Chapter 23

103 8 0
                                    

The week went good though it's tiring. Ngayon back to normal na ulit kami, kumakaway ang nalalapit naming finals.

"Oy, group study tayo kila Miya!" busy ako sa pagbuklat ng libro ng tawagin ako ni Hana. Nilingon ko naman siya.

"Sometimes group studies turns to group chikahan. Nadala na ako last time, kayo nalang." sagot ko at saka nagbuklat na ulit ng pahina sa binabasa kong libro.

"Sungit naman, red days ba?" tanong niya ulit. Tinaas na nung librarian yung placard niyang 'Quite!' tinabig ko naman si Hana saka bumulong.

"Ingay-ingay kasi."

"Ikaw kasi ang sungit-sungit mo! Para ka namang nag-aaral eh nagbabasa ka lang ng novel!" sagot niya.

Kaya naman ako naiinis kasi naaksidente yung bida sa binabasa ko tapos mukhang papayag nang ipagkasundo si girl dun sa boy na di naman nya type.

Sinarado ko na yung libro ko, wala namang kwenta. Next time yung mga may halong murders na lang ng babasahin ko para may thrill.

Lumabas na kami ni Hana ng library para bumili ng pagkain. Nagcra-crave ako sa pizza parang ang sarap.

Nang makarating kami ay dumiresto na akong pumila sa bilihan ng pizza. Si Hana naman ay nagpaalam na may pupuntahan raw siya na kaibigan, pumayag naman ako. Kaya ko naman na mag-isa.

Ang haba naman ng pila na 'to. Ang tagal ng service ng pizza corner na 'to papatanggal ko na 'to kay President!

Akmang aalis na ako ng paglingon ko ay may nakabanggan ako. Si Zach. Si Zaaaach?!

"Hey." for a seconds ay na freeze ako. Ngayon ko lang siya nakita after nung sports fest. Saan naman kayo 'to nagsusuot?

"O-oh hi Zach!" masayang bati ko. Nginitian naman nya ako pabalik.

"Where are you going? Nakapila ka na, aalis ka pa." sabi niya.

"Eh, ang tagal-tagal eh! Di na ako makahintay." maktol ko. Napatawa naman siya at ginulk ang buhok ko. Nagulat ako ng bigla siyang maglean sa tenga ko.

"Sa labas nalang tayo bumili." alok niya.

"Huh?"

"Matagal pa 'to, mas maraming mabibilhan sa labas." sagot niya. Nag-aalinlangan pa ako sa gagawin namin.

"Paano pag nahuli tayo?" tanong ko,nginitian naman niya ako at inakbayan.

"Don't worry Ali, I got you." sagot niya at inakay niya ako sa paglalakad.

***

"Thanks sa treat Zach! Kelan kaya ako makakabawi sayo? Lagi mo nalang ako nililibre. " sabi ko at ngumuso. Ang yaman naman kasi nito, bigyan ko nalang siya ng Leche Flan.

"Nah, it's okay. Sapat na yang existence mo sa akin." sagot nito. Feel ko nag-init ang mukha ko sa sinabi niya.

"Hmp, tumigil ka nga! Ililibre kita pag may pera na ako pero ngayon, bigyan nalang kita ng Leche Flan tas pag nagustuhan mo irecommend mo sa iba para sa amin na lang oorder. Okay?" bago sumagot ay pinisil nyo muna yung cheeks ko. Hay!

"Okay. Ang taba talaga ng pisnge mo." hala, nanglalait ata 'to eh.

Hinawakan ko yung kamay niya at tinanggal iyon sa pisnge  ko.

"Masakit kaya!"

"Sorry." sagot nya at nag peace sign sa akin. Paano maging pogi at cute ng sabay, Zachary?

Hindi ko ineexpect na magiging ganito rin kami ka-close ni Zach. Dati parati nalang kaming bangayan. Siguro dahil may alam na rin siya tungkol sa akin kaya mas naging close ako sa kanya.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon