Chapter 25

68 6 0
                                    

"Kamusta ang probinsya? Balita ko marami kang dalang pasalubong diyan ah!" inirapan ko lamang itong si Lori at pinagpatuloy ang pagbuklat ng aking libro.

"Taray, ngayon na nga lang tayo nagkita eh." bakas sa tono nya na siya ay nagtatampo.

"Masaya naman, nakakita ako ng mga natives. Kamag-anak ata—"

"Niyo? Haha! Nagtaka ka pa." sinamaan ko naman siya ng tingin at nag peace sign siya sa akin.

"Kamag-anak nyo talaga yun. Oh, buti naalala kita habang nandon kami." inabot ko yung isang bag ng banana chips. Para namang nagningning ang kanyang mata.

"Wow, bukod sa leche flan ito pa lang ang nabibigay mo sa akin. Nakakatouch!" sarkastikong sabi ni Lorainne.

"Aba, ayaw mo pa? Ikaw nga wala ka pang nabibigay sa akin!" singhal ko. Napatawa nmaan ang babaita.

"Saka na pag nurse na ako, diba mag kokorea pa tayo meeting with oppas! Yie!"

"Tanga, wag muna tayong umasa baka di tayo makagraduate."

Nagrereview kasi kami ngayon para sa finals, tinawagan din ako nitong babaitang ito kasi miss na raw niya ako. Hays, ang dami talagang nakakamiss sa akin.

Habang nagkwekwentuhan at kumakain kami ni Lori, may dumaang parang mga goons sa field. Sa labas kasi kami nagrereview, bawal mag-ingay sa lib eh kapag nagkikita kami nito si Lori sogurado nang maingay. Ayaw ko namang magka-record.

"Kilala mo ba yun?" tanong ko kay Lori na busy sa pagnguya ng chips. Tumingin naman siya doon sa grupo ng mga lalaking mukhang barumbado.

"Ah, di mo sila kilala? Sila yung El Bruskos. Leading frat dito sa school." I creased my forehead. Huh? Why am I not aware that there's a fraternity in this school? Akala ko pa naman matitino mga tao dito.

"Akala ko walang frat dito kasi diba bawal yan?"

"Duh?! Wala naman sigurong school na walang frat, Ali. Siguro nga wala, pero sa isang certain course siguradong may frat don."

"Course? Sa isang course lang uso ang frat? Anong course naman?"

"Sa law." bigla naman akong napatigil. Law? Imposible naman siguro ang iniisip ko.

"Wait, si Kuya Aji diba? Law? For sure kilala nya yang mga yan." napangiti nalang ako kay Lori.

"Hindi naman siguro sasali si kuya dyan diba?" bigla kong tanong kay Lori. Nahalata naman siguro na nag-aalala ako.

"Hindi no! Matalino naman at masipag mag-aral yung si Kuya Aji. Wala naman siguro siya kaaway kaya di niya kailangan ang mga support na yan." tumango ako. Tama, kahit ganon naman si Kuya alam na naman niya ang tama at mali.

Bumalik na ako sa classroom kasi may klase na rin si Lori. Doon muna ako tatambay. Mamaya pa kasi ang klase namin, wala na rin akong ibang mapuntahan kaya don nalang.

Kinuha ko ang phone ko para itext si Hana. Tagal ko na rin di nakaka-usap yung babaeng yun, itetext ko kung aabsent ba siya ngayon. Pag absent na naman siya wala na naman akong kasama.

Habang nagtatype, hindi ko namalayan ang daang tinutungo ko. May nabangga na pala ako. Ang sakit ng balikat ko para naman siyang bato. Tinginan ko kung sino ang nakabungguan ko. Shet, ang creepy nya. May hikaw siya sa may labi tapos nakatunnel pa yung hikaw nya sa tenga. Shet ang may nakakatakot pa don, nakatingin siya ngayon sa dibdib ko!

"S-sorry p-po..." sabi ko at dali dali akong umalis doon. Omygod nakakatakot ang itsura noong lalaking yun! Adik ba sya?!

Imbes na dumiretso ako sa room, pumunta muna ako sa banyo para mag hilamos at hugasan na rin yung sugat ko sa tuhod. Nakapalda kasi ako ngayon tapos nung nabangga ko yung creepy na taong yun, tumama sa semento ang tuhod ko. Nagkaroon tuloy ng maliit na sugat.

Leche naman kasi! I admit na it's my fault rin naman but wala man lang akong nataggap na sorry rin for him? At parang namanyak pa ako!

Naghilamos ako at binasa ko yung panyo ko para madampian ng tubig ang tuhod ko.

Maya-maya may pumasok sa cr at parang humihikbi. Tumayo at tiningnan yung babaeng pumasok. She looks familliar.

Naghilamos sya kahit patuloy pa rin sa pag-iyak.

What should I do? Aalis na ba ako kasi hindi ko naman siya kilala, or I'll stay? Baka mamaya mahimatay ito dito kakaiyak.

"Uhm, Miss.. Are you okay?" I asked. She looks at me and I saw the swollen eyes of her. She is...

"Ate Krista..?" Kaya pala pamilyar ang mukha niya. Kasama niya si Kuya noon sa mall. Bakit siya umiiyak?

Kahit na pilit, ngumiti siya sa akin. I think she remembered me now.

"Ali right?" she said. I nood my head. Tumingin siya sa salamin tapos umiyak ulit. Ano bang nangyayare?

Lumapit ako sa kanya at tinap ang balikat niya. "What's wrong Ate? Bakit ka umiiyak?" malambing kong sabi.

"I'm sorry, Ali. I'm sorry." huli niyang sambit bago ako lisanin sa cr na walang ka-alam alam kung bakit siya himihingi ng tawad sa akin.

***

"Pauwi ka na, Ali?" nilingon ko yung nagsalita. Si Zachary pala.

"Yup. Ikaw ba?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin.

"Oo, sabay ka na sa akin?" tanong niya sa akin. Agad aking umiling.

"Hindi na, magba-bike nalang ako. Ayoko maiwan yung bike ko rito baka may kumuha. Hindi na natin alam ang mga tao ngayon." sagot ko. Tumawa naman siya.

"Uhm okay then. I'll go ahead na. Ingat ka pauwi." I smiled at him as I walk away.

***

Madilim na at napidal pa rin ako pauwi. Dumaan muna ako sa convinient store para bumili ng makakain. Nakakagutom kaya. Nanghihinayang ako kung bakit pa ako pumasok ngayon. Wala naman kaming ginawa maghapon. Sila Lucas at ang mga alipores nya wala rin. Si Zach hindi ko namna siya nakita sa classroom kanina pero pumasok pala siya. Sayang lang uniform ko kaasar.

Malapit na ako sa bahay nang may nakita akong pigura ng taong nakaupo at nakasandal sa poste. Parang naghihingalo na rin ang tunog ng kanyang paghinga. Agad akong bumaba sa bike ko at nilapitan ang taong iyon. Nang makalapit ako, my jaw drop when I finally saw who was that.

He's my brother. Kuya Aji.

Dahil sa ilang mga ilaw, nakita ko ang kalagayan ng kuya ko ngayon. He has a bruised on his left eye. He has a cut on his upper lip. Pagang-paga ang mukha at bakas pa rin ang mantsa ng dugo sa kanyang damit.

"Kuyaaa!" tawag ko sa kanya. Wala siyang malay. Omygod, what the fuck is happening?! Inalog-alog ko si Kuya para magkamalay.

"A-ali" mahina niyang sabi. Niyakap ko siya nang sa wakas ay nagising siya.

"Sinong gumawa sayo nito? Bakit ka nagkaganito Kuya?!" tanong ko nang makahiwalay sa yakap. Di ko na namalayang may tumulo ng luha sa mata ko.

"Mamaya ko nalang ipapaliwanag, umuwi na tayo. Nilalamok na ako." sagot niya. Hinampas ko naman siya sa balikat at agad naman siyang dumaing.

"Nagagawa mo pang gumanyan eh, sugatan ka na't lahat! At anong uuwi, isipin mo nalang kung anong magiging reaksiyon ni Mama! Baka atakihin iyon sa puso dahil sayo." pangaral ko sa kanya.

"Hindi yan, mas mabuti kung sa bahay na tayo pumunta. Baka balikan pa ako ng mga hayop na yun dito. Madamay ka pa. Umuwi na lang tayo." tumango ako. Tama naman ang sinabi ni Kuya. Agad ko siyang tinayo at ninalalayan sa paglalakad.

I just remembered what happened to my day. Parang tugma-tugma lahat ng pangyayari ngayon. What the hell.


if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon