Chapter 19

94 8 8
                                    

Feel free to leave some comments :))

*
Mabilis lumipas ang mga araw, biruin n'yo October na agad ngayon. Busy busyhan ang mga tao sa school kasi nga next week ay foundation day na ng Aquarian College. Kalat-kalat ang mga tao sa school grounds ngayon dahil sa pagtatayo nila ng tents para sa iba't ibang booths ng iba't ibang department. Bilang BusinessAd students, may kinalaman sa business iyong booth namin. Apat ang booth namin sa buoong school kasi per year. Pero iisa lang ang theme ng booth namin, syempre magtitinda kami...err.

"Wala pa tayong nasisimulan, gosh." komento ni Hana sa tabi ko. Ngayon kasi nakatitig lang kami sa mga naggagawa ng booths. Ang mga freshmens sa BusinessAd, walang wala pang ganap sa buhay. Hindi pa naka-assemble iyong tent. Napapailing na lang ako.

"Nasaan na ba kaai iyong mga kaklase nating lalaki? Pati na ring yung ibang girls?" tanong ko. Nagkibit-balikat naman si Hana. Ipinag-combine din kasi yung mga BusinessAd students na freshmens din sa amin. Marami naman kami pero sasampu yung nandito sa ground! Hindi pa namin ka-blockmate ang mga yan.

Pumunta muna kami sa room at naabutan naming may meeting. O meeting meetingan? Kakaunti lang naman iyong nakatungo and the rest ay naka ub-ub na. Nagsasalita iyong parang president ng block namin. Si Arren.

"ANUNA KANINA PA AKONG HANASH NG HANSH DITO NA-GETSUNG NYO BA?!" imbes na matakot ay natawa akobsa pagsigaw ni Arren. Ano kasi medyo—alam nyo na, lambutin 'yang si Arren. Cutie nga eh. Pero minsan nilolokk lang yan ng iba kong kaklaseng lalaki.

"Oh, I'll repeat ha! Makinig naman kayo! Yung mga naka-ub-ub d'yan mapuputulan ng leeg kapag hindi tumunghay!" sigaw ulit n'ya at saka naman tumunghay na rin yung iba. Yung iba lang kasi mga pabebe iyong mga kaklase namin.

Pansin kong tumunghay si Zachary. Oh, nandito na pala s'ya. Inilibot ko iyong tingin ko, wala pa sila Lucas.

"Wala pa sila, mamaya pa raw kasi tinatamad daw silang pumasok." nilingon ko naman si Hana. Wow, updated talaga s'ya 'no.

"Kayo na yata ni Matt eh, updated lagi eh." pang-aasar ko at automatic na namula iyong pisngi n'ya.

"H—hindi 'no! Hindi pa? Ewan ko sa kanya." sagot ni Hana. Napangisi nalang ako. Indenial pa eh.

"Brent, Nico, Jessie at Kevin! Kayo ang assign sa pagtatayo nung tent ha!" tumingin ako sa mga lalaking binangit ni Arren. Nagtaka naman sila sa mga sinabi ni Arren. Ang cute nga nung mga 'yun lahat sila chubby.

"Ano?! Nanadya ka yata eh! Porket malalaki kami, kami na ang magtatayo n'un?" hinaing ni Jessie.

Pinagtaasan naman s'ya ng kilay ni Bakla.

"Whysung? Ayaw n'yo? Yun na nga lang ang gagawin n'yo ayaw n'yo pa?!" sigaw ulit ni Arren. Buti di nahahalit iyong vocal chords n'ya. Ang lakas kasi ng sigaw saka pinapaliit pa n'ya yung boses n'ya.

Nagkaroon ng konting diskusyon sa pagitan nila pero sa huli pumayag din naman sila. Paano sinuhulan ni Arren ng pagkain yung apat ayun, nakuha sa pagkain.

"Seth, Justin, John Lei, kayo ang kukuha ng mesa ha. Kate, Shad, Sabel at Cristhel kayo naman ang kukuha ng stocks ng pakain sa mga seniors. Kyla at Chervin naman yung jug ha, humiram kayo sa mga sophomores!" utos ulit ni Arren at napapakamot nalang sa ulo yung mga nauutusan.

"Hana, mag-aarange ng mga snacks. Jemar at Jordan kuhanin n'yo iyong cooler... Zachary at Ali kumuha kayo ng 5 case ng softdrinks. Nagpadeliver naman daw 'yung mga seniors natin kaya kumuha nalang kayo dun ha!" nung nabanggit yung pangalan namin ni Zachary agad naman kaming nagkatinginan. Nginitian naman n'ya ako saka tumayo sa kanyang kina-uupuan. Ano ba yan, bakit parang kumalam na naman iyong sikmura ko eh nginitian lang naman ako ni Zachary.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon