Chapter 12

94 10 0
                                    

Sumunod nalang ako kung saan papunta ang lakad ni Zachary. Tumigil kami sa isang karinderia. Pinaupo muna niya ako bago sya umupo sa unahan ko.

"Kumain ka na ba? Anong gusto mong kainin?" tanong nya pero umiling lang ako. Napapasinghot nalang ako dito sa harap nya. Wala naman kasi akong dalang panyo.

"Hey, why are you crying? Tapos bakit ka nasa harap nung coffee shop?" sunod-sunod nyang tanong. Para namang sira ang mga likido sa mata ko namumuo na naman.

"Kasi.." hindi...ko na naituloy ang sasabihin ko ng humagulgul na naman ako ng iyak sa kanya. Alam kong nakakahiya kasi marami kayang tao pero hindi ko naman mapigilan ang nararamdaman ko.

Naramdaman ko namang tinapik ako ni Zachary sa likod ko sabay sabing, "Stop crying...baka isipin ng mga tao pinapaiyak kita."

Natauhan naman ako sa sinabi nya kaya pinigilan ko ang mga hikbi ko. Nagulat naman ako nung inabot nya sa akin yung kamay nya kaya taka ko syang tiningnan. "Anong...gagawin ko dyan?" sabi ko kasabay ng pagsinghot. Ngumiti naman sya sa akin bago sumagot.

"Hindi naman kasi ako pala dala ng panyo. Kaya ito nalang na laylayan ng sleeves ng jacket ko. Don't worry, malinis yan." ngayon ko lang napansin ang suot nya. Naka-gray syang jacket tapos sumbrero. Hinigit ko naman yung laylayan ng sleeves nya saka ginamit ko yun pamunas ng luha ko. Nang natapos ako at binitawan ko yun at tipid na nginitian sya.

Tumayo muna sya para kumuha ng order. Pagdating nya at nilapag ang inorder nyang mami. Dalawa yun. Saka umupo na ulit.

Nailang naman ako ng tiningnan nya ako diretso sa mata. Ayan na naman ang mga titig nya eh.

"So..di naman sa nanghihimasok ako at hindi pa tayo masyadong magkakilala. Pero ano ba ang nangyari? Bakit ka umiiyak sa labas nung coffee shop? Chismoso man pakinggan pero kargo kita kasi ako ang nakakita sayo. Promise, I won't tell anyone. Trust me." sabi nya at nanatili pa ring nakatingin sa akin. Napatingin na rin ako sa kanya. "Okay lang naman kung ayaw mong sabihin." dagdag nito na may halong pangongonsensyang tono. Ayos lang naman siguro na sabihin ko sa kanya.

"Yung Papa ko kasi..." panimula ko. Kita ko naman na ang buong atensyon nya nasa akin. "Nakita ko...may kasamang ibang babae. Doon sa coffee shop." sabi ko at nag-uumpisa na namang mangilid ang luha. Nakakainis na ang mga luhang ito ah.

Nakatingin pa rin sya sa akin.

"Oh..." napatahimik sya, parang nag-iisip.

"Landicho ang surname mo, hindi ba?"napatango naman ako sa kanya sa sinabi nya. Nadistract naman ako ng bigla syang pumalakpak at ngumiti. Sabay tumingin ulit sa akin.

"You said na nasa loob nung coffee shop yung daddy mo, by any chance...Alan Landicho ba ang pangalan nya?" pinanliitan ko naman ng mata si Zachary sa mga sinabi nya.

"Bakit mo kilala ang Papa ko?!" sabi ko sa kanya. Muntik na akong mapasigaw pero nasa public place kami. Pero pinagtitinginan pa rin kami ng mga tao. Bakit ba hindi mawala ang mg chismosa sa mundo?

"Kilala ko yung kasama ng Papa mo, she's one of my relatives. Tita ko sya." literal na napanganga ako sa sinasabi nya.

"What..?! Naririnig mo ba yang sinasabi mo? So ano, kabit nga ng Papa ko ang Tita mo? Matagal mo na ba itong alam? Baka naman kinukunsinte mo pa?" napalakas na ang boses ko. Nagtingan naman lahat ng tao sa amin. Dahil na rin sa pagkahiya at pagkainis, umalis na lang ako at iniwan si Zachary dun. Lumakad ako hanggang makarating sa plaza pero may humigit sa akin.

"Let me explain first, okay?" si Zachary. Trying his best to please me. Pinaupo muna nya ako sa bench tapos saka sya tumabi sa akin.

"Si Tita kliyente nung Papa mo. Sa real state company nagtatrabaho ang Papa mo right? Eh humingi lang ang advice si Tita sa kanya af kinukunsulta lang sa Papa mo kung ayos lang ang bibilhin nilang property. Siguro nakita mo sila na close kanila kasi nasabi sa akin ni Tita na college friend daw nya ang Papa mo kaya malaki ang trust ni Tita sa kanya, na matutulungan nya ang Tita ko kaya ganoon." paliwanag ni Zachary. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya tapos inayos ang buhok ko. So kanina pala para akong spoiled brat. Sayang lang ang luha ko eh.

"Sorry.." nahihiya kong sabi sa kanya. Napatungo na rin ako. "Paranoid lang kasi ako, at naisip ko rin na may posibility talagang baka ganon nga...na may iba si Papa. Hindi nalang ako nagtiwala sa kanya. Hindi ako nagtiwala sa pagmamahal ni Papa sa pamilya namin." after nun, naging tahimik lang kami. Ako iniisip ang katangahan ko, tapos sya...ewan ko. Hindi ko sya matingnan dahil nahihiya ako sa kanya.

"Love...Love ang pangalan ng Tita mo?" tiningnan ko sya at halatang napintig ang tenga nya. Para namang namula iyong tenga nya.

"Ah.. Oo. Love Cojuangco. Bakit, yun ba ang dahilan kung bakit ka nagduda?" tanong nya sa akin na nakatingin pa rin tutunawin ako sa tingin nito eh.

"Oo. Akala ko endearment nila yung Love. Yun pala pangalan yung Love. Hindi ko napansin na number lang yung nagtext kaya kailangan magpakilala." sabi ko na napatungo ulit. "Sorry ulit...napaghinalaan ko pa ang Tita mo tapos napagsabihan pa kita. Napaka-immature ko para gawin yun. Kaya sorry." muli ko sabi at tumingin sa kanya. Nginitian nya lang ako at ginulo ang buhok ko.

"Ang cute mo."

"H—ha?" tanong ko muli sa kanya. Pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko tapos kung anong gumagalaw sa tiyan ko. Nakawala na ata yung mga organs?

"Sabi ko, ang cute mo." sabi nya ulit pero hindi nakatingin sa akin. Umiwas narin ako ng tingin sa kanya at pinagmasdan nalang ang mga puno sa paligid.

"It's okay, you don't have to feel sorry." sabi nya. "At saka sanay na rin ako sa pagbibintang mo." agad ko naman syang nilingon at pinanliitan sya ng mata. Pagbibintang? Oo, nung sinabihan ko syang naninigarilyo at adik tapos ngayon naman nangngunsinte. Nag-peace sign naman sya sa akin.

"Adik." sabi ko kanya na halatang nagulat sya. Tumakbo nalang ako papunta sa nagtitinda ng ice cream para bumili.

Inabot ko na ang bayad at napansin kong nasa tabi ko na sya. Ang bilis naman nitong tumakbo, may sa chettah ata ito.

"Sabi ng hindi adik ang pangalan ko. Zachary." paliwanag nito sa akin at bumili na rin ng ice cream

"Sus, Zachary? Hindi bagay ang pangalan mo sayo, pang-syosyal eh." biro ko sa kanya sabay dila sa ice cream ko. Sarap talaga ng sorbetes.

"Edi Zach nalang ang itawag mo sa akin. Pero pangroyalty talaga diba? Hay, it's runs in the blood kasi." hinampas ko naman sya sa sinabi nya at pareho kaming napatawa.

Naglalakad kami ngayon at hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng mga paa namin.

"Prelims na ngayong week, nag-aral ka na?" tanong ko pambasag ng katahimikan.

"Hindi. Hindi pa naman ako kukuha ng exam next next week pa binigyan ako ng consideration since transferee ako."  sabi nya at napatango naman ako.

Katahimikan ulit ang namagitan sa aming dalawa. Nilingon ko sya at nakatingin naman sya sa akin. Ops, di lang pala nakatingin. Pinagmamasdan nya ako? Yung katawan ko?!

"Huy, tinitingin tingin mo dyan?" sita ko sa kanya at umiwas naman sya ng tingin.

"Grabe Alandria, halatang nagmamadali ka talaga para mag-spy sa Papa mo. Hindi ka pa nakapagpalit ng pantulog." napatingin naman ako sa buong suot ko ngayon. Maong shorts tapos oversized yellow t-shirt. Inalala ko nga rin kung nakapagsuklay man lang ba ako eh.  Nag-init naman muli ang pisngi ko sa napuna nya pati narin nung binanggit nya yung Alandria.

"Wag mo akong tawaging, Alandria Alandria na yan. Hindi ako sanay na Alandria ang tawag sa akin. Ali nalang, Ali. Okay?" sabi ko at nginitian nya ako.

"Okay, okay. Ali."

Nagpaalam na ako sa kanya na mauna na akong aalis. He offered to take me home but I reject it since malaki na ang abala na binigay ko sa kanya sa araw na ito. A big thanks to him para sa tulong nya sa akin ngayong araw. Naappriciate ko talaga yun, sobra.

Lesson learned na. Maraming namamatay sa maling akala. Buti nalang hindi pa ako patay ngayon. *knocks on wood*

*

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon