Chapter 10

129 11 2
                                    

Me:

Hey Lori! Pwede ka ba ngayon? Gala lang.

At send! Ang galing ko, nag-yaya ako agad eh di ko naman alam kung papayagan ako.

Lori:

Hey, Ali! Hmm..Maybe. Wala pa naman akong gagawin. San ba?

At nag-type na ako ng isasagot ko.

Me:

Sa CC. Sa labas nalang tayo ng village nyo magtagpo ha. See u.

Send. Ang problema eh paano ako magpapaalam? Bumaba na ako para makita ko anong ginagawa ni Mama, kung good mood ba o hindi. Kung may mga pa-order ba ngayon, ganon.

Si Abi ang unang nakita ko, nagcecellphone sya at parang kinikilig pa sya habang natipa sa cellphone nya.

"Ano yan?" panggugulat ko sa kangya at halata naman nagulat ito. Sinamaan nya ako ng tingin saka sumagot. "It's none of your business." napaismir nalang ako sa sinabi nya. Arteng bata.

Di muna ako lumapit kay Mama, nagluluto pa kasi sya ng Leche Flan at nung almusal namin. Naghahanap pa ako ng magandang tyempo. Kukuhanin ko sana ang walis para maglinis muna pero masyado yung pakitang tao at old style na pagpapaalam.

Narinig ko namang may yabag ng tao na papasok sa pintuan namin.

"Pa!" tawag ko sa kanya. Ngumiti sa akin si Papa at niyakap ako. Almost one month na rin bago nakauwi si Papa kaya namiss ko rin sya.

Lumapit naman si Abi para yakapin din si Papa. Maging si Mama at tinigil muna ang pagluluto para salubungin si Papa.

"Kamusta na ang mga prinsesa ko?" bati ni Papa sa amin ng naka-upo na sya sa sofa. May dala ring pasalubong si Papa galing Laguna, dun kasi ang project nya ngayon.

"Ako Papa, okay na okay! Nag-periodical exam na kami kahapon at as expected highest na naman ako." pagmamayabang ni Abi at ginulo naman ni Papa ang buhok nya. Tsk, pabibo nya ano?

"Ikaw, Ali?" tanong sa akin ni Papa.

"Okay lang naman po. Uhm, Pa pwede bang..hm umalis ako ngayon?" medyo nangunot ang noo ni Papa sa sinabi ko, "Kasi po may concert for a cause sa convention center ngayon eh. Inaasahan ako nung kaklase ko dun naka-oo na po ako. Pwede po ba, Pa?" nag-iba naman ang itsura ni Papa. Err..payag kaya?

"Tanong mo sa Mama mo." sabi nya. Sabi na eh, si Mama lagi ang mag dedecide.

Lumingon ako kay Mama. Ginawa ko na ang ultimate pagpapaalam ko at papikit-pikit ng mata para magpacharming  at mag paawa sa kanya. Ma, pumayag ka pooo!

"Hin...Sige. Kakaunti lang naman ang paorder ngayon at ako na ang sasaglit dun kasi may kailangan din akong sabihin sa kanila. Basta umuwi ka ng maaga." halos mapasigaw ako nung pumayag si Mama, niyakap ko pa sya sa sobrang tuwa.

Mabilis akong nagbihis. Simpleng t-shirt at pants lang ang sinuot ko. Nung bumama ako nakita kong nanonood ng tv si Papa at nagwawalis naman si Mama. Nagpaalam na ako sa kanila at pinaalalahanan na naman nila ako na umuwi ng maaga. Tandang tanda ko na po yun, parents.

Ng nasa labasan na ako eh tinawagan ko si Lori kung nasan na sya. Nasa labas narin daw sya ng village nila kaya nagbike na ako papunta roon. Siguro iiwan ko nalang ang bike ko sa guard house nila.

"Aliiiiii!!!" malayo palang ay sumigaw na si Lori para tawagin ako. Napatawa naman ako sa kanya. Nang nakalapit ako ay bigla nya akong niyakap. "Miss you, Beshy!" sabi nito. Niyakap ko rin sya pabalik. Infairness, namiss ko rin ang lukaret na 'to.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon