Malayo dun sa mga lalaking yun. Pansin kong tumingin sa akin si Hana at nginitian ko naman sya. Nagtaka ako ng pinangliitan nya ako ng mata. Alam nya siguro kung anong nangyayari.

"Anong problema?" okay, I think I better tell her what happened.

"..so yun na nga he had a little conversation with that Zachary and he insisted na sya nalang ang sasama instead of me. Eh gusto ko rin itanong kay Zachary kung sya nga yung taong tumulong sa akin. Yung about nga dun sa cutting. Kaya sabi ko ako nalang ang sasama kay Zachary. Akala ko naman okay lang kay Lucas kasi bakit naman di magiging okay diba? Tapos kanina di nya ako pinapansin. Sabi nina Matt tanungin ko daw kung galit ba sya sa akin kaya tinanong ko naman sya. Sabi nya di naman daw sya galit, ano ba raw ang ikakagalit daw nya. Tapos tinanong ko pa sya bakit di sya namamansin tapos sinagot nya ako ng "we used to be like this" chuchu nya. Lalo akong nainis! Ano ba yun, Hana?" medyo pinigilan ko pa ang sarili ko sa pagkagigil kasi nagseseminar nga pala kami.

"Chill, Ali. Chill." tanging sabi ni Hana. Tinapik rin nya ang likod ko para kumalma.

"Alam mo, nagtataka ako bakit di mo alam ang nangyayari eh napaka-transparent naman nung sitwasyon." napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Hana, ngumiti lang sya sa akin. "Hindi kaya nagseselos yang si Lucas?" sabi ni Hana at lalo pang napataas ang kilay ko.

"Selos? Huh, bakit naman sya maseselos. Anong nakakaselos dun?" curious kong tanong at tinawanan naman nya ako.

"Duh, syempre parang ang lalabas pinili mo si Zachary over him. Uhm, mababaw lang naman pero di mo muna sya sinabihan at you acted so weird to him like nung sinabi mo. He even gave you food but tamad na tamad mo naman syang inentertain. Diba sabi mo friends kayo at nag-aalala naman yung tao. Di mo man lang sinabi sa kanya na si Zachary pala ang kinagugulo ng utak mo nun. Tapos nung dumating si Zachary tapos siguro ang lalabas sa kanya bakit si Zachary kinausap nya nga ayos pero ako.. syempre, kung ako naman parang nakakaselos din naman yun." sabi ni Hana. Medyo magulo pa rin pero naiintindihan ko ang point ni Hana. So, ano yun nagseselos nga yuNg lalaking yun? Gusto kong matawa sa mga kinikilos nya eh.

"Ano naman gagawin ko ngayon?" tanong ko kay Hana. Pinanliitan nya ulit ako nga mata.

"Seryoso, tinatanong mo pa ako nyan? Syempre mag-sorry ka. Di naman siguro magpapabebe yun aba aarte pa ba yun kung ikaw naman ang sumusuyo?" sabi nya at napatawa naman ako. Naalala ko tuloy sa kanya si Lorianne. Kamusta na kaya yung babaitang yun? Minsan ko lang sya nakakamusta ngayon kasi nga busy na rin at sya rin siguro. Isama ko kaya yun sa concert para makilala naman nya si Hana at for sure magkakasundo sila. Ata para maayos na rin yung issue...hm, secret muna.

Natapos na ang seminar ng wala akong naintindihan. Paano ba naman eh nagchismisan lang kami nitong si Hana. Tumayo na ako para umalis nang natanaw ko si Lucas sa unahan. Bukas, bukas ako magso-sorry kung ano man ang kadramahan mong ito, Lucas.

*

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon