Chapter 8

141 13 0
                                    

Nakatulala lang ako sa bintana ng room namin. Watching the raindrops fell on the ground. Listening to the sound of rain makes me feel like I'm on a — music video? Basang-basa sa ulan. Hm, di pwedeng basang-basa sa ulan dahil di naman ako nababasa.

Nakatingin pa rin ako sa labas ng biglang may bumato sa akin. Sino naman ang ugok na bumato sa isang Ali Landicho?

Sinamaan ko ng tingin ang bumato sa akin. Si Lucas pala at nakangisi pa ngayon sa akin.

"Bakit ka namamato inaano ba kita?!" sigaw ko sa kanya. Ang nakangisi nyang mukha ay lalo ng ngumisi ngayon.

"Di naman sayo bagay magsenti, mukha kang baliw." sabi nito. Inisnob ko nalang sya at tumingin na ulit sa labas. Vacant kasi namin ngayon at sinusulit ko lang ang pagkakataon na wala kaming ginagawa, walang pinapakinggan at walang nangungulit.

Pinagmasdan ko na ulit ang ulan sa labas. Grabe, palakas nang palakas ang palakas. I really love cold weather parang ang sarap ng may kayakap sa mga panahong ito.

"Hoy, nandyan na si Prof!" nagulat naman ako at nawala sa momentum ng sumigaw ang isa kong kaklase. Hay, dumating pa 'tong Prof na 'to.

Ibinaba muna nya ang bag nyang parang brief case sa table saka tumingin sa amin.

"So, Goodmorning. Bago ako mag-discuss let me introduce your new classmate. Actually late enrollee sya kaya ngayon lang din sya nakapasok. Mr. Cojuangco come in." at pumasok na yung bago raw naming kaklase. Matangkad ito at nakabrush up ang buhok. May hikaw din sa kanang tenga. Humarap na sya sa amin at saka ngumiti.

"Hi, I'm Zachary Cojuangco." pakilala nito at para namang mga bubuyog ang kaklase kong babae dahil sa pagbubulungan nila. Siguro dahil maitsura naman ito. Nagtaka lang ako nung tiningnan nya ako at parang kinakabisa ang mukha ko. Umiwas naman ako ng tingin, nakakaasiwa kaya!

"So class, be kind to Zachary. College na naman kayo kaya alam kong alam nyo nang makitungo sa mga bago. Mr. Cojuangco you may now be sitted." bakit parang kinabahan ako nung pinaupo na ni Sir yung Zachary. Paano ba naman ako lang ang walang katabi ngayon. Absent si Hana.

Naramdaman ko nalang na may tumabi sa akin. Tumingin ako at tumingin din ito sa akin, ako na ang unang umiwas kasi err..bakit ganin sya makatingin na parang kilala na nya ako?

Nag-umpisa ng mag-lecture si Prof and I'm trying my best to focus on his lecture. Para mawala ang presensya ng katabi kong ito.

Bakit parang padami ng padami ang weirdong tao ngayon? Anong nangyayari sa mundo?

Break time na at isa isang lumabas ang mga kaklase ko sa room. Ako, wala akong balak lumabas at kumain ngayon kasi..err naiinis ako sa lalaking iyon. Paano ba naman, I thought na makakapagconcentrate ako sa Prof namin pero di ko parin maalis ang presensya ng lalaking ito. Lalo na't ramdam ata nyang asiwa ako sa kanya, ramdam ko ang pagtawa nya sa akin. Ako, syempre kailangan serious mode lang.

Tumayo na sya sa upuan nya at tiningnan na naman ako. At alam nyo ba, ngumiti pa sya saka nagdire-diretso sa paglabas ng room.

Adik ba yung isang yun?!

Alam ko namang maganda ako pero..ano ba yun?

Pinilit kong alisin sa isip ang si Adik at nag-ayos nalang ng gamit ko. Habang kinukuha ang mga gamit ko at may nagpatong ng pagkain sa table ko. Chuckie at sandwich. Tumingala ako para makita kung sino ang naglagay ng pagkain.

"Kumain ka muna, hm..pinagbalot ka rin ni Mama...naalala ka lang nya at bigla kang na—namiss.." si Lucas. Umupo naman sya sa unahan ko at tinapatan ako.

Pilit naman akong ngumiti sa kanya at kinuha yung chukie para buksan. Nang nabuksan na ito ay inimon ko ito agad—tamad na tamad itong inimon ang chuckie dahil nakapatong pa ito sa mesa ko. Pansin ko namang nakatitig sa akin si Lucas.

"Problema..mo?" tanong nya sa akin. Binitawan ko muna ang chuckie para kuhanin ang sandwich. Ham and cheese ang palaman which is paborito ko.

Takang-taka na si Lucas sa kinikilos ko. Nakakunot na ang noo nya ngayon. Natatawa ako sa loob ko pero di ko mailabas iyon...bakit ba ang laki ng epekto sa akin ng mga titig na yun?

"Gutom na gutom ka ah. Meron pa ako sa bag gusto mo ba?" umilig ako sa sinabi ni Lucas. Grr, ayoko ng ganito.

"Ayos ka lang ba? Baka naman may sakit ka?" hinipo naman nya ang noo ko para icheck kung maiinit pero wala naman talaga akong sakit. "Wala naman eh..ah! Siguro dahil nung transferee 'no? Kilala mo ba yun, pansin ko tingin ng tingin sayo eh. O baka naman..crush mo? Hooh Ali, inlove ka agad?" sunod sunod nyang tanong. Nangunot naman ng noo ko.

"Hindi 'no. Nakakatamad lang magsalita ngayon." sagot ko sa kanya at kumagat ulit sa sandwich sabay inom na rin ng chuckie.

"We—"

"Alandria Landicho!" nabigla naman ako ng may tumawag ng buong pangalan ko. Si...Adik? Lumapit na naman ito sa amin ni Lucas. Parang hingal na hingal sya.

"Alandria Landicho?" pag-uulit nya. Nag-iba na ng tuluyan ang mood ko. From tamad to inis na.

"Narinig ko na kailangang paulit-ulit? An..ong kailangan mo sa akin?" nagtatakang tanong ko. Tumawa naman sya ng labas ang ngipin. Nagpapahili ata 'to sa maputi nyang ngipin eh!

"Oh, sorry for that. Hm, Sir Alvaro said that..can you accompany me? Hm, for a tour, a school tour. You know di pa ako gaano ka-familliar sa school na 'to eh. Soo, will you do that favor Miss." oh, so he's english spokening carabao pala. Napairap naman ako sa sinabi nya sa akin.

"Oh, really Sir Alvaro said that? How—" naputol ko naman ang sinasabi ko ng sumabat sa usapan si Lucas. Tumayo pa sya sa upuan para harapin si Adik na carabao.

"Excuse me for interrupting and listening to your conversation with my bestfriend. Mr. Cojuangco right..? Sorry but she's sick right now and she couldn't accompany you for the school tour. Let me accompany you. Pwedeng-pwede ako." with all smiles..Tinapos ni Lucas ang speech nya. Literal na napanganga ako sa sinabi ni Lucas at nagtataka namang tiningnan ni Adik (adik nalang
tawag natin) si Lucas. Familliar talaga 'to adik na 'to nakita ko na 'to eh! Wait..ah! Sya yun!

"Hindi. Okay lang ako Lucas ano ka ba. Saka baka magalit sa akin si Sir Alvaro eh." sabi ko at tiningnan si Lucas. Nagtataka namang tumingin ulit si Lucas pero nginitian ko nalang sya. "Tara na." yaya ko naman kay Adik. Ngumiti sya sa akin pero inirapan ko lang sya.

***

"Ito yung library tapos yung tapat nun ay yung park pati yung fountain." lumakad naman kami papuntang canteen. "Doon yung canteen tapos katabi nun—nakikinig ka ba?" nakakabwisit din 'to adik na 'to eh. Tamad na tamad na akong mag tour keme sa kanya tapos di naman pala sya nakikinig.

Nakatingin lang sya sa akin at nakatanggap ulit sya ng irap galing sa akin. "Oh, kailangan pang englishin? So this is our cafeteria..that is our library and the one that facing the library is our—"

"You're...imposible." napatigil ako sa sinabi nya. "Excuse me?! Anong sabi mo?" bulyaw ko sa kanya at natawa naman sya.

"Alam mo ikaw...naalala kita eh! Ikaw yun, yung doon sa labas..yung su—sumalo sa akin! Ikaw yun eh. Naninigarilyo ka pa nun! Paenglish-english ka pa adik ka naman." sabi ko at lalo pa syang napatawa. Nung una di ko makilala dahil parang nag-iba ang mukha nya. Pero sya talaga yun..sinabihan nya nga akong mataba nun eh!

Tumigil na sya sa pagtawa at seryosong tiningnan ako. "Oo, ako nga yung nasa labas dahil and yung sumalo sayo noong nahulog ka sa pader. But mali yung sinabi mo na naninigarilyo ako kasi di pa ako naka-try mag sigarilyo. At yung huli, hindi ako adik, di ako nagshashabu o nagweweed." seryoso nyang sabi at medyo napahiya naman ako. Iniwasan ko nalang sya ng tingin. Wala eh, pahiya na ako. Bwisit.

"Zachary Cojuangco nga pala. I know that you didn't know my name kasi halata namang di mo pinakinggan ang pag-iintroduce ko kanina. Pero okay lang naman yun. I'm glad to meet you and to see you again, Alandria." hindi ko alam pero nangilabot ako nung binanggit nya yung pangalan ko. Alandria.

*



if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon